5

1440 Words
HABANG nilalagyan ni Ysa ng makeup ang bride na si Faith ay nakipagkuwentuhan muna si Maxine sa mga ito. Ang videographer at assitant niya ay nabigyan na niya ng instructions sa pagse-setup ng ilaw at umbrella na gagamitin niya for pictorial. Nang maihanda ang lahat at tapos na rin si Ysa sa pagme-makeup ay tumutok na rin siya sa kanyang trabaho. “One last shot, Faith,” wika niya sa kaibigan. “Tingin sa left side, higher. Smile. That’s nice. Ready? One, two, three!” Pinindot na niya ang camera. “Good,” nasisiyahang sabi niya. “I’m sure, maganda ang result ng mga ito.” “Ikaw pa,” sabi naman sa kanya ni Faith. “Sigurado naman kami sa trabaho mo. Ano, sa Intramuros na tayo?” “Oo. Pero kukunan muna kita sandali sa lobby nitong hotel.” “If I know, iyong sandali na iyon mga kalahating oras ang aabutin. O mahigit pa,” nakangiting sabad ni Ysa habang nililigpit nito ang mga gamit. “Moment ni Faith ngayon. Para namang hindi mo pinagdaanan ang ganito kantiyaw niya dito.” “I know right. Kaya nga nasasabi ko, eh.” Nilapitann nito si faith at tiniyak na maayos na maayos ang make-up at buhok. “Kaya i-enjoy mo lang, Faith. See you later. Ire-retouch kita mamaya.” “Okay.” At gaya nga ng kantiyaw ni Ysa, gumugol sila ng mahabang sandali sa photo shoot nito sa hotel lobby. Nagmamadali na siya ng lagay na iyon. Pero nanghihinayang naman siya sa pagkakataon na basta na lang tapusin ang pagkuha dito ng litrato. Pumitik siya nang pumitik hangga’t papayagan sila ng oras. Matapos ang ilang posing ni Faith sa lobby ay tumuloy na sila sa Baluarte De San Diego sa Intramuros. Nakasanayan na ng wedding girls na trabaho muna ang inuuna niya kaya nang dumating doon ay ngiti at tango lang ang nagawa niyang pagbati sa mga kasamahan. Mamaya na ang pakikipagsosyalan at ang pagkuha ng litrato ang inasikaso niya. Mas lalo siyang naging busy nang matapos ang wedding rites. Hudyat iyon ng tila walang katapusang souvenir shot ng mga bagong kasal kasama ang mga sponsors at bisita. Magkakaroon lang siya ng break mamaya kapag nag-announce ang emcee na si Charity para sa program break at nang makakain din ang lahat. “Join ka sa table namin,” lapit sa kanya ni Julianne. “Bahala na. Marami pa akong kukunan.” “Basta mamaya, join ka sa table namin. Alam mo namang mapagdidiskitahan lang tayo ng mga iyan. Dapat joint forces na tayo nina Charity,” kumbinse pa nito sa kanya. Napangiti siya. “Oo nga, ‘no? Tama ka, dapat magkakasama tayo sa table. Tatlo tayo sa firing squad.”  Nang matapos ang table hopping ng bagong kasal ay pansamantalang natigil si Maxine sa pagkuha ng ritrato. May iba pang program subalit si Henry na ang mismong pinahawak niya ng camera upang kunan ang mga minor details na iyon. Nahila na siya ng wedding girls at gaya nga ng hula ni Julianne, silang mga natitirang single ang napagtuunan ng mga ito. “Huwag na kayong magpahuli sa biyahe. Magpakasal na rin kayo,” sabi sa kanila ni Calett, ang florist sa grupo. “Para namang sa vendo machine lang kami ng kukuha ng lalaking pakakasalan?” sagot ni Julianne. “Correct! Kailangan, man of my dreams ko ang pakakasalan ko,” sabi ni Charity na itsurang nagde-daydream pa. “Ako, isa lang ang lalaking gusto ko,” wika naman niya. Natuon sa kanya ang focus ng lahat. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi. Wala isa man sa wedding girls ang may idea kung sino ang secret love niya. At hindi pa siya handa na ibisto iyon. “Hmm, kilala ko ba iyon?” nanunudyong sabi ni Eve. “Hindi yata,” paiwas na sagot niya. Masyado siyang malihim kapag tungkol na sa totoong feelings niya kay Xanderr ang pag-uusapan. Kahit na si Eve ang pinaka-close niya sa grupo, hindi rin siya nagsasabi dito ng tungkol doon. Kilala lang ni Eve si Xanderr bilang matalik na kaibigan at kababata niya.  “Uy, pa-misteryosa,” kantiyaw sa kanya ni Nicole, ang honeymoon destination expert ng Romantic Events. “Excuse me, guys. Cake cutting na. I have to do my job,” paiwas na sagot niya at tumayo na.  Sanay na siyang hindi nakakatapos ng pagkain kapag ganoon na may trabaho. Mamaya na lang siya babawi. “Tumatakas ka lang ma-grill,” nakangiting sumbat sa kanya ni Dindin, ang kanilang cake expert. “Oo nga. Okay din naman ang mga anggulo ni Henry, ah? Bakit hindi na lang siya ang hayaan mong tumapos ng trabaho? I’m sure, kasing-pulido rin ng mga kuha mo ang kuha niya,” sabi ni Shelby na kalalapit lang nila sa mesa. Katatapos lang ng unang set ng kanta nito. “Dito ka na muna. Hindi ka pa nga tapos kumain,” pigil din ni Lorelle. “Sayang naman ang pagpapasalamat ni Faith sa akin kanina kung iaasa ko rin pala sa iba ang pagkuha,” mabilis na paliwanag niya at kumaway na sa mga ito palayo. ***** NANG MATANAW ang gate nila ay saka pa lang tinanggap ni Maxine na pagod siya. Kada matatapos ang isang event, dine-delay niya ang dikta ng katawan sa halos maghapon na pagta-trabaho. Alam naman niya iyon in the first place. Hindi lang niya hinahayaan na maapektuhan agad. Ipinapasok niya ang kotse nang matanawan niya si Xanderr na naglilinis ng pick-up nito. Hubad pa sa pang-itaas. Mabilis niyang naalala ang itsura nito nang walang abog na gisingin ito kaninang umaga. Napangiti siya at naglaho na parang bula ang pagod na iniinda niya. Ibinaba lang niya ang mga gamit niya at lumipat na agad sa kabilang bahay. “Akala ko ba may date ka?” bati niya sa binata na para bang hindi niya ito naasar kaninang umalis niya. “Wala, hindi na matutuloy,” walang ganang sagot nito. Ni hindi ito nag-aksayang sandali na sulyapan man lang siya. Tuloy lang ito sa pag-eskoba ng gulong. “Hindi ka na matutuloy? Talaga ba?” Naunang umahon ang excitement sa tinig niya bago niya naisip na malamang ay ikapikon iyon ng binata. Ngayon lang niya napansin na mukha itong napagtakluban ng langit at lupa. “Ah, kaya pala hindi maipinta ang itsura mo.” “Puwede ba, Maxine? Inasar mo na ako kaninang umaga. Hanggang ngayon pa ba naman?” Tumulis ang nguso niya. Humakbang pa siya palapit dito at saka nameywang. “Hoy, mama! Kung may problema ka, huwag mo akong idamay, ha? Hindi ako nang-aasar. Nagtatanong lang kayaako.” Sing-lalim yata ng China Sea ang ginawa nitong paghugot ng hininga. Inilagay nito sa baldeng may tubig at sabon ang brush na ipinangkukuskos kanina sa gulong at saka tumayo. “Minalas na naman ako,” sabi nito sa tonong tila batang nagsusumbong. “Basted again?” tanong niya kahit parang alam na rin niya ang sagot. And as usual, naghahalo na naman sa damdamin niya ang awa dito at pagdiriwang para sa kanyang sarili. “Hindi naman ako palaging basted, ah?” depensa nito bagaman mas matining ang lungkot sa tono nito. “Oo nga. May napapasagot ka naman, kaya lang, nagtatagal ba kayo? Palagi ka rin namang iniiwan.” “May mali ba sa akin?” he asked. “Ibinibigay ko naman ang lahat kapag nagmamahal ako, ah?” “Magse-senti ba tayo dito?” sabi niya sa pinasayang tinig. “Cheer up! Ikaw naman, parang hindi ka na nasanay. Hindi ba, dalawa lang naman iyon, kung hindi ka mabasted, sinasagot ka nga pero mapalad nang tumagal kayo ng dalawang buwan. Aber, meron ka bang nakarelasyon na lumampas sa dalawang buwan?” “Ang hirap tanggapin,” malungkot na sabi nito. Lumuwang ang ngiti niya. Itinaas niya ang dalawang kamay a la April Boy at saka bumanat ng kanta. “Di ko kayang tanggapin… na mawawala ka na sa akin!” “Tumigil ka nga diyan! Nakita mo nang seryoso ako, eh. Puro ka pa rin kalokohan. Hindi ka man lang makisimpatya sa akin.” Tumaas ang kilay niya. “Simpatya? Eh, nasanay na ako sa iyo. Kung hindi ka basted, break-up ang inaabot mo sa mga girlfriend mo. Eto pa, ha? Sa sampu yata na naging girlfriend mo, isa lang sa mga iyon ang ikaw ang nakipag-break. And besides, regardless kung sino ang nakipag-break kanino, iisa lang naman ang itsura mo pagkatapos. Mukha kang in-despair. Yet hindi naman maglilipat ang linggo at may liligawan ka na namang bago. Now, tell me, dapat pa ba akong maki-simpatya kapag ganoon?” Tiningnan siya nito nang masama. “Di, huwag!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD