Napapailing na lang si Vance habang binabasa ang mga usap-usapan sa blogs tungkol sa pagpapakilala ni Maximo Pantaleon kay Phoenix sa mismong awarding ceremony kung saan naroon silang mag-asa. Isang linggo na ang nakakaraan mula noon pero manaka-naka pa ring pinag-uusapan ng mga makakati ang dila sa alta sociedad at mga social climbers na ang gusto lang ay makisawsaw sa issue. Isang linggo rin na halos di makausap si Phoenix gaya ng dati. Parang nawala ang kislap sa mga mata nito. Sa mga unang araw nga ay ni hindi nito hinarap ang trabaho nito. Mas gusto nito na maglagi lang sa kuwarto at magmukmok. Ni ayaw nitong lumabas ng bahay para magpaaraw. Na para bang pagpipiyestahan ito ng buong mundo. Sinubukan niya itong yayain na magbakasyon pero tumanggi ito. Marami ang nanghusga dito la

