HALOS hindi humihinga si Phoenix habang pinagmamasdan ang pagsabog ng gintong kulay ng papalubog araw sa kalangitan. Mistulang ginto rin ang karagatan, ang islang nakakalat dito at ang puting buhangin na nakalatag sa dalampasigan. "Wow! I had never seen anything like this before," usal niya nang bumaba sa kotse.
"Even something as grand as the Pyramids of Giza, Temple of Karnak or Abu Simbel monument?" tukoy ni Vance sa mga kahanga-hangang monumentong ipinatayo ng mga Ehipsyo.
"Manmade ang mga iyon. Iba pa rin ang gawa ng Diyos gamit ang kalikasan." Ibinuka niya ang kamay at sinalubong ang hampas ng hangin na nagmumula sa dagat. "This is like Shangri-La. I feel so at peace here and amazed at the same time. Kaya naman pala maraming turista ang bukambibig ang El Nido.”
"Tama ka. Kapag nandito ako napapahinga ang kaluluwa ko. Kaya nga nagdesisyon akong bilhin ang property na ito. Nag-uunahan nga kami ni Ninong kung sino sa amin ang bibili. Well, I won,” puno ng pagmamalaking sabi ni Vance.
"So... ilang babae na ang idinala mo dito?" nakataas ang kilay niyang tanong.
Parang ayaw yata niyang pumasok sa bahay nito kung may bahid ng ibang babae o mga babae doon. She couldn't imagine the wild parties that were done there. Nangilo siya at ibinaling na lang ang tingin sa beach. Hopefully it was unspoiled by Vance’s exploits.
"Ikaw pa lang kaya wala kang dapat na ipag-alala. Sabi ko naman sa iyo masyadong private at personal sa akin ang lugar na ito. Pumasok na tayo dahil pagod na rin ako,” wika ni Vance.
Hindi rin biro ang halos anim na oras na biyahe nila mula sa Puerto Princesa City. Alas diyes ng umaga nang umalis ang flight nila mula sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Paglapag sa Puerto Princesa City ay isang van ang sumundo sa kanila para dalhin sila sa bayan ng El Nido na nasa Hilaga ng lungsod. Puro bundok at bukirin halos ang nadadaanan nila. Sa sobrang excitement niya nang nakaraang gabi para sa trip na iyon ay hindi siya nakatulog. And she even bought a nice swimsuit.
Noong una ay skeptical siya kay Vance. Mahirap itong pagkatiwalaan. Pero sino naman ang tatanggi sa magandang pagkakataon na makapunta sa Ille Cave at magbakasyon sa El Nido?
Wala nga pala siya halos bakasyon. Ultimo bakasyon niya ay inilalaan niya sa pag-aaral at pagtuklas. Ganoon din naman nang magbakasyon siya sa Pilipinas dahil sa sunud-sunod na pagrereto sa kanya ni Mauricio sa iba’t ibang lalaki. Pero sa pagtitig niya sa magandang tanawin ay nakakalimutan niya ang ibang bagay. Gusto lang niyang mag-relax.
Pinatunayan ni Vance na kaya nitong maging gentleman. There was nothing s****l whenever he touches her. Nararamdaman niya iyon. Hindi rin siya nito tinutukso. Na parang iniingatan nitong magalit siya o mainis siya dito. And that was okay with her. Magkakasundo sila basta ba hindi ito gagawa ng kalokohan.
Noong una ay plano ni Phoenix na matulog pagdating nila sa beach house ni Vance. The beach house itself was following green architecture. Pawang native ang materyales sa labas pero moderno sa loob, Presko ang hangin at hindi na nga kailangan pa ng electric fan o aircon dahil malamig naman ang simoy ng hangin. Solar powered ang kuryente doon ayon sa caretaker ng beach house ni Vance. Dose oras lang ang normal na supply ng kuryente sa El Nido. Alas sais ng gabi hanggang alas sais lang ng umaga may kuryente kaya malaking tulong ang solar power.
Nagpalit lang siya ng damit sa halip na matulog. Lumabas siya ng silid at tuloy-tuloy agad sa beach para tingnan ang magandang tanawin ng papalubog na araw. Dahil sobrang ganda ng lahat ng nakikita niya ay nagkasya na lang siya na umupo sa buhanginan at iikot ang paningin niya. She was quite happy with that.
Nagulat siya nang maramdamang may pumatong na tela sa balikat niya. Isang sarong iyon. Gulat niyang tiningala ang naglagay sa balikat niya. It was Vance. "Masyado kang nalilibang diyan. Baka hindi mo napapansin na lumalamig na."
"Thank you," wika niya at hinapit ang sarong sa katawan niya. "Anong tawag sa lugar na ito?"
"Las Cabañas. At dito mo makikita ang perfect sunset dito sa El Nido."
Huminga siya ng malalim. "Ito ba ang pinakamagandang lugar dito?"
Umupo ito sa tabi niya. "Maraming magagandang lugar dito. Ipinagmamalaki ng El Nido ang mga lagoon, isla at white sand beaches. Marami kang pagpipilian. May falls at hot springs din dito. And of course, your precious archaeological sites."
"Uhmmm... kailan tayo pupunta sa Ille Cave?" tanong niya.
"Gusto ko sana sa ibang araw na. Mamasyal muna tayo sa ibang lugar."
Umiling si Phoenix. “Gusto ko sa Ille Cave.”
“Hindi pa maganda ang daan doon ngayon. Kauulan pa lang kaninang umaga. Panigurado na maputik pa doon.”
"Okay lang. Sanay ako sa kahit na ano. Mainit, malamig, maputik, mabuhangin. Pwedeng bukas na tayo mag-Ille Cave?" tanong niya at hinila ang manggas ng T-shirt nito. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napupuntahan iyon."
Bumuntong-hininga si Vance. "Why am I already expecting that? Wala ka bang balak na mag-relax? Pwede tayong mamasyal sa lagoon. Mukhang maganda ang panahon bukas. Masarap magbabad sa tubig o kaya ay mag-island hopping. I am sure magre-relax ka sa mga lagoon nila dito. I particularly like Cadlao Lagoon. Hindi kasi masyadong maraming turista ang pumupunta doon. Very serene."
"Saka na iyon kapag nakita ko na ang Ille Cave. Teka. Sasama ka ba sa akin? Hindi ba ayaw mo sa dilim?" tanong niya.
Naalala ni Phoenix dati kung paanong ayaw ni Vance kapag brownout at madilim. Na ayaw nito kahit sa mga horror house. Ayaw din nito sa sinehan. Mas gusto nitong manood na lang ng pelikula sa bahay kung saan bukas ang ilaw.
"Ah! Gusto ko na sa dilim. May mga babaeng takot sa dilim kaya kailangan kong maging matapang para sa kanila. May mga babae namang gusto ang dilim. Where's the fun if I'm afraid of the dark? I have to be prepared."
Tumalim ang mga mata niya. "Okay. Nandiyan ka na naman." Wala na ba itong ibabanat kundi s****l innuendo?
"Sino naman ang nagbukas tungkol sa dilim na iyan? Ikaw itong mahilig sa dilim. Gusto ko lang sabihin na wala kang dapat alalahanin sa akin."
"Wala bang babaeng magagalit sa akin dahil kasama mo ako ngayon?"
"Marami."
"Uh oh!" usal ni Phoenix. Ang huling bagay na gusto niya ay makipag-away sa kahit na sinong babae tungkol kay Vance. Malay ba niya kung may ex-girlfriend o fling ito sa paligid-ligid o babae na galing Maynila na maghuhurumentado kapag nalamang magkasama sila sa iisang bubong sa loob ng isang linggo.
"But it is none of their business whoever I want to bring here. Kung sino ang kasama ko. I am a free man. Pwede kong gawin ang kahit anong gusto ko."
So he was single. Or in between relationships… kung relasyon nga ang tawag nito sa romantic liaisons nito. "Sabagay wala naman silang dapat na pagselosan sa akin. You are not my type after all," pakli niya.
Sinapo ni Vance ang dibdib at umaktong nasaktan. "Ouch! Medyo masakit iyon sa ego ko."
Hinaplos niya ang likod nito. "Huwag kang masaktan. Wala lang sa panahong ito ang tipo ng lalaking gusto ko."
"Yeah! Like Thutmose II."
"And Rhamses The Great, Alexander the Great, Atilla the Hun and Jose Rizal,” pag-iisa-isa niya sa mga sikat na pigura sa kasaysayan na malapit sa puso niya.
"Puro mga patay na ang mga iyon. Hindi mo man lang ba sinubukan na makipag-date sa normal na lalaki? Humihinga at hindi kalansay na lang ng yumao na?"
Umiling siya. "Nope."
"Kahit noong nag-aaral ka na sa abroad? Ang alam ko mas liberated ang mga tao doon."
"At hindi ka na parang guwardiya sibil na bakabuntot sa akin? Hindi na. Sabihin na nating hindi ganoon kainteresante ang mga nakaka-date ko. At hindi rin sila interesadong maka-date ang isang archaeolgy student or archaelogist mismo. It is not exactly a glamorous job. Imagine slaving myself studying dead people and their culture. Napaka-boring para sa kanila. Hindi nila masisikmura na naghahapunan kami pero mga patay na nilalang na ang pinag-uusapan namin."
"Basta ako nakikinig ako sa iyo kapag nagku-kwento ka tungkol sa trabaho mo. Naalala mo nang ikwento mo sa akin ang fascination mo sa mummies? Ipinaliwanag mo pa sa akin ang pagkakaiba ng mummification sa Egypt sa mummication sa Pilipinas."
Napanganga si Phoenix. Akala niya ay walang natatandaan si Vance sa sinasabi niya habang nakatitig ito sa kanya. That was years ago. Paano ay sinabi lang nito na maganda siya kahit ang pinag-uusapan nila ay ang pagpe-preserba ng mga namayapa na. Kaya akala niya ay hindi siya nito sineseryoso or he was trying to mock her.
Kung ganoon ay ito lang ang lalaki hindi niya kapareho ng propesyon na nakikinig sa trabaho niya. Ang ibang lalaki kasi kundi nandidiri sa sinasabi niya ay iniiba ang topic at nagkukwento tungkol sa sarili nito para maiba lang ang usapan.
Ngayon lang yata niya nalaman iyon. Akala kasi niya ay lagi na lang itong nang-aasar. "Thanks for listening, Vance. I…I really appreciate it."
"No problem."
Siguro sa susunod ay hindi rin niya ito dapat basta-basta husgahan. Mukhang marami pa siyang matutuklasan tungkol kay Vance.
NAGISING si Phoenix sa hampas ng alon sa dagat. Binuksan niya ang bintana ng kuwarto niya at nakitang madilim pa sa labas. Alas singko pa lang ng madaling araw. Malamig pa ang hangin. It would be the perfect time to jog down the beach or take a dip at the sea.
Jogging would be great. Mabibitin lang siya sa pagtatampisaw sa dagat dahil maaga silang aalis ni Vance para magpunta sa Ille Cave na isang oras pa ang layo mula sa Las Cabañas. Nasa magkabilang dulo yata ng El Nido ang dalawang baranggay. May hiwalay naman na araw para mag-indulge siya.
First and foremost, she was an archaeologist. At hindi siya matatahimik hangga't hindi niya napupuntahan ang isang archaelogical site sa area.
"Ma'am, maaga din po pala kayong nagising," wika ng katiwala doon na si Aling Pining.
Nag-inat siya. "Maaga po kasi akong nakatulog. Tahimik po kasi dito at nakakaantok.” Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagpahinga na agad siya. Pagsayad ng likod niya sa kama ay nakatulog na agad siya.
“Iba po talaga ang hangin sa probinsiya. Sariwa kaya po parang tatawagin ang katawan ninyo na magpahinga. Nakakagana rin pong kumain.”
“Gising na din po si Vance?" tanong niya.
"Opo. Nasa labas po iyon. Baka po naglalakad-lakad. Iniikot po niya ang buong beach. Minsan po ay nilalangoy niya ang maliit na isla sa kabila."
"Oh!" usal niya. Ang maliit na isla di kalayuan sa magarbong kubo ni Vance ay pwedeng lakarin kapag low tide. Pero kapag high tide ay nakahiwalay iyon sa mainland. Sa ibang pagkakataon na lang niya lalanguyin ang kabilang isla.
Tumakbo siya sa kabilang direksiyon na nakaharap sa Shimizu Island, ang popular na landmark ng El Nido. Sa palagay kasi niya ay sa kabilang beach ng Las Cabañas tumatakbo si Vance.
He was behaved. Very much behaved. Pero hindi pa rin ligtas ang pakiramdam niya kapag nasa paligid ito. Natatakot siya na isang beses pa siya nitong tuksuhin ay magpatukso na siya. She was weak when it comes to him. Lalo na at natuklasan niya na ito lang ang lalaking nakakahuli ng kiliti niya at nakakapagbigay sa kanya ng mga bagay na gusto niya.
Matapos marating ang dulo ng beach na walang katao-tao ay tumakbo siya pabalik sa kabilang beach. Natigilan siya sa pagtakbo nang isang anino ng lalaki ang nakita niyang umahon mula sa dagat. Hindi siya humihinga habang pinagmamasdan ang graceful nitong paggalaw. Kung paanong mistula itong diyos ng karagatan o isang hunkilicious na merman na nag-anyong tao para mang-akit ng mahihinang mortal na katulad niya.
"Vance," usal niya sa pangalan nito. Kung nabuhay ito noong unang panahon, he sure as hell could inspire mythology.
Parang narinig nito ang boses niya na tinangay ng hangin. Lumingon sa direksyon niya at naramdaman niya ang tindi ng titig nito sa kanya. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya kasabay ng pagtigil ng t***k ng puso niya. He looked larger than life while wearing nothing but a flimy shorts. He was as good as naked.
Naglakad ito patungo sa direksiyon niya. Hinawi nito ang buhok nito. He looked more imposing with every step. Nahigit niya ang hininga nang hawiin nito ang buhok at tumilamsik ang tubig. Gusto yata niyang atakihin sa puso umagang-umaga pa lang. Kung ganitong tanawin ang makikita niya araw-araw ay baka hindi na kayanin ng puso niya.
"Good morning," bati nito nang tumigil sa harapan niya.
"You are wet," nausal na lang niya.
Bigla kinagat ni Phoenix ang dila niya. Parang kakaiba yata ang dating ng sinabi niya. It sounded so sensual. So carnal. Umagang-umaga ay kung saan-saan napupunta ang utak niya. Marami siyang guwapo at makisig na lalaking nakilala. But she never allowed her thoughts to go astray. He was reducing her to a creature who only thinks about s*x.
"Uhmmm… lumangoy ako papunta sa islet na iyon," sabi nito at itinuro ang maliit na isla. "Nag-jogging ka. Gusto mo bang samahan kita na tumakbo sa kabilang beach para mapasyalan mo rin?"
"Nang iyan lang ang suot mo?" tanong niya at dumako ang tingin sa tanging bahagi ng katawan nito na may saplot.
"Nakasabit sa terrace ang damit ko. Maliban na lang kung gusto mo na ganito lang ang suot ko habang nagdya-jogging tayo," nanunuksong sabi ni Vance.
At pagpiyestahan ito ng mga tao sa magkasunod na resort sa bahagi ng resort na iyon at iba pang mga turista. "No, thanks. Nawalan na ako ng ganang mag-jogging," aniya at nilagpasan ito.
"Ah! Marami akong idea sa pwede nating gawin kung ayaw mong mag-jogging."
Kung may kinalaman ang aktibidades na iyon na wala halos itong damit at magkadikit ang mga katawan nila, maraming salamat na lang.
"Gusto ko nang kumain ng agahan. Nagugutom na ako," sabi niya. Nakakagutom naman kasi ang katawan nito. Kanin na lang ang kulang. "Excited na ako na pumunta sa Ille Cave. Anong oras ba tayo aalis?"
"Alas siyete o alas otso ng umaga. Dadalhin na lang dito ang sasakyan natin."
"Okay." Kailangan niya ang distraction ng pagkain at ng archaelogical side trip nila. She wanted to be in control with her own emotions and thoughts.
Habang agahan ay pinili niyang magpa-kwento tungkol sa Tito Mauricio niya. Pati na rin sa mga bagong proyekto ng Villaviray Construction. Vance was just as driven and passionate about his job and company. Kaya naman gustong-gusto ito ng tiyuhin niya at itinuring na anak. Pakiramdam nga niya ay si Vance ang itinuturing nitong hahalili nito.
Naalala ni Phoenix nang sabihin niya sa tiyuhin na gusto niyang maging archaeologist nang malapit na siyang magtapos ng high school. Na nakakuha siya ng award at ang premyo ay maging scholar sa Oxford University. Her uncle was not impressed. Ang gusto nito ay mag-aral din siya gaya ni Vance, ang prodigy nito. Napaka-promising na nito hindi pa man ito nagtatapos ng kolehiyo. Nag-top pa nga ito sa board exam para sa civil engineering at tinanggihan ang mga alok sa prestihiyosong kompanya sa ibang bansa dahil pinili nitong makasama ang tiyuhin niya.
While she decided to leave. Alam niyang masama ang loob sa kanya ng tiyuhin niya dahil binigo niya ito. Mahirap para sa kanya na gawin ang bagay na hindi naman siya magiging masaya. Naiinggit pa rin siya kay Vance pero choice naman niya ito. Ipinakita nito ang loyalty sa tiyuhin niya na mahirap para sa kanya na pantayan.
"Vance, did you ever hate me?" biglang naitanong ni Phoenix kay Vance.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Dahil lagi mo akong inaaway?"
"For bringing my uncle so much heartache. O kaya naisip mo na sana ikaw na lang ang pamangkin niya. Na solo mo ang pagmamahal niya."
"Hate is such a strong word. Minsan naiinis ako dahil parang hindi mo siya pinahahalagahan samantalang handa siyang ibigay ang lahat sa iyo. Pero ganoon siguro ang tao. Kailangan nating hanapin ang nagpapasaya sa atin. What defines us. Hindi natin magagawang mahalin o pasayahin nang buo ang mga taong mahalaga sa atin kung hindi rin tayo masaya."
"Masaya ka ba?"
Lagi lang si Vance ang nasa tabi ng tiyuhin niya. Sunud-sunuran ang tingin niya dito. Parang robot pa nga. Baka mamaya ay dahil sa utang na loob lang iyon kaya ito nananatili sa tabi ng tiyuhin niya. Minsan ay napapakialaman pa ang personal na buhay nito. Wala ba itong ibang gustong gawin sa buhay na di nito magawa dahil sa tiyuhin niya? Na baka di ito masaya dahil doon.
"Yes. I am in paradise with my most favorite girl on Earth."
"Ako ang paborito mo sa dami ng babae mo? Oh, come on!” aniya at tinapik ng palad ang mesa.
"You are most favorite girl. Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo. Kaya ko namang patunayan na mas lovable ako kaysa sa mga patay na lalaking kinababaliwan mo. I can make you happy," anito at dumukwang para ilapit ang mukha sa kanya.
Itinulak niya ang noo nito para lumayo ang mukha sa kanya. "Kumain ka na lang. Happy na ako basta madalaw ko ang Ille Cave."
Baka kung saan pa mapunta ang usapan nila. At madalas ay usapang sensual nauuwi ang usapan pagdating kay Vance.
Wala naman itong kailangang patunayan sa kanya. Napasaya na siya nito.
Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.
There are two ways to get coins:
1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.
Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.
2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.
Go to Youtube and search Dreame Buy Coins if you want to watch the video tutorials and read this story hassle-free.
Thank you and happy reading!