Chapter 1

1235 Words
HINDI makapaniwalang tinitignan ni Terron ang babaeng nangugulo lang kanina sa labas ay nasa loob na ngayon ng kanyang tahanan. Walang habas itong nakaupo sa mahabang sofa at nakapatong ang dalwang paa sa center table animo’y pag-aari ang buong bahay at gano’n na lang manabog ang popcorn nitong kinakain habang palipat-lipat ng channel. Napailing siya at nilagok ng diretso ang baso ng alak niyang hawak bahagya pa siyang napangiwi dahil masakit pa rin ang sapak nito. Mabuti na lang ay hindi ito nag-iwan ng pasa. Para kay Terron ay mabilis ang naging mga pangyayare at nakakainis na isiping para siyang napikot nito at wala siyang magawa. Hindi niya alam ang gagawin. Napakurap-kurap na lamang siya ng mapansing nasa harap na niya ang dalaga. “Kailan nga pala natin aayusin ang wedding?” muntik ng maibuga ni Terron ang alak na nainum sa biglang tanong nito. Ngumisi ang babae at nagsalin ng alak sa baso. Umubo-ubo si Terron at ng mahimasmasan ay matalim niyang tinignan ang dalaga. “Are you serious?!” pagtutukoy niya sa KASAL. “Yes, excited na nga parents ko eh,” sagot nito at ngumisi. Gusto niyang murahin ito ng matindi. Bumalik ito sa pwesto dala-dala ang alak na kanina lang ay iniinum niya. Padabog siyang nagtungong garden para doon makapagisip-isip. Baliw ang babaeng ‘yon at pakiramdam niya ay mababaliw na rin siya kapag nagtagal pa siyang kasama ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan. “Hey! Terron? Where are you man?” tanong ng kaibigang niyang si Xavier na nasa kabilang linya. “In my house.” walang ganang tugon niya habang hinihilot ang nanakit na sentido saka siya nagbuga ng hangin. “Dude! Wala ka bang balak pumunta dito?” Narinig niya ang boses ni Asher may hagikgik pa ng babae itong kasunod at sa tingin niya ay napulot na naman ito ng kaibigan kung saan. Playboy. “Have you forgotten? It’s Greyzon birthday.” “Sh*t! I almost forgot.” Napapikit siya at tumayo para kunin ang susi sa kwarto. “Pumunta kana dito bro at ikaw na lang ang wala.” “Yeah, I’m on my way.” Sa likod na siya ng bahay dumaan dahil ayaw niyang makita ang babaeng ‘yon. Ibinilin niya na lang ito sa mga kasambahay bago siya mabilis na pumasok ng sasakyan at nagdrive papuntang bar na pagmamay-ari ni Raven. Pagkadating niya doon bumungad sa kanya ang maingay at mausok na dance floor pero agad niya itong nilampasan at dumiretsong VIP room kung saan nanduon ang mga kaibigan. “Hey!” bati ng mga kaibigan niya. Ang VIP room ay matatagpuan sa pangalwang palapag ng bar kung saan matatanaw ang mga nagsasayawan at nag-iinuman sa ibaba dahil sa malaking bubog na design ng bintana nito. Na unang mag-abot sa kanya ng alak si Sion. Tinaggap niya ito bago lumapit sa kaibigang si Greyzon. “Happy birthday bro.” bati ni Terron. “Thanks man kumain ka muna.” akit nito at tinuro ang mga masasarap na pagkaing nasa gilid. Tumango lang siya. Nang matapos siyang kumain ay tumabi siya sa mga kaibigang nag-iinuman. “Ang tahimik mo yata?” puna ni Bright. Napatingin siya dito na bago na naman ang kulay ng buhok. “Napansin ko rin may problema ba?” Greyzon asked. “Sa work? love? — Oh s**t! wala ka nga pala no’ng love,” pagbibiro ni Bright sunod ng halakhakan. Noong napansin ng mga ito na seryoso siya doon na siya inulan at inusisa ng mga tanong. Gano’n na ba talaga ka-obvious na problemado siya ngayon? Napahinga siya ng malalim at seryosong nagsimulang mag-kwento. Panay ang iling ng mga ito at mura pagkatapos. “What’s your plan now?” Xavier asked. Mas lalong sumakit ang ulo niya sa pag-iisip. “I have no idea but I just want to know first kung ano ba talagang nangyare nung mag-inuman tayo two weeks ago dahil ang natatandaan ko lang ay nalasing ako ng sobra.” “Ang hirap kasi sa ‘yo bro nagkaka-amnesia kapag na lasing.” Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Yeah! That’s true nakakalimot nga siya kapag na sobrahan. Nahihirapan tuloy siyang malaman kung totoo ba ang sinasabi ng babaeng ‘yun. “In case you found out na nagsasabi nga siya ng totoo. Are you going to marry her?” Asher asked nakahawak pa ito sa binti ng katabing babae na abala sa pakalikot ng mahabang buhok ng kaibigan. Mabilis siyang umiling. Hell no! Eh, hindi nga niya alam ang pangalan nito at higit sa lahat wala siyang nararamdaman dito para pakasalan. Ngunit ang problema talaga ay siguradong-sigurado ang babae sa kanya at hindi papayag na hindi niya papanindigan kahit hindi naman niya ito nabuntis. “Dude, kapag nagkataong ikasal ka ikaw ang unang matatali sa ating barkada,” sabat naman ni Sion. “In your f*king dreams Sions” sagot niya at binato ng stick ng sigarilyo si Sion na agad naman nitong nasalo at sinindihan. Hindi ‘yon mangyayare dahil gagawan n’ya ng paraan. “Don’t worry Terron. I’ll check the CCTV footage that night.” presinta ni Raven. “Thanks man.” “Basta ako ang bestman!” biglang banat ni Bright dahilan para magtawanan ang lahat maliban kay Terron na tinapunan lang ng masamang tingin ang kaibigan. “Chill man, if you need our help just tell us.” Tinapik-tapik siya sa balikat ni Xavier. Ngumiti siya at nagpasalamat kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pagdamay ng mga ito. “For now, let’s enjoy and relax birthday ng ating kaibigan.” Itinuro pa ni Xavier si Greyzon. Tumango siya at pilit na inalis sa isipan ang dalaga. INIT-INIT na hinubad ni Terron ang pantaas niyang damit. It’s already two am in the morning nang makauwi siya ng bahay, hindi naman siya gaanong na lasing. Ang tanging naging epekto lang sa kanya ng alak ay ang kakaibang init nito sa kanyang katawan ngayon. Gusto na niyang magpahinga at matulog kaya mabilis siyang nagtungo ng kwarto ngunit na tigil siya sa paghakbang ng makita ang babaeng sinakop ang buong kama niya sa paraan ng pagkakahiga nito. Sh*t! Bakit dito ‘to natutulog? Hindi ba siya nasabihang sa guestroom!? Hindi na siya nag-atubiling lapitan ito para gisingin. “Woman!” tinapik-tapik niya ang balikat nito. Napahilamos si Terron sa sa inis ng gumalaw lang ang dalaga at nagtaklob ng unan sa mukha. Dumiretso siya ng banyo para magshower. Lumabas siyang nanduduon pa rin ang babae at tulog na tulog. Kanina alak ang kinuha? Ngayon naman kama niya ang inangkin? What the hell next? Lumapit siya dito para gisinging muli pero natigilan siya ng mapansin ang mukha nito. And suddenly he stopped, nagtagpuan niya ang sariling nakatitig sa maamo nitong mukha. Mukha itong angel habang natutulog at hindi mo maiisip na malakas ang boses magsalita at magmura. He can’t deny the fact na maganda dalaga. Itim at mahaba ang buhok, maliit at makinis ang mukha, matangos ang ilong, mahaba rin at malantik ang pilik mata, ngunit ang napansin niya talaga dito ay ng kulay nitong morena. Napalunok si Terron ng mapadako ang tingin niya sa mapupula nitong labi na bahagyang nakaawang. Damn lips! Parang may sariling utak ang labi nito na umaakit sa kanyang hagkan. Pero mabilis na inalis ni Terron ang tingin sa dalaga at hinila ang paborito niyang unang hinihigaan nito. Pati unan ko. Bulong-bulong niya habang tinatahak ang daan papuntang guestroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD