“Ang guwapo talaga ng asawa ko,” kinikilig na sabi ni Phoenix habang inaayos ang bowtie ni Vance. Nasa kuwarto sila at paalis na para sa AsiaMoney Awards Building Construction Interchange, isang award-giving body na nagbibigay ng parangal sa natatanging negosyo sa architecture at property development. Siya ang kasama nito sa gabing iyon. Nagtaka pa siya nang hindi pa ito tapos magbihis samantalang siya ay ready na sa kanyang old rose long sleeve pregnant gown na hanggang sakong niya. May naka-accentuate na black lacy vines sa braso at baba ng bust area niya dahilan para di halos mapansin ang baby bump niya. Lumunok ito at in-adjust ang bowtie. “I am not sure if I can do it. Kinakabahan ako.” Pinisil niya ang baba nito. “Ikaw pa. Dati ka pa namang nag-i-speech sa harap ng maraming tao.

