Nagulat si Phoenix. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksiyon ni Vance kay Maximo. Was he thinking that the older man wanted to make a move on her? “Vance, anong problema?” tanong niya. Nag-uusap lang naman sila ni Maximo tungkol sa nanay niya. Parang pangit yata kung mapagbintangan pa ang matandang lalaki na pumoporma sa kanya. Nakakahiya naman. Maximo was only trying to be cordial with her because he was her mother’s old friend. Inilagay lang siya ni Vance sa likuran nito. “Dito ka lang. Huwag kang lalapit sa kanya,” wika pa rin nito na may halong pag-aalala. Hindi nawawala ang matiim na tingin nito kay Maximo na puno ng babala. Ngumisi lang si Maximo. "Ah! You must be Mauricio's lapdog.” “I am not a lap dog,” angil ni Vance dito. “You are acting like one.” Naramdaman n

