"Oh, no! Oh, no! Oh, no!" Natatarantang bumalikwas ng bangon si Phoenix nang makitang mag-aalas siyete na ng umaga. Dapat alas sais pa lang ay gising na siya para ipaghanda ng agahan si Vance. Pero napasarap ang tulog niya nang nakaraang gabi dahil malakas ang ulan at malamig ang panahon. Bago iyon ay kasabay niyang mag-agahan si Vance nang walang inaalalang kahit ano. It was the best sleep she had for almost a year. Kung kailan naman sila magkasundo ni Vance ay saka pa ito nangyari. Baka iniisip nito na porke't magkasundo na sila ay wala na siyang pakialam dito at hindi na niya ito aasikasuhin. Ngayon nga niya ito dapat mas asikasuhin dahil mas dapat niyang ipakita dito na gusto niyang maging mabuting asawa dito. Matapos maghilamos at magsepilyo ay dali-dali siyang lumabas ng kuwarto

