Maaga pa ay bumangon na ako para asikasuhin si Altroy. Kagabi ay 'di na ako tumayo pa at hinayaan lamang ang asawa ko sa labas. Nag-ayos muna ako, kasabay ko nang bumaba ang aking anak na nakasuot na pang eskuwela. Ang guwapo ng aking anak bitbit ang maliit na bag na may bibe nakakabit sa harapan nito. Pinaupo ko na sa may hapag kainan si Altroy nang nakita kong palabas na sa elevator si Dane na bihis na at may dala na maliit na bag. Hindi ko siya pinansin pero alam ko naman kung saan siya pupunta. Hinihintay ko lamang siya na yayain niya ako sa pupuntahan niya. Pero hindi ko siya inimikan at kumain na ako kasabay ang aking anak na papasok sa eskuwelahan. "Lenna mahal, usap tayo 'pag alis ng anak natin." Sabi pa ni Dane parang nagsusumamo sa akin. Tahimik lamang ako at aking tinapos

