PAREHAS KAMING walang imik ni Miles nang pinaggitnaan kami ni Strawberry mula sa aming kinatatayuan. "O, bakit parang ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" pilyang sabi ni Strawberry. Dahilan para mapataas ang tono ng boses ko, "Strawberry?!" Sandali siyang natigilan at doon lang siya natauhan na sadyang malabo ang iniisip niya.. na okay na ulit kami ni Miles. Hinawi niya ang ilan-ilang buhok na tumatakip sa mukha niya at saka siya dumistansya sa amin. "Pasensya na, nakaka-miss lang kasi 'yong-- kompleto pa tayong tatlo," nakayukong aniya. Nagbalik siya ng tingin sa akin at doo'y nakita niya ang pagtaas ng kilay ko. Napansin kong napalingon din sa akin si Miles kaya nagkaroon ako nang lakas ng loob para diretsahin sila, "Malabo na ang iniisip mo, Strawberry," sabi ko at saka muling

