Pinagmasdan ni Phoenix ang paglubog ng araw Reef Bar sa Pico de Loro sa Nasugbu, Batangas. Hindi man iyon kasing ganda ng sunset sa El Nido para sa kanya pero nagagandahan pa rin siya sa atmosphere ng lugar. Just perfect for a honeymoon. Moderno ang facilities doon. Isang itong hotel-resort para mga nais mag-relax o magtrabaho habang nagre-relax. May eleganteng pool at clubhouse ang naturang resort. May billiards room din, tennis court, smash room at iba’t ibang beach sports amenities na ino-offer na tiyak na mae-enjoy ng mga guest. Not as intimate as she expected though. Di gaya sa beach house ni Vance sa El Nido kung saan solo nila ang mundo. Pero mas mabuti na ito kaysa wala talagang honeymoon ni Vance. Isang premiere room ang kinuha ni Vance na nakaharap sa malawak na lagoon. Isang

