Kab 8

4178 Words
Sinalubong ko sa portiko ng mansyon si Hakim noong ipag alam niya sa aking uuwi siya ngayong gabi. Naka maluwag na army green jacket at faded jeans na siya ngayon. His hair was a bit disheveled when he stepped out of his Valkyrie. Nasa gilid ko si Jezel at Manang Melba. Sumulpot din si Juandro na hindi ko inaasahan. Pinasadahan muna kami ng ni Hakim tingin bago siya dumiretso sa akin. His eyes were weary, and he appeared to have not slept since the previous night. Umamba siya ng yakap ngunit inunahan ko na siya. He buried his face between my neck and shoulder. He's tall and muscular, and you'd never guess he'd be so soft and vulnerable like how he is right now. Paulit ulit kong hinagod ang likod niya. Alam kong marami siyang gustong sabihin pero mas pinili niya munang hindi magsalita ngayon. Kaya nanatili kaming magkayakap doon ng matagal.  Sa malayong sulok, nakita kong nakatingin si Juandro sa amin habang nakahalukipkip. His eyes were dark as always.  "Ops! I think I entered the wrong room?" Sabay kaming bumitaw ni Hakim nang may magsalita sa likod. It was Ate Dian, wearing her night fit as if she's about to sleep but she saw us. Her mood never changed. She became the light in the gloomy surrounding that's embracing us right now. "What happened? Did you fail, Mr. Casually Cruel?" she smirked playfully at Hakim. Hakim just sighed. "I gave you something to celebrate, so you're welcome," Malakas tumawa si Ate Dian ngunit punong puno ito ng sarkasmo. Sa sandaling iyon, hindi na napigilan ni Hakim ang pagtiim ng kaniyang bagang. Tiningnan ko si Juandro upang manghingi sana ng tulong. He shook his head and walked towards Ate Dian. Medyo kinabahan pa ako dahil hinablot niya nanaman ang braso nito at inilayo roon. "Ihahatid na kita sa taas," his voice was full of authority. "Alam mo panira ka talaga!" sigaw pa ni Ate habang papalayo sila, nagpupumiglas sa hawak ni Juandro. Tumikhim ako at hinagod ang likod ni Hakim. He turned his gaze to me, melting the tension that's running in his eyes. "Pumasok muna tayo," I said. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa," Narinig iyon ni Manang Melba. "Dumiretso kayo sa dining room at ihahandaan kita ng makakain," Tumango kami tsaka sila umalis ni Jezel at iniwan kaming dalawa roon. Hakim told me what had happened as we were walking slowly. "Hindi namin siya nahuli. My cousin thinks he's plotting something because he's... moving so quickly. I also think he has the power and money," Tumango tango ako. "Pero 'yung article..." Pagod siyang bumuntong hininga. "Kakagaling ko lang kay Lianna kanina. Hindi raw siya ang nag publicize noon. Tinatakot niya lang daw ako pero hindi niya magagawa iyon," "Baka naman nagsisinungaling siya?" Umiling siya sa kawalan. "She almost fainted because she's crying a river while explaining everything to me... I personally think she's not the one who did it too," "Kung ganoon, s-sinong pwedeng gumawa noon?" He stopped for a while before talking. "Someone who is... really furious with me," Nagkatinginan kami. I'm not sure who he was referring to, but I'm sure he wants it to stay that way. Ayaw niya nang isatinig pa iyon sa akin. Sinamahan ko siya sa hapagkainan tulad ng gusto niyang mangyari. Everyone's away from us, giving us space. Pero habang pinapanood ko siyang natutulala at paminsan minsan lang sumusubo, nababahala ako. "Uh... alam na ba ni Senyor Manuel?" "Alam na niya," "A-Anong gagawin niya sa'yo?" "Aalisan niya ako ng karapatan dito," he said as if it's been one of his most scary nightmares. "Ipapatapon niya ako sa iba pang lupain niya at pagtatrabahuin. You  know, like a normal and poor laborer," "B-Baka pwede mo siyang... kausapin pa tungkol dito? Sigurado namang malapit niyo nang mahuli 'yung  lalaki," "No... you have no idea who that old man is. I made him mad. My issues contributed to the dark side of our business. I'm at fault," "At hahayaan mo nalang mawala sa'yo ang lahat ng ito?" He shook his head. "No way. But the old man has already made up his mind. I can't do anything about it unless..." "Ano? Anong plano mo?" "He likes surprises," "Magpapa party ka?" "Yes, if you will agree," "Saan?" Bahagyang nadepina ng katahimikan sa pagitan namin. I was waiting for his plan. Alam ko namang marami pang paraan para matulungan siya at tutulungan ko siya hangga't makakaya ko. "If you will agree to be my fiancé, Rio." Naiwan sa ere ang sasabihin ko ganoon din ang mga naglalarong isipin sa utak ko. Hindi ko na ipagkakailang sobra akong nagulat sa sinabi niya. Kailanman ay hindi ko naisip ito. Sino ba naman ako para alukin ng kasal? I'm awkward, embarrassing to be with and just a mediocre girl. Hindi ako 'yung tipong aalukin ng kasal ng isang lalaking tulad niya. Pobre, tanyag at may hitsura. Hindi ko maisip. "Pero kasi..." kinagat ko ang labi ko,  naghahanap ng sasabihin. "I know you're not yet ready, Rio. Don't worry-" "Sorry," I sighed. "Hanggang kaibigan lang kasi ang ano... turing ko sa'yo," He chuckled heartily. "I know. You're like a little sister to me too, okay? We'll just make this up. Hanggang dalawang buwan lang kayo rito diba? So our engagement will be over by the end of the summer, and we'll discuss it with the old man," Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nakapatong sa aking hita. Hindi ako kumibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm willing to help but not in a wrong way. Buong pamilya namin ang lolokohin namin dahil dito. "They'll never know that it's all a lie, love. We'll act and play naturally," pangungumbinsi niya. Yumuko ako at umiling. Siya lang ang mapapahiya at baka mas lalo lang masira ang imahe niya. "Sorry talaga..." He rested his back against the chair's backrest. While looking at me, he's fiddling his lips with his knuckles. When he realized that I won't talk, he broke the deafening silence between us. "Alright. Since I can't get your yes for free. I will buy it instead," Kumunot ang noo ko sakanya. "Your father and the old man agreed to meet. I questioned why, the old man said, he's dealing with some difficult situations right now," seryoso niyang sabi. "To be particular, your father's in a tremendous debt and he's seeking for the old man's help," Alam kong narinig ko na 'yun galing kay Juandro. Papa called and he didn't mention anything so I thought he could deal with it. Pero ngayong naririnig ko na ang buong detalye kay Hakim, parang sinasaksak ang dibdib ko. The pressure inside of me is sweltering. "A-Alam ko," "You're well aware of how your sister's problems have harmed your company's reputation, and it's being used against your father. They don't want him to succeed because they know he will. Your father is a brilliant man who poses a threat to everyone. Rio, can you think of anything else you can do to help him?" Umawang ang bibig ko ngunit walang lumabas na salita. Now, we both looked stressed and pressured. "Alam mong hindi magpapakasal ang Ate mo kay Juandro, at alam ko ring walang plano si Juandro na gawin iyon," he licked his lower lip. "Kung papayag ka rito wala namang mawawala. It's a win-win for both of us and our family. Our reputation is what at stake right now and we have to do something about it," Mariin akong napapikit. Pinag iisipang mabuti ang gagawin. Iniisip ko ang si Papa at ang negosyo namin. Nakita ko na siyang nalulong sa bisyo noong bumagsak ang negosyo namin. Madalas din ang sigawan nila Mama sa bahay. Mas naging malupit si Ate Dian at basagulera dahil hindi naibibigay ang luho niya. It was all a mess. And looking back at it... I think I'm not gonna be able to watch it all happen again. Wala akong nagawa noon dahil bata pa ako. But I know what's happening... I don't want to go to school again pretending I've got no problems at all. I don't want to walk after dismissal just to slow the time... almost not wanting to go home because I remember how crazy it was to be in the middle of chaos. Malalim akong humugot ng hininga at nagkatitigan kami ni Hakim. "Okay... dalawang buwan," sinsero kong sabi. He didn't celebrate or laugh or smile. Nakita ko lang ang kaginhawaang dumantay sa kaniyang mukha. Halos hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Pilit kong nirerehistro ang nangyari. No one will ever do it, but us. Nag aalala ako kay Papa at sa kalagayan ngayon ng negosyo namin. Alam ko namang naroon si Mama para bantayan siya kaso matigas ang ulo ni Papa at walang under sa kanilang dalawa ni Mama. Minsan nga iniisip ko kung paano sila nagkakasundo sa isang bagay. Pero may ganoong uri siguro ng pagmamahal, minsan hindi ko maintindihan, pero alam kong 'yun ang mayroon sakanilang dalawa. Tinext ko pa si Papa para lang mapalubag ang damdamin ko. He's probably asleep by now but I told myself to wait for his reply. Masyado akong binubulabog ng mga sinabi  ni Hakim kanina. Hindi ako makapaniwalang sumang ayon ako pero dahil nasama na ang pamilya sa usapan hindi na dapat ako nagtataka kung bakit ako pumayag. Tumagilid ako sa pagkakahiga ko at nakitang alas dos y media na ng madaling araw. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumaba ako para kumuha ng maiinom sa kusina. Dim na ang ilaw sa labas pero ang mga ilaw na nakapalibot sa mansyon ay litaw na litaw kaya wala akong maramdaman na takot. Tahimik ang paligid at noong umaakyat na ako pabalik sa grand staircase ay ganoon pa rin katahimik. Noong naabot ko nga lang ang tuktok ng hagdan muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa gulat. Sa hallway pabalik sa kwarto ko may paika ikang naglalakad, nakadantay siya sa pader at inaayos ang buhok. "Ate Dian?" agad akong tumakbo upang maabutan siya. Sa gulat niya'y muntik na siyang matumba. "Ano ba naman 'yan!" napapaos ngunit iritado niyang sabi habang sapo sapo ang dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Magulo ang kaniyang buhok, gusot ang pangtulog na damit, at mukhang namumugto ang mata. Namumula rin ang ilong at labi niya. Her hips shut closed when I neared her. "Anong... nangyari sa'yo Ate? Saan ka galing?" I asked, worried. "Nanay ba kita? Dami mong tanong!" namamaos pa rin ang boses. Hindi ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad habang nakahawak sa pader. Napalunok ako noong may biglang naisip. "Anong ginawa sa'yo ni J-Juandro?" Her brow shot up and her upper lip rose a bit as if I said something funny. "Ano? You're assuming that he f****d me when he brought me upstairs kanina?" Namilog ang mata ko. "Hindi, Ate! A-Akala ko sinaktan ka niya," Natikom niya ang bibig at nag iwas ng tingin. "Well, he didn't hurt me... That asshole just dropped me off in my room and didn't say anything. I'm sure as hell he's gay so goodbye to Papa's plan," Umismid ako. Mukhang walang kaide-ideya si Ate Dian sa nangyayari sa labas. She's still upset that Papa planned to marry her off. "Bumalik ka na nga sa kwarto mo! Naiirita ako!" pagtataboy niya sa akin. Gusto ko pa sana siyang ihatid hanggang sa pinto kaso hindi talaga siya kailanman nakatagal sa presensya ko. Morning came and I woke up late again. My phone beep before I could enter the bathroom to perform my morning routine. It was a message from my father. Papa: Wla naman problem dito nak.. We woke up early to travel to Tuguegarao for business.. I'm with Mama.. Miss u Rio ko.. Late kana yata natulog kagabi? Umupo ulit ako sa kama habang tulala at paulit ulit na binabasa ang reply niya. Kung wala lang akong alam sa nangyayari, baka nakangiti ako ngayon pero hindi. Kinagat ko ang labi ko at pinilit ang sariling magtipa ng irereply. Ako: I miss you too, Papa... Ingat po sa byahe. I sighed after I sent the message and swore to myself that I'll save him... our family. Ginawa ko ang lagi kong inuuna tuwing umaga... ang pagdidilig ng mga halaman. Nakatulong naman iyon para kahit papaano'y pumayapa ang isipan ko sa lahat ng problemang sabay sabay dumating. Iyon nga lang hindi mapigilang lumabas sa mukha ko ang totoong nararamdaman ko. Even Jezel noticed that there's something wrong with me. Iyon nga lang ay hindi na niya isinatinig. Nagpapasalamat akong pinabayaan niya akong magmunimuni roon hanggang sa kinailangan niya na akong tawagin para sa umagahan. Kompleto kaming apat sa hapag. Si Juandro ang nasa sentro, sa magkabilang gilid niya si Ate Dian at Hakim. Ako nama'y naupo sa tabi ni Hakim. Si Ate Dian ang huling dumating doon. Halata ang puyat sa mukha niya at ang pagkabangag. Aiza assisted her again like a princess in a palace. She always follows whatever she says. Nagsimula na rin kaming kumain. Iba't ibang putahe nanaman ang nakahain sa lamesa. Mahirap pumili dahil alam ko namang masasarap ang lahat ng iyon. Pero mailap ako sa pagkain kaya isang putahe lang ang pinares ko sa kanin. Hindi tulad ni Hakim na lahat yata ng niluto ay nakalagay sa plato niya. "Uuwi si Lolo ngayon, anong plano mo?" Juandro said, it was for Hakim. Lahat kami ay bumaling sakanya. He's enjoying the food so much that he almost forgot to answer. "Well, I will offer him something. I remember our conversation about this," ngisi niya at sumubo ng malaki. "And what is it?" Napainom ako ng tubig noong naalala ko ang plano namin. No one should know that we're all making this up. "Hindi ko sasabihin. Pero alam kong matutuwa ka ng sobra rito," may halong pang aasar sa tugon niya. "Siguraduhin mo lang na matutuwa ako," Napahalakhak lang si Hakim at kinindatan ako. Tahimik akong kumain doon. I don't know what to feel. Mukhang nasa mood na si Hakim ngayon pero ako...  hindi ko alam. Everything doesn't feel so real right now.  Para akong naglalakad sa isang kalye na walang lamang tao kung 'di ako lang. "Rio?" Naputol ang mga isipin ko nang hinawakan ni Hakim ang braso ko. He chuckled. "Okay ka lang ba?" "Ha?" humabol pa ang kalutangan ko. "O... oo naman," I tilted my head and continued eating. Sa gilid ng aking mata, damang dama ko ang maririing titig ni Juandro. I looked up to check if he was really looking. Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko noong makumpirma ko nga. "Try this, love, it tastes good," Hindi ko na napigilan si Hakim sa paglalagay noong kaldereta sa plato ko. Tipid lang akong ngumiti. "How about this?" in-offer nanaman niya ang isang putahe. "A-Ayos na 'to," "Ikaw talaga... nagpapapayat ka pa ba? You're already sexy to me," he said loud and clear. Agad na nag init ang buong mukha ko sa hiya. Naisip kong hindi lang ako ang nakarinig noon kung 'di 'yung dalawa pang kasama namin doon. Lalo lang akong nahiya nang narinig ko ang pagdadabog ni Ate Dian. Nagcho-chop siya noong fried hotdog gamit ang table knife habang nagpupuyos sa galit ang mata niyang nakatutok sa katabi ko. Hindi na ako nangahas pang tingnan sila lahat. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa matapos ako. Baka kasi mahimatay pa ako sa hiya. I chose to check on Groot after our breakfast. Parang balik lang sa normal ang lahat maliban lang sa inalerto ni Manang Melba ang buong mansyon sa pagdating ng Senyor kaya todo linis sila ngayon doon. Habang narito ako sa loob ng stable at  pinapanood kumain si Groot, parang napakalayo ko sa mundo. It's like an escape to me and what would I give to have a life as simple as this. A horse neighed and it made my imaginations shattered. Nakita ko ang ma awtoridad na paglalakad ni Juandro habang ibinabalik niya sa stable si Garbo. He's wearing his usual sleeveless T-shirt with open sides. Ang krus na kwintas ay nakaterno roon. Maputik ang kaniyang maluwag na pantalon pababa sa kaniyang suot na black boots. Pinakain niya ng dayami ang kabayo at paulit ulit na hinagod ang buhok nito. Ilang saglit pa noong matalos siya roon ay nakita ko na siyang naglalakad sa direksiyon kung nasaan ako. Kunwaring inabala ko ang sarili ko sa paglalagay ng feeds sa kainan ni Groot. Natawa ako noong makitang napakadungis ng nguso ni Groot. Biik ngang talaga. Sumandal nanaman si Juandro sa metal na tarangkahan ng stable tulad ng kaniyang ginagawa. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero ngumiti siya sa akin. "How's he doing?" Muntik pa akong hindi makasagot. Sinulyapan ko ang biik. "Malakas naman na..." "I told Aguire that one of the piglets from their piggery escaped," "Kukunin na raw ba niya?" Hindi ko alam pero hiniling kong huwag muna sana. Juandro chuckled at my reaction and shook his head. "Syempre sinabi kong huwag muna. Inaalagaan naman ng mabuti rito," Sa mga nakaraang araw, ngayon lang ulit ako nakadama ng kagalakan. And seeing my smile reflected on Juandro's face is made me happier. "Mabuti nalang at mabait yung may ari sayo," pagkausap ko sa baboy kahit pa pinapanood niya ako. Binalingan ko siya at nginitian ulit. His face went back to being serious. Siguro nga'y natural na iyon sakanya. Ilang saglit pa bago ako nagpasyang lumabas na ng stable. Naroon parin si Juandro at siya mismo ang nagbukas sa tarangkahan. "Salamat pala at nabanggit mo iyon sa may ari kay Groot," "Nagka engkwentro kami sa bayan at nabanggit ko lang," "Kung ganoon... matagal na kayong magkakilala?" "Yes. They paired his daughter to me when I was eighteen but we're both preoccupied with school," "Hindi kayo nangyari?" "No," Naisip ko kung siguro nagkatuluyan sila sobra sigurong talino ng magiging anak nila. "What's on your mind?" bigla niyang tanong kaya nataranta ako. "W-Wala naman," "Can I ask you something?" "Ano 'yun?" Tumigil kami sabay sa b****a ng kamalig. "Alam mo ba kung anong pinaplano ni Hakim?" kuryuso niyang tanong. "May nasabi ba siya sa'yo?" Ang kumakalabog kong puso ay mas lalo lang naghuramentado ngayon. "It's just a matter of time now before Lolo will throw his ass out of here," "Meron naman... siyang nasabi..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya iyon. Hindi ko rin alam kung anong opinyon niya tungkol dito. But Hakim and I made an agreement that no one should ever know about this plan. It's exclusively for us. Baka kasi malaman pa ng iba at mas lalo lang kaming masira. His forehead wrinkled, brows were almost meeting. "Ano 'yun?" "Sir Juandro! Ma'am Rio!" tawag ng isang pamilyar na katulong sa malayo, tumatakbo siya palapit sa amin. Napabuntong hininga ako. Hindi ko namamalayang pinipigilan ko na palang huminga kanina dahil sa tensyong dala ni Juandro. Nagtagal pa ang mata sa akin ni Juandro. Ako ang unang nag iwas ng tingin dahil halata sakanyang nabitin siya sa usapan namin. "Malapit na po ang Senyor kaya't pinapatawag na po kayo ni Manang Melba para mag abang sa portiko," anang katulong. "Let's go," Juandro almost whispered to me. Tumango ako at sabay kami na bumalik sa mansyon. The entire way back, we were both quiet. Noong paakyat na kami sa batong hagdanan, papalabas na rin sina Hakim at Ate Dian galing sa loob. Pareho kaming nagtataka at nagpalipat lipat ng tingin sa isa't isa. Tumikhim ako at lumapit kay Hakim na parang walang nangyari. "Saan kayo nanggaling?" tanong niya kahit pa naiwan ang tingin kay Juandro. "P-Pinakain ko lang si Groot," I said while my lips were trembling. "Who's Groot?" "'Yung biik na napulot natin sa daan noong isang gabi," "Hindi pa nababalik sa pigery?" "Uh, dito nalang daw muna eh..." kibit balikat ko. Tiningnan ko kung sino sino ang mga naroon. Mga tatlong kasambahay at si Manang Melba ang naroon sa fountain. Habang kaming apat ay nasa portiko naghihintay. Hindi na mapakali sa tabi ko si Hakim kaya tinanong ko siya. "A-Anong sasabihin mo kay Senyor?" Pinagkiskisan niya ang mga palad niya. I stilled when I saw a car entering the mansion's silver gate. Palapit pa lang ang sasakyan naaamoy ko na ang galit ng matanda. "Bahala na," ani Hakim ngunit pareho nang nakatuon ang atensyon namin sa tumigil nang sasakyan. Senyor Manuel Barrios was sporting a poker face when he exits the vehicle. The pricey Ben Hogan hat was covering his head. His frightening atmosphere was further enhanced by the expensive-looking walking stick he was clutching to support him while walking. Binati siya ni Manang Melba at ang tatlong kasambahay ay dumiretso sa likod ng sasakyan upang ibaba ang mga dalang kagamitan. Manang Melba walked behind him until he arrived at the porch. Nagmano si Juandro sakanya na sinundan ni Ate Dian. Noong ako na ang susunod ay binati ko rin siya. "M-Magandang araw po," "Good noon, Ladies," bati niya pabalik. Noong si Hakim na ang susunod para akong nagpigil ng paghinga. I've never seen a strong tension between two people before. And now that I'm witnessing it before my eyes... it feels scary and surreal. "You," dinuro ng matanda ang dibdib ni Hakim. Hakim maintained a straight expression while fighting the deadly look in his grandfather's eyes. "And Juandro, let's talk to my office. Now!" ma awtoridad na utos ng Senyor bago kami nilagpasan. Hakim shook his head as if he'd been released from his antics. "f**k, that was intense," he muttered, he couldn't believe what just happened. "Let's go, donkey. You've been waiting for this your whole life," umabante si Juandro kaya nakita ko siya. He looked at me before following where Senyor Manuel was heading. Hinawakan ni Hakim ang siko ko kaya nabalik ang atensyon ko sakanya. "We'll be fine, okay?" Tipid akong ngumiti. "Goodluck," tangi ko nalang nasambit. Nanatili pa kami roon ni Ate Dian kahit pa pinapasok na ng mga kasambahay ang mga gamit ng Senyor sa loob. Nawala na sa paningin namin si Hakim. Malokong natawa si Ate at pumunta sa harapan ko. "Mukhang maaga tayong makakauwi," sumimangot siya ngunit halatang sarkastiko lang iyon. Noong umalis na siya hindi ko na mapigilang hindi mapakali. Naupo ako sa may sofa ngunit ilang saglit pa'y napatayo rin ako. I walked back and forth, biting my nails while waiting for the Barrioses to appear. Wala akong maisip na ibang pagkaabalahan kaya't mas pinili ko nalang maghintay roon Nilapitan na rin ako ni Jezel upang magtanong pero hindi tungkol sa nangyayari. Tinanong niya kung gusto ko ba ng makakakain. Tumanggi ako at naglakad lakad muli. Hindi na rin naman siya nangulit pa. Mag iisang oras na yata mula noong mawala sila. I got tired of walking kaya naupo nalang ako roon, pasensyosong naghihintay. Ilang sandali pa ay napatayo ulit ako. Himdi dahil sa pag iisip isip kung 'di dahil sa paglabas ni Juandro mula sa kulay tsokolateng pintuan sa gilid lang ng grand staircase. Busangot ang mukha niya... galit na galit. Animong kung hahawakan siya babasagin niya lahat ng bagay na nakikita niya. Nanguna siguro ang tapang ko no'n kaya nilapitan ko siya. "Juandro ano-" halos matutop ako sa kinatatayuan ko noong marahas niya akong binalingan. He's enraged and pissed. But it's the intensity in his eyes that makes me nervous. They were as dark as clouds when it's about to rain hard. He's acting as if he'll break my bones if I don't stop talking. His brows and lashes were practically touching, and his jaw was in a tight clench. Halos manginig ang binti ko sa takot. Nilagpasan niya ako at naglakad ng may mabibigat na hakbang palabas sa mansyon. Narinig ko ang ibang boses sa pinanggalingan niya. Nakita kong sabay na lumabas si Hakim at si Senyor Manuel sa pintong iyon. Parehong may ngisi sa kanilang labi. Kung hindi ko lang siguro naka engkwentro ang nag uumapoy sa galit na si Juandro, ikagiginhawa ko ang nakikita ko ngayon. Hakim's eyes met mine. May sinabi siya sa matanda kaya napatingin din ito sa akin. They walked towards me. Nanatili lang akong nakatayo roon. Gulat pa rin sa inasta ni Juandro. "How did she agree to this?" ang tuwa sa boses ng matanda ay dinig na dinig ko. "You underestimate me so much, old man," biro ni Hakim ngunit natawa ang matanda. Ngumiti siya sa akin ngunit tipid lang ang binalik ko. "You have no idea how delighted this made me," niyakap ako ng matanda. Mariin akong pumikit at pilit na inalalang muli kung bakit ko ito ginagawa. Kung anong dahilan ng pagpayag ko. Bumitaw kami sa pagkakayakap ngunit nanatili ang kamay niya sa magkabilang balikat ko. "This may be a bit too quick for all of us, but I'm looking forward to welcoming you as my granddaughter-in-law," My lips trembled. "A-Ako rin po, Senyor..." "No... it's Lolo for me from now on," Hinapit ni Hakim ang baywang ko. He smiled genuinely at me. Ngumiti rin ako pabalik ngunit hindi nga lang ako sigurado kung totoo ba iyon. I was just standing there, found myself staring at the spot where I last saw Juandro's roaring shadow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD