Taas-noong bumaba ng grand staircase si Phoenix. Kampante ang bawat hakbang niya habang pababa ng hagdan. She was wearing a satin gold halter gown. May naka-accentuate na diamond belt sa baywang niya habang nakabagsak naman ang palda hanggang sa sakong niya. Tinernuhan iyon ng diamond purse at diamond bangles. Nakataas din ang kinulot niyang buhok. "You look like a regal queen,” humahangang sabi ni Vance nang salubungin siya pagbaba ng hagdan. Sinamahan siya nitong mamili ng damit pero di nito nakita nang isukat niya ang damit. Gusto niyang sorpresahin ito. "And you are the king?" "No. Just a lowly slave,” mapagpakumbabang wika ni Vance at yumukod. Bahagya nitong inangat ang ulo. “Your slave.” “You are too gorgeous to be a slave.” Hinila niya ang brasonito para tumuwid ng tayo. Paan

