bc

I DO OR DIE? -FILIPINO-

book_age18+
1.9K
FOLLOW
11.5K
READ
possessive
one-night stand
forced
second chance
confident
CEO
police
comedy
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

(Warning SPG Content)

”Buntis lang ba ang pwedeng panagutan?" - Leigh Pascual

Terron Cornett contended in his life. Ano pa nga bang hihilingin niya?

At the age of twenty-seven he became successful in business field. Nagmamay-ari lang naman siya ng ilang hotels at condominiums. Nakatira siya ngayon sa isang magarang bahay, may mga sasakyan at iba pang properties.

Tahimik at masaya ang buhay ni Terron kahit ulila na sa mga magulang dahil meron naman siyang mga kaibigang maasahan.

Kung tutuusin ay pwede na siyang mag-asawa kung gugustuhin niya but when it comes to love Terron believes in a perfect timing na may taong nakalaan para satin and the only he could do is to wait kaya naman habang hinihintay 'yun ay ini-enjoy niya muna ang buhay binata.

But one day may isang babaeng nanggugulo sa labas ng bahay niya at nagsasabing kailangan niya itong panagutan or else siya ang mananagot.

Bachelor Series #1: I Do or Die?

Terron Cornett Story

©CrystalineG

chap-preview
Free preview
Simula
“Señiorito, may babaeng pong nagwawala sa labas at hinahanap kayo.” Natigilan si Terron sa pagbabasa ng dyaryo at inangat ang tingin sa kasambahay niyang si Manang Glenda. Kumunot ang noo niya sa pagtataka bago tuluyang tumayo sa pwesto. Lumapit siya sa bintana para silipin ang sinasabing nanggugulo. Ngunit gano’n na lang ang pagmumura niya nang may batong tumama sa bintana at nabasag ito. Mabuti na lamang ay maaga siyang nakaiwas kundi ay tatamaan siya sa ulo. “What the—” asar na asar ang mukha ni Terron nang tumingin sa labas. Nakita niya ang isang babaeng hawak-hawak ng mga guwardya at pilit na nagpupumiglas. “Hoy! Lalaking walang balls! Lumabas ka d’yan at panagutan mo ako!” malakas na sigaw nito. “Señiorito! Ano na pong gagawin natin? Kilala n’yo po ba siya?!” nagpa-panic na tanong ng kanyang kasambahay. Hindi niya ito pinansin, sa halip ay lumabas siya ng silid para puntahan ang babae. “Hoy! Lalaki ka! Aba! mabuti naman at naisipan mo ng lumabas!” sigaw pa nito habang naglalakad siya papalapit. “Bitawan n’yo nga ako!” sabi ng dalaga sa dalwang guwardyang nakakapit sa mga braso nito. Sumenyas si Terron na bitawan ito at iwan sila. Nang makaalis ang mga guwardya ay saka niya muling hinarap ang babae.“Who are you Miss? bakit ka nanggugulo dito? Gusto mo bang ipakulong kita?” sunod-sunod niyang tanong habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Sarkastiko itong tumawa. “Ako?! Sino?!” Itinuro-turo pa nito ang sarili. “Ako lang naman ‘yung naka-s*x mo two weeks ago! Ano hindi muna ba tanda?” “What?” naawang ang labi niya habang iniisip ang sinabi nito. “I’m sorry, pero wala akong natatandaang nakipag-s*x ako sa ‘yo.” The only thing he remember ay nagpakalasing siya sa bar kasama ang kanyang mga kaibigan. Nalasing siya… pero ang makipag-s*x sa babaeng ‘to? Malaking Imposible! “And besides baka hindi ako ang tinutukoy mo. Let just say na nagkakamali ka lang,” kalmado niyang saad at ngumiti. Tatalikudan niya na sana ang dalaga nguniti bigla siyang hinawakan nito sa braso pabalik at sinalubong ng sapak. “Ouch!” daing niya dahil sa sakit na nalaytay sa kanyang buong mukha bahagyang nanlaki pa ang mga mata ni Terron matapos malasan ang dugo sa gilid ng labi. Hindi siya makapaniwalang tinitigan ang babae. “Tarantado!” “Ano ba talagang problema mo?!” Terron already lost his temper kung kaya’t hindi na niya napigilan magtaas ng boses sa sobrang inis. “Panagutan mo ‘ko!” “What the hell did you say?” para siyang biglang nabingi. “G*go! sabi ko panagutan mo ‘ko!” ulit nito at doon niya narealize ang sinabi. “No. I don’t even know you Miss! So, bakit kita papanagutan?!” Nakita niyang lalong namula ang mukha nito sa inis at walang atubiling sinapak siya sa pangalawang pagkakataon. “Nakakadalwa kana Miss.” Nag-iinit na rin talaga ang dugo niya sa babae. Ang sakit nito manapak, wala siyang nagawa kundi ang mapahawak na lang sa panga at mapangiwi. “Eh! G*go ka pala talaga eh! Chinorba mo ako tapos ngayon hindi mo ‘ko papanagutan!?” H*lyshit! Ganito ba talaga kalakas angboses niya!? And what did she say? Chinorba? Hindi ako nakikipagsex sa amazona! Isip-isip ni Terron. Kanina pa rin niya napapansin na panay ang mura nito sa kanya. Hanep! Paano ba nakapasok ang babaeng ito sa subdivision? “Huwag mo akong murahin Miss. Please lang, umalis ka na dahil hindi ko alam ang sinasabi mo!” To be honest, hindi niya talaga matandaan ang babaeng ito at imposible para sa kanya ang sinasabing may nangyare sa kanila. “Ang kapal din ng mukha mo! Hoy! Mister—” dinuro-duro siya ng dalaga. “…ilang araw ang ginugol ko mahanap ka lang! Tapos gusto mo umalis ako dahil lang sinabi mo?! Aba! Manigas ka! Dahil kahit saang impyerno ka pa magpunta at sulok ng mundo! Mahahanap kita!” Napaawang muli ang labi ni Terron sa gulat habang ang babae ay tuloy-tuloy lang sa pagsasalita. “At wala kang choice kundi ang panagutan ako dahil hinding hindi mo ako matatakasan!” Napalunok siya matapos nitong magsalita at pilit niyang kinalma ang sarili. “Look, paano kita papanagutan ay hindi nga kita kilala?” malumanay niyang saad. “Hindi ka ba nakakaintindi na may nangyare nga satin?!” gigil na gigil ito at wari mo ‘y mananapak na naman. “O’ baka naman gusto mo! i-untog ko ‘yang ulo mo sa pader para lang maalala mo!” banta pa ng dalaga. ‘Ibang klase!’ sigaw ni Terron sa isip niya. Ngayon lang siya nakakilala ng ganito kaingay na babae. Una sapak ngayon untog sa pader? “Pwede easy ka lang Miss, you don’t even know me para sigaw sigawan at murahin ako.” Hindi na niya napigilan ilabas ang matinding pagkairita. Pero dahil kakaiba nga ang babaeng ito. “Wala akong pakialam kung sino ka pa! Basta ang sa akin panagutan mo ‘ko!” “You must be crazy. Look, don’t you understand na hindi ko nga maalala na nakipag-s*x ako sa—” and again pinutol na naman nito ang sinasabi niya. “Paano mo maalala eh! lasing ka nga! We both drunk pero malinaw na malinaw sa ‘kin ang pagmumukha mo at pwede ba tantanan mo ako sa mga excuses mo! Hindi ‘yan uobra sa akin!” Okay! He gave up! Talo siya sa walang preno nitong boses. Tinaas niya ang dalwang kamay na para bang sumuko sa pulis. “Okay fine, let’s say may nangyare nga, na buntis ba naman kita?” Lumunok-lunok ang babae at saglit itong natigilan sa tanong niya. “H-hindi...” Lalo siyang hindi makapaniwala sa nadinig at nakaramdam ng matinding inis. “So, what was that!? At nag-eskandalo ka pa sa labas ng bahay ko?” “What do you want? Money? Then I’ll g—” “Aray!” daing niya. s**t! bakit ba ang hilig nitong manapak? Pakiramdam niya ay puro pasa na ang kanyang mukha. “Asshole! Hindi ako nabibili. Saksak mo ‘yan sa baga mo! Ang sa ‘kin lang panagutan mo ako!” Mas nanakit ang ulo ni Terron sa kabaliwang pinagsasabi ng babae. Hindi niya na buntis? Pero papanagutan? Anong klaseng kabaliwan ‘to?—and wait he still not sure kung may nangyare nga ba sa kanila. “You’re not pregnant so why would I—” “G*go! Buntis lang ba ang pwedeng panagutan?” tumaas pa ang kilay nito. “W-what do you mean?” takang tanong niya. Bumuntong-hininga ito at tumingala habang nakapameyawang. Napalunok siya ng mapansin ang magandang mukha nito. “Simple lang naman ikaw naka-una sa ‘kin.” Terron smirked. “So, what? Get lost!” Anong bang pinaglalaban ng babaeng ‘to? Sumama ang tingin nito sa kanya. “Hoy! ‘wag mong sino-so-what-so-what ang virginity ko. Walangya ka!” “Woman, umalis kana.” I-sinenyas pa niya ang gate bago tinalikudan ito papasok ng bahay. “G*go talaga!” Nagulat si Terron ng dumamba ang babae sa likod niya. Wala siyang nagawa kundi ang mapamura dahil halos masakal na siya sa pagkakadiin ng pagkakapulupot ng braso nito sa kanyang leeg. Pilit niyang inalis ang dalaga pero hindi ito nagpatinag pakiramdam niya ay malalagutan na siya ng hininga. Halos maghabol siya ng hangin ng bumitaw ang babae. Masamang masama niya itong tinignan. Isa lang ang masasabi ni Terron. ‘Baliw ang babaeng kaharap niya!’ “Hindi lang ‘yan ang aabutin mo! Whether you like it or not! May responsiblidad kana sa ‘kin dahil nakuha mo ang p********e ko! Kailangan mo akong pakasalan Mr. Cornett.” Hindi niya alam kung matatawa ba or magagalit sa narinig. He looked at her. Seryosong-seryoso ito habang matalim ang tingin. “Woman, masyadong gabi na para sa joke mo.” Terron said. Gusto niyang bawiin nito ang sinabi. KASAL? NO. Nag-e-enjoy pa siya sa buhay binata tapos kasal? “I’m damn serious here Mr. Cornett! Marry me or else…” at dahan-dahang lumapit sa kanya ang dalaga at inilapit ang mukha sa kanyang tenga. Bigla siyang nanigas sa kanyang tayo hindi niya malaman kung epekto ba ‘yon ng mainit nitong hininga o ang salitang binulong nito. …papatayin kita.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

His Obsession

read
71.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook