"PASASAKAYIN mo ako diyan?" nanlalaki ang matang wika ni Phoenix habang nakatitig sa single na motorsiklong nirentahan ni Vance para sakyan nila sa pag-iikot sa El Nido. "Ano naman ang problema sa motor?” Tinapik ni Vance ang upuan ng motor. “Ito ang pinaka-convenient na sakyan papunta sa Ille Cave. Mabundok iyon at maputik ang daan kaya may area na mahirap daanan ng malalaking sasakyan." Umiling siya at umurong. "Hindi ako komportable diyan." "Nakasakay ka nga ng camel at ATV sa disyerto pero hindi ka natakot. Mas delikado iyon kaysa dito sa motor." Humalukipkip siya. Adventurous siya pero ibang usapan naman ito. Hindi siya komportable sa ideya na aangkas siya dito at kailangang magdikit ang katawan nila habang nakaangkas siya. "I don't trust you. Malay ko ba kung kaskasero kang

