Kumurap siya habang nakatigagal sa asawa. "H-Hindi na dadating ang ka-meeting mo? They cancelled it? Oh, no! Paano na ito? Ano daw ang problema? I hope they didn’t meet an accident or they didn’t like you meeting them with your wife. A-Anong dapat nating gawin?" May bahid ng panic ang boses niya. Paano kung dating nobya nga nito ang ka-business meeting nito at biglang nag-cancel ng meeting dahil nalaman na kasama siya? Nabanggit sa kanya ni Vance na mahalaga ang meeting na iyon para dito. Mahalaga sa kompanya. Napahawak siya sa leeg niya at lumunok. Paano kung kamuhian siya ni Vance dahil siya pa ang nakasagabal sa business dealings nito? Na sa halip na maging asset ay liability siya. Baka magsimula na naman ito ng hidwaan sa pagitan nila. Bakit parang kalmado lang ito at hindi apektad

