Lumingon si Vance sa violinist at nag-fade ang unang piyesang tinugtog nito. Napalitan iyon ng isang bagong piyesa na pamilyar na pamilyar sa kanya at siyang ultimate theme song ng sinumang uma-attend sa JS prom. Dumilim ang paligid hanggang ang maliliit na ilaw na lang ang tumatanglaw sa kanila. Animo’y nasa gitna sila ng kagubatan at may mga alitaptap na nagliliparan sa paligid nila. “King and Queen of Hearts?” usal ni Phoenix nang makilala ang awitin. “Kailangang iyan talaga ang tugtog natin?” “Bakit ka natatawa?” tanong nito at pinisil ang ilong niya. “E sa iyan naman ang tinutugtog kapag JS prom.” Humagikgik siya. “Ewan ko. Nako-kornihan ako. Parang kinikilabutan lang ako na iyan ang tugtog tapos matanda na ako. Para sa mga bata lang iyan. I mean, can you imagine us attending the p

