Chapter 2

1267 Words
“ANO?!” bulaslas ni Leigh nang sabihin ng kasambahay na umalis si Terron. “Saan daw ho siya nagpunta?” tanong niya dito. “Hindi po sinabi ni Señiorito, maaga ho siyang umalis,” nakatungong sagot ng kasambahay. Marahas siyang napabuga ng hangin sa matinding inis na nararamdaman. Tinakasan siya ng lalaki! Nagtungo siya ng kwarto ng binata para kunin ang kanyang mga gamit. “Aalis na ho ako pero pakisabi sa amo n’yo kahit sa ibang planeta pa siya magpunta hindi niya ako matatakasan,” mariing bilin niya sa bago hinila ang maleta palabas ng bahay ni Terron. PUMASOK siya sa kanyang kulay puting kotse nang tumawag ang matalik na kaibigang si Hilary. “LEIGH balita? saang lupalop kana nakarating?” sabay tawa nito. “Tinakasan niya ako!” asar niyang sabi. Humalakhak ulit ang kaibigan niya. “Anong plano mo ngayon? Dalwang linggo kana rin leave, sayang ang sweldo.” “Hahanapin ko pa rin siya. Ano siya sineswerte? Pero sa ngayon babalik na muna ako diyan para magtrabaho, medyo nauubos na din ang allowance ko dahil sa lintek na lalaking ‘yon!” Nagngingitngit talaga si Leigh sa galit. Akala niya ay matatakot ang binata sa kanyang pagbabanta dito pero mukhang walang naging epekto dahil nagawa pa siyang takasan. DALWANG araw ng nanatili si Terron sa kanyang rest house sa Sagada, Province. Tulog na tulog pa ang babae ng umalis siya ng kanyang bahay. Ito lang ang naisip niyang solusyon dahil hindi talaga siya payag maikasal sa dalaga. Oo nga at may balak siyang mag-asawa pero hindi biglaan at lalong hindi sa taong ‘di niya kilala at mahal. “All right kaya pala hindi ka namin ma-contact,” ani ni Xavier mula sa kabilang linya. “Nandito ako sa rest house ko sa Sagada,” sagot ni Terron at humikab, kagigising niya ng tumawag ang kaibigan. “Teka, paano ‘yung babae? What happened to her?” tanong pa ni Xavier. Ngumisi siya. “Well, that woman, umalis na.” Naalala niya ang sinabi ng kasambahay. Umalis daw agad ito ng malaman na umalis siya. Sa katunayan ay naghahanap na rin siya ng bagong titirhan dahil tiyak siyang babalikan siya nito, kung ang babaeng ‘yon ay sigurista gano’n din ngayon si Terron. “Great, kailan ka babalik dito?” “Maybe, this weekend,” sagot niya. Nag-usap pa sila ng kaibigan at mayamaya ay nagpaalam na rin si Xavier dahil may kailangan pa itong asikasuhin. Tumayo ang binata at nagtungong banyo para mag-shower. Kalalabas niya lang ng banyo ng makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa labas. Nagtaka siya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. Pagkabukas ni Terron ng pintuan ay hindi niya napigilan ang mapamura sa bumungad. Gusto niyang magsisi na binuksan pa ito. That girl! “Hi, runaway groom, nice place huh?” Puno ng sarkasmong himig ng babae at ngumisi. Pumasok ito ng bahay niya hila-hila ang dalang maleta habang si Terron ay gulat na gulat pa din. “What the hell are you doing here?!” galit niyang tanong ngunit abala ang mga mata nito sa paglilibot ng paningin sa loob ng rest house niya. He never thought na masusundan pa din siya nito kahit na sinabi sa kanya ng kasambahay na nagbanta daw ito bago umalis! Damnit! Tumingin ng masama sa kanya ang dalaga. “Ako dapat ang nagtatanong sa ‘yo nyan, runaway groom.” “How did you find me?!” puno ng pagtataka ang boses niya. Ngumisi ang dalaga at unti-unting lumapit bago tumigil sa harap niya, inilapit pa nito ang mukha sa kanya. “I have my own ways,” nagyayabang na sambit nito but Terron was freezed that moment na distract siya sa amoy mint na hininga ng dalaga. Nilayo na nito ang mukha sa kanya at parang doon lang si Terron nakahinga ng maayos. “And I told you hindi mo ‘ko matatakasan kaya kung ako sayo huwag ka ng magtangkang ulitin pa ‘to runaway groom.” Doon lang nag-sink kay Terron ang mga sinasabi ng babae. Runaway groom! Hell no! “By the way nice view huh?” sabi pa ng babae habang nakatingin sa hubad niyang katawan. “Sh*t!” bulaslas niya ng mapagtantong towel nga lang pala ang nakatapal sa kanya katawan dahil kakatapos niya lang maligo. May narinig pa siyang tawa ng makapasok sa kwarto. Agad si Terron nagtungong closet at kumuha ng damit. Pagkatapos niyang mabihis lumabas siya at naabutan niya ang dalagang nakahiga sa mahabang upuan na gawa sa pine tree. Nagsalubong ang kilay niya dahil ang bilis naman nito makatulog. She looks very tired at humihilik pa. Napapailing siyang tumalikod papuntang kusina para magluto. Terron prepared a soup bagay lang ito sa malamig na klima ng Sagada. Nakaupo na siya sa harap ng counter para magsimulang kumain ng bigla niyang maalala ang babaeng kasama. Napatayo siya at lumabas ng kusina. “Woman!” paggising niya dito habang tinatapik ang balikat. Umungol lang ito at winahi ang kamay niya. “Hey!” Mas inilakas niya ang tapik dito. At ilang segundo pa ang lumipas bago ito nagising. “Bakit ba ng gigising ka?” inis na tanong nito at umupo mula sa pagkakahiga. “I just want to ask you kung kumain kana?” “Hindi pa,” sagot nito habang humihikab at nag-uunat ng kamay. Tinalikudan na niya ito. Hindi siya gano’n kasama kahit asar na asar na siya sa babae. “Nagluto ako ng soup baka gusto mo kumain,” he said at bumalik na ng kusina. SUMUNOD naman si Leigh sa binata. Pagod na pagod siya dahil sa layo ng byinahe papuntang Sagada ang nakakabwisit pa dito ay nasiraan siya sa daan kanina, hindi na niya naggawang tumigil para kumain dahil nagmamadali siyang makarating at abutin ng gabi. Pagkapasok niya ng kusina ay naamoy niya agad ang mabangong soup na nagpakalam sa tyan niya. Terron looked at her. “Bakit may problema ka? Bawal kumalam ang tyan, paggutom?” pagtataray niya dito at naupo sa harap. Terron looked away. “Then eat.” “Sure,” sagot ni Leigh at naglagay ng soup. Kumain silang dalwa na hindi manlang nag-iimikan. Kahit gusto niyang puriin ang luto nito pero ilang saglit pa ay binasag ng lalaki ang katahimikan. “Who are you?” “Maka-who are you ka ah,” sabi ni Leigh dito. “Just answer me, I didn’t know your name,” masungit na sagot ng binata. Bumuntong-hininga siya at marahang ngumiti. “I’m Leigh Pascual.” GABI na at naupo lang si Leigh sa labas habang yakap ang sarili. Nag-set siya ng bonfire dahil sa sobrang lamig. Mula ng magpakilala siya sa binata ay hindi na siya nito kinausap. Ang huling sinabi lang nito ay pumunta na lang siyang kusina kapag nagugutom. Dumiretso na ito sa kwarto pagkatapos at hindi pa din lumalabas hanggang ngayon, hindi naman siguro ‘yon tatakas dahil sinilip niya kanina ang bintana ng kwarto at bangin ang labas nito. “Mahamog d’yan, pumasok kana.” Nilingon ni Leigh ang binata, nakasandal ito sa may gilid ng pintuan suot-suot ang makapal na puting jacket at itim na panjama, mukhang kagigising lang nito dahil medyo magulo pa ang buhok. “Ang lamig-lamig dito!” reklamo ni Leigh nang makalapit. “Malamang at nasa itaas tayo ng bundok,” pilosopong sabi ng binata. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Anyway, my heater naman siguro dito at magsho-shower ako.” “Of course, pumunta ka na lang sa banyo. . . sa right side pagkapasok ng kitchen,” sabi ng binata at iniwan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD