(The face of a real Lacson) “THANKS, GOD.” Iyon ang nausal niya matapos nilang makapag-usap ng kanyang Papa. Ganoon lang kabilis para sa kanya ang mapatawad ito. Sinsero ito nang hinilingin ang kapatawaran sa kanya. Her father loved her so much. At kung may isang bagay man ang hindi nakakapagpatahimik sa kanyang kalooban, iyon ang nabanggit nito tungkol kay Martha. “Arwa, nakatulog na naman si Gideon. Iakyat ko na ba siya sa silid mo?” tanong ni Yaya Cely na nasa kanyang harapan. “Ako na po, Yaya. Kailangan ko na rin pong ayusin ang mga gamit naming kaya ako na po muna ang magbabantay kay baby Gideon.” “Sige.” Marahan niyang kinuha ang anak sa matanda. “Tawagin mo lang ako kapag may kailangan kayo ni baby Gideon, ha?” “Opo.” “Maiba nga pala ako. Nagkaayos na ba kayo ng Papa mo?” May

