Tumaas ang kilay ni Phoenix sa tanong ni Maximo. "I am sorry?" usal niya sa mataas na tono. Napaka-weird naman ng tanong nito. Ano ba naman ang alam nito kung premature baby siya o hindi? At ano naman ang significance noon? Ipinilig nito ang ulo. "Nothing.” Iniwas nito ang tingin sa kanya. Parang lumilipad ang isipan nito. “I hope Elaine Mae had a nice life." "She had me. She loves me. Pero isa siyang malungkot na babae. She used to laugh, she used to smile but there was always sadness in her eyes. Sa palagay ko hindi siya naka-get over sa pagkamatay ng papa ko. Mahal na mahal talaga niya si Papa." As if there was a part of her mother that she couldn’t touch. "At ang papa mo...si Thomas? Maayos ba ang naging trato niya kay Elaine Mae?" Lalo siyang nakadama ng lungkot. "Namatay si Pa

