Chapter 1
SAMANTHA
"Legend says, si Miranda Herenza ay isang maganda at mabait na asawa na may dalawang anak na babae, ito'y kambal. Gabi-gabi, hinihintay niya ang kaniyang asawa na umuwi ng bahay, knowing na galing ito sa ibang babae, sa kabit kumbaga."
Halos ang bawat isa ay tahimik lang na nakikinig sa kanilang mga kinauupuan at nakapokus kay Kieth na may hawak-hawak na kandilang nagbibigay ng malamlam na liwanag sa kaniyang mukha habang siya ay nagkukuwento.
They all look ridiculous with their costumes on. Lalong lalo na ang nagkukuwento na si Kieth, nakasuot siya ng lizard costume habang suot-suot din ang kaniyang salamin. Samantalang si Viel, na siyang pinakachubby sa aming magkakaibigan ay nakasuot ng baboy na costume. Si Raf naman ay daga at si Caster ay elepante. Kami ni Lorie? Siya ay rabbit at ako naman ay unicorn. We all look ridiculous. Well, it's halloween anyway! What can we do?
"They were known as the wealthiest family here in this place.."
"Yeah, alam na namin yan, y-you could skip that part now." Sabat ni Lorie.
"Yeah you should skip the whole story, Kieth. Dahil lahat naman tayo dito alam na yung kuwento. What the f**k, Lorie? Kaya nga tayo nandito sa abandonadong bahay ni Miranda, nakaupo, ngayong halloween, para mas madama natin yung storya habang kinukuwento!"
"Caster, kalma lang! Ituloy mo na lang yung kuwento Kieth. Everyone, just f*****g listen please."
"Si Miranda at ang kaniyang asawa ay araw-araw at gabi-gabing nag aaway. Kaya humantong ang kanilang relasyon sa paghihiwalayan. Iniwan siya ng kaniyang asawa at ang naiwan lang kay Miranda ay ang bahay at ang kanilang kambal na anak." Napalunok si Kieth
"2 Months later, ang dalawang kambal na anak ni Miranda ay nagsisimula nang matakot makipag-usap sa kaniya. Sa kadahilanan na araw-araw lang itong nakatulala at nakaupo sa.." Sabay ang hinto ni Kieth sa pagkukuwento at mabagal na napatingin kay Raf.
"Ano?" Tanong ni Raf na nakabukakang nakaupo sa madumi at lumang sofa. Siya lang ang iisang nakaupo doon.
"D-Diyan sa inuupuan mo." Mabagal na turo ni Kieth.
Malakas na hinila ni Viel si Raf patayo sa sofa. "Kapag may masamang nangyari sa'tin dito, Raf. I'll swear, i'll f*****g kill you!"
Halos lahat ay natawa sa sinabi ni Viel, sa buong magkakaibigan, siya lang kasi ang pinakauna unahang nakakita ng multo sa amin, well, according to him. At siya pa nga ang may pinakaayaw na pumunta dito sa abandonadong bahay na 'to kaya anytime na kapag sobrang natatakot na si Viel, maaaring siya ang pinakaunang tatakbo sa aming magkakaibigan.
Walang magawa si Raf kaya mabagal na lang rin itong umupo sa lapag at tumabi kay Viel habang iniistretch ang kanang braso. "Pinapawisan na ko dahil dito sa bobong costume na 'to."
"Lahat naman tayo naiinitan so tiis-tiis lang." Sabat ni Caster.
Muling nagpatuloy si Kieth sa pagkukuwento. "..sa kadahilanan na araw-araw lang itong nakatulala at nakaupo sa upuan na 'yan, walang nakakaalam kung anong mga nasa isip ni Miranda nung mga oras na 'yon. Hindi na siya naliligo, kumakain, at hindi na rin siya natutulog. Ni hindi na nga rin ito tumatayo mula sa pwesto. Ang kaniyang dalawang kambal na anak na ang gumagawa ng paraan upang mapakain siya, pero kahit ang pagbukas lang ng kaniyang bibig, hindi niya magawa. She's like a living statue, staring at a blank space. Hanggang sa isang araw, paggising ng isang kambal, napadaan siya dito sa living room, dito sa kinauupuan natin ngayon, at napansing wala na ang kaniyang ina sa pwesto. Ginising ng kambal ang isa pang kambal at nilibot nila ang buong bahay at natagpuan nila ang kanilang ina sa pangalawang palapag ng bahay doon sa kwarto, na kung saan nakatapat ito sa salamin at nakangiti habang sinusuklay ang naglalagas na buhok."
"Oh, I have a question." Sabat ni Caster.
Nagtinginan ang lahat kay Caster nang i-interrupt niya ang pagkuwento ni Kieth. "May sinabi bang kulay ng suklay?" Tanong ni Caster kay Kieth.
"I don't know, it's just a f*****g story, hindi nga natin alam kung totoo ba yung kuwento o hindi. Ba't mo naman natanong?"
"Hindi ko rin alam eh, hulaan ko. Hmmm.. Siguro ang kulay ng suklay ay.." Biglang ngumisi si Caster.
What's with the face? Hindi na ko nagiging kumportable dito ah, mas lalo na akong natatakot.
"Ang kulay ng suklay ay.. well, it's silver."
"Anong kagaguhan ba 'yang pinagsasabi mo, Caster?" Tanong ni Raf.
"Ito oh," Nilabas ni Caster ang bakal na suklay na nakatago mula sa kaniyang baywang.
Everyone gasped. Gumapang bigla papalayo kay Caster ang dalawa na sina Viel at Raf "SAANG IMPYERNO MO NAKUHA 'YAN?" Kabadong tanong ni Viel.
"Hey, dude don't shout. Baka magising mo yung espirito ni Miranda." Nakangiting sabi ni Caster. "Bakit? Ha? Takot ka dito? Ha?" Nilalapit ni Caster ang suklay kay Viel upang takutin ito. "Nakita ko 'to sa lapag habang naglalakad tayo papunta dito sa living room."
"KAPAG MAY NANGYARI TALAGA SA 'TING MASAMA DITO PAPATAYIN KO KAYONG DALAWA NI RAF!" Mabilis na kinuha ni Viel ang suklay kay Caster at ibinato ito sa dilim.
"Seryoso ka, Viel? Grabeng matatakutin ka naman." Nakangising sabi ni Caster.
"Hindi lang siya ang natatakot ngayon, Caster." Sabat ko.
"See? Pwede naman tayong magkwentuhan dito sa bahay at magtakutan, pero ang pakialaman ang gamit ng buhay na kaluluwa? f**k, i'm out of here." Mabagal na binuhat ni Viel ang kaniyang sarili papatayo. Maglalakad na sana si Viel nang bigla itong huminto at napatingin sa aming lahat na tila nagdadalawang isip pa kung aalis ba siya o hindi. "S-Samahan mo ko, Raf. Alis na tayo."
"Umupo ka na lang." Sabat ni Raf.
"Fuck." Bulong ni Viel, wala nang ibang magawa si Viel kaya muli na lang din itong umupo sa tabi ni Raf.
"Masyado kang seryoso, Viel. I'm just f*****g with you, you see, sa ate ko 'yong suklay na 'yon." Nakangiting sabi ni Caster.
"f**k you."
"Gay." Sabat ni Caster.
"You're gay. Look at your stupid costume! You look f*****g ridiculous! f*****g Elephant shit."
"So do you. Fat pig."
"Guys, magkukuwento ba ako or what?" Tanong ni Kieth.
"Continue." Said Lorie.
Napatingin ako sa relo ko, nanlaki bigla ang mga mata ko nang may mapagtanto. "Guys, it's nearly 10. We should've been finished by now." Naagaw ko ang atensyon ng lahat, kaya naman napatingin silang lahat sa 'kin.
Nilabas ni Kieth ang kaniyang cellphone upang tignan din ang oras.
"Tae," Mahinang bulong nito. "Guys, it's already 9:54. Should we continue this next time or what?"
"Finish it." Sabat ni Raf.
"Yea, bilisan mo para matapos na agad tayo." Habol ko.
"San na nga ba ako?"
"Sa part na nagsusuklay si Miranda."
"Oh yea, so.. nakita ng kaniyang mga anak ang ginagawa niya doon sa salamin. Nakangiti siya habang sinusuklay ang naglalagas na mga buhok. She's like, became obsessed with herself, anxious about her look. Of course, naging ganon siya dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya pinagpalit ng kaniyang asawa sa ibang babae. She keeps smiling at the mirror. Her mouth, it's like a crimson wound. She looks so bad at hindi niya pa narirealize 'yon, because the skin of her face was peeling off, right? Kaya 'yun yung naging dahilan kung bakit tuluyan nang natakot sa kaniya ang kaniyang dalawang anak na babae. Then one night.."
"Then one night? The story was supposed to end on that part 'di ba?" Sabat ni Caster.
"Shush!" Malakas na sabi ni Kieth. "Then one night... while the wind outside were knocking the walls of this very house, trees outside were dancing at ang tanging liwanag lang na masisilayan ay ang liwanag ng buwan. Si Miranda ay nagsusuklay pa rin ng kaniyang buhok sa kaniyang kwarto. It was dark inside the room, she can't even see her own face anymore but she's still looking at the mirror. Then suddenly, there was a struck of lightning that made her stop what she's doing. She saw her face once again with the help of the lightning outside. Doon niya napagtanto na hindi na pala siya ang dating kagandahan na kaniyang inaakala. Kumbaga, 'yong lightning na 'yon ang gumising sa kaniya sa katotohanan na hindi na siya kagandahan. Hindi na pala siya si Miranda.."
"Hala, edi sino na siya?" Pagtaka ni Lorie.
"Well, siya pa rin naman si Miranda pero hindi na siya yung dating Miranda na mabait at maganda. You know, figure of speech."
"Lorie, can you please stop asking some stupid questions?" Inis na sabi ni Caster.
"I was just wondering."
"Yow, this better be good, hindi ko pa naririnig 'yang version mo so dapat maganda 'yan." Said Viel.
"Seryoso? Putol yung kuwento na alam niyo? Pagtaka ni Kieth.
"Yea, pero yung sa'yo siguro gawa-gawa mo lang." Sabat naman ni Raf.
"No, kinuwento sa 'kin 'to ng lolo ko noong elementary bago niya kami iwan."
"Oh, really? So this must be really the full version of the story. Okay, tuloy mo na." Said Lorie.
"Okay so, pinanood ni Miranda sa pagtulog ang kaniyang dalawang kambal na anak. Like, it's creepy as hell kung may nanonood sa'yo sa pagtulog mo sa dilim 'di ba? It's dark in the room so no one can see her. Pero ang dalawang mukha ng kambal ay natatamaan ng liwanag ng buwan kaya napagmamasdan ito ni Miranda. She's crying silently at the room as she studied her daughters' faces, wondering, bakit hindi siya ganon kaganda? Kaya naglakad siya patungo sa pinto ng kwarto at biglaan itong isinara, dahilan upang magising ang dalawa niyang anak. 'Ma?' Tanong ng isa sa kambal. Biglang binuksan ni Miranda ang ilaw ng kwarto at nagulat ang dalawa niyang anak nang makita ang itsura ng kanilang ina."
"Anong itsura?" Tanong ni Raf.
"Hanggang doon lang 'yong alam kong kuwento eh." Sabay ang ngiti Kieth.
"The f**k? Hanggang doon lang? Haha, nice try bro, ituloy mo na!"
"No, seriously, i'm not f*****g with you guys. Hanggang doon nga lang 'yong story."
"Akala ko ba ayan na yung full story?"
"Well, I never said it was the full story, but my version is better than any of yours because extended version 'yong sa 'kin."
"Cliffhanger."
"Ang pangit naman!"
"That's bullshit. You're bullshit."
"I have so many questions! Gusto ko malaman kung anong itsura ni Miranda nung binuksan niya yung ilaw at gusto ko rin malaman kung anong nangyari sa kambal!" Inis na sabi Lorie.
"It doesn't even matter, dahil hindi na natagpuan ang kambal pagkatapos ibigti ni Miranda ang sarili niya 'di ba?" Tanong ni Raf
"Well, you could say that because you're not even interested!"
"Damn, ano kayang ending nun. I want to know na kung bakit nagpaparamdam sa mga kabahayan si Miranda pagkatapos niyang patayin sarili niya."
"Ang pangit naman kasi biglang naputol yung kuwento, pwede mo naman atang gawan ng sarili mong version yung ending para naman may silbi yung pagpunta natin dito."
"Ending? Sige." Natulala si Kieth sa iisang direksyon na tila parang nagiisip ng sasabihin. "Ito. Pagbukas ni Miranda ng ilaw.." Biglang naging seryoso ang kaniyang mukha at tinignan niya kami ng isa-isa. "Pagbukas ni Miranda ng ilaw, sumigaw siya ng, "HAPPY HALLOWEEN!!!!"
"Bwisit."
"Seryoso kami! Ayusin mo kasi Kieth!"
"I don't know, what the f**k do you want me to say? Eh hindi ko nga alam 'yong susunod na kuwento."
"G-Guys?"
Natahimik ang lahat pagkatapos magsalita ni Viel. Nanginginig ang boses nito kaya halos ang lahat ay napatingin sa kaniya.
Nakatingin ito sa iisang direksyon na kung saan parang may nakikita ito na hindi namin nakikita.
"Ano 'yon, Viel?" Tanong ko.
Viel raised his finger at may itinuro sa dilim.
"Dude, hindi nakakatawa!" Kabadong sabi ni Kieth.
"What the f**k?! Viel! Ano 'yang nakikita mo?!" Ramdam ko ang nanginginig na kamay ni Raf na nakahawak sa aking balikat. "Tang ina, ayaw ko pang mamatay." Bulong nito.
"s**t, s**t! I'm out of here!" Mabilis na ibinuhat ni Viel ang sarili papatayo at tumakbo ito papalayo sa 'min. Bigla kaming natahimik. Biglang nawala si Viel na parang bula. Walang kumibo, nagsalita at huminga sa aming lahat ngunit rinig pa rin namin ang mga yapak ng pagtakbo ni Viel sa malayo.
"Wala man lang pumigil kay Viel? Tang ina baka kung saan pumunta 'yon!" Mabagal na tumayo si Raf sa kaniyang pagkakaupo at susunod na sana siya kay Viel nang bigla kaming may narinig na yapak na papalapit sa 'min mula sa direksyon na itinuturo ni Viel. Napatingin kaming lahat sa direksyong 'yon, sapagkat wala naman kaming makita dahil sa dilim. Lahat kami ay gumapang sa isa't-isa at naghawak-hawak ng mga kamay. Tumataas ang mga balahibo ko habang nakatitig lang sa dilim na 'yon. Unti-unti, ang yapak na 'yon ay biglang naging takbo.
Hinawakan ako ng mahigpit ni Lorie at nagulat kami nang biglang nawala ang tunog ng yapak. Ilang segundong nakatitig kami sa dilim ay biglang..
"BAAH!!!" Malakas na sigaw ni Viel mula sa likod. Lumabas ito mula sa dilim habang nakangiti. "HAHAHAHA!"
"The f**k?" Inis na sabi ni Kieth. "Hindi nakakatawa pre."
"Bakit hindi ka pa kinuha ni Miranda?" Raf whispered while keeping the straight face.
"Aaaaah" Napahiga si Kieth habang nakahawak ang kaliwang kamay sa dibdib.
"Dude, it was a joke. Come on."
"Akala namin si Miranda na 'yong paparating." Sabi ni Lorie.
"No." Sabat ko. As soon as nang magsalita ako, lahat ay napatahimik.
"Anong ibig mong sabihin, Sam?" Tanong ni Lorie.
"I said, no." They knew something is off dahil sa seryosong mukha na nililikha ko. "I swear, sa ibang direksyon tumakbo si Viel at sa iba rin nanggagaling 'yong tunog ng yapak na naririnig natin ng mga oras na bigla tayong ginulat ni Viel."
"Ang ibig mo bang sabihin.. H-Hindi 'yon si Viel?" Tanong ni Lorie.
Tumango ako.
"Yea, the footsteps were coming from that direction." Sabay ang turo ni Raf.
"Oo nga, it was coming from that direction. Na kung saan tumuro si Viel." Pagsang-ayon ni Caster.
"Nah, obviously I was joking na kunwari may itinuturo ako doon sa dilim pero wala akong itinuturo guys."
"No, we're dead serious Viel!" Napalakas na sigaw ni Raf.
"T-Tigilan niyo nga ako, wag niyo akong takutin dahil natatakot niyo na ako!"
"s**t, ibig sabihin ba niyan, habang nagtatakutan tayo dito, nakikinig sa 'tin si Miranda?" Nanlalaki ang mga mata ni Raf habang nakatingin sa amin.
"Tapos na 'yong biruan, please wag na kayo mana--" Napahinto sa pagsasalita si Viel nang biglang namatay ang kandila na hawak-hawak ni Kieth.
"s**t!" Pagulat na sabi nito.
"PUUUTANGGGGINAAAAAAA WALA AKONG MAKITA!!" Malakas na sigaw ni Caster.
"Guys, ilabas niyo ang mga cellphone niyo! Kailangan natin ng liwanag!" Lakas loob na sabi ni Kieth. Mabilisan naming kinuha ang aming mga cellphone at inon ang bawat mga flashlights. Itinutok namin ito sa dilim at wala kaming ibang nakikita kung hindi ang mga lumulutang na mga alikabok.
"T-There's no one."
"s**t! Umalis na tayo dito!!"
Sabay-sabay kaming nagsitayuan sa aming mga pwesto at tumakbo patungo sa malaking pintuan ng bahay. Nang papalabas na kami ay biglaan itong sumara ng kusa.
"Tulong!! Tulungan niyo kame!" Malakas na sigaw ni Lorrie habang kinakalampag ang pintuan ng bahay.
"Mama!! Tulong!!" Sigaw ni Raf. Halos lahat kami ay kinakalampag ang malaking pintuan ng bahay. Si Raf ay biglang lumipat ng pwesto at sumilip doon sa glass wall na nakapwesto sa tabi lang ng pintuan. "Tulong!!" Sigaw nito habang kinakatok ang salamin.
Tumabi si Viel kay Raf at tinutukan ng flashlight ang salamin upang makita ang labas ng bahay.
"Ang lakas ng hangin sa labas! f**k, f**k!" Gulat na sabi ni Viel pagkatapos makita ang mga sumasayaw na mga puno sa labas ng bahay.
Lahat kami ay napatingin din bigla sa salamin na tinitignan ng dalawa. Sumigaw din kami ng sumigaw sa salamin habang pinagkakatok ito. "Tulong!!" Paulit-ulit naming sigaw.
Napaatras kaming lahat sa salamin nang biglang may sumilip na babae. Nakangiti ito sa 'min at sobrang puti ng kaniyang mukha.
"WHAT THE f**k!!!" Sinigawan ito ni Raf.
"TAKBO!!"
Sabay-sabay kaming tumakbo papabalik sa living room at nagsibalikan sa mga pwesto. Gumapang kami sa isa't-isa at nagdikit-dikit habang itinututok ang flashlight sa kung saan-saan.
Tabi-tabi kami sa sulok ng living room. May hangin na mga bumubulong sa aming mga tenga kaya halos nililibot namin ang bawat mga tingin namin sa paligid. Because we know somewhere, someone is looking at us. We know somewhere, Miranda is looking at us.
Bigla kaming napatingin sa aming itaas nang may yapak kaming marinig mula sa pangalawang palapag.
"S-Shit." Rinig kong sabi ni Kieth.
"P-Paparating na siya!" Kabadong sabi ni Raf.
"Ginising mo ang kaluluwa ni Miranda, Kieth! Dahil sa kuwento mo!" Sumbat ni Viel.
"Ako pa?! Eh ikaw yung nagbibiro diyan!" Inis na sabi ni Kieth.
Patuloy lang ang yapak na naririnig namin sa pangalawang palapag hanggang sa makarating ito ng hagdan.
"Ayoko ko pang mamatay, ayoko pang mamatay, ayoko pang mamatay." Paulit-ulit na bulong ni Viel.
"Hindi pa ako nagiging architect, wala pa akong napapatunayan sa buhay ko! Ayaw ko pang mamatay!" Nanginginig na sabi ni Kieth.
"Ayokong mamatay ng virgin!" Iyak ni Raf.
Natahimik ang lahat nang biglang tumigil ang yapak na nanggagaling sa hagdan. Nakatuon lang ang lahat ng atensyon sa iisang direksyon na kung saan nakatutok lang rin ang bawat mga flashlight doon sa hagdan.
"N-Nasan na siya?" Tanong ni Caster.
Bigla kaming may naramdaman na mga buhok na nahulog mula sa aming itaas at walang ni-isa ang kumibo at nagsalita sa amin ng mga oras na iyon. Mabagal naming itinaas ang aming mga flashlight sa direksyon na kung saan nanggagaling ang buhok. At sa itaas, may nakabigti na babae habang ang mga mata naman nito ay nakatingin sa amin.
"AAAHH!!!"
"TAKBO!!!"
Muli kaming nagsitayuan sa aming mga pwesto at muling tumakbo patungo sa pintuan ng bahay. Ako ang pinakauna sa kanilang lahat kaya inunahan ko nang hawakan ang door knob, inikot ko ito at nabuksan ko ang pinto. Tumakbo na kami papalabas ng bahay habang sumisigaw.
"Potang ina mo Miranda!!" Pahabol ni Raf habang tumatakbo papalayo sa bahay.
-End of Chapter-
[10/23/19]