"Answer me!" sa pagkakataong ito ay hindi na ito nag-alinlangan pang sunggaban ako upang mahigpit na hawakan ang magkabila kong braso. "Yes," maikli kong tugon sa kaniya, dahilan upang maramdaman ko kung paano nito pisilin nang mariin ang laman sa aking mga braso. "I'm sorry, I didn't mean to hurt you, Harvey." Marahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya, no'ng marinig ko ang impit nitong hikbi. Ilang segundo pa ay tuluyan na ring lumuwag ang pagkakahawak nito sa mga braso ko hanggang sa tuluyan na niya itong bitawan. "B-but why? Ano'ng mayroon ang lalaking iyon na wala ang isang tulad ko?!" halos mabasag na ang boses nito dahil sa tuluyang paglandas ng mga luha sa mga pisngi nito. Naiintindihan kong nagiging ganito siya ka-emosyonal ngayon dahil sa epekto ng alak sa isip at sa kawatan

