Pinasok nila si Altroy sa may St. Bridget Academy. Nasa una pa lang na baitang ito sa elementarya. Ang eskuwelahan kung saan ito papasok ay isang pribado kaya ang mga estudyante na pumapasok dito ay kaunti lamang. Si Altroy ay kumuha ng test kaya nang makapasa ito ay hindi na siya kailangan mag-kinder pa ayon na rin sa principal ng eskuwelahan na 'yon. Araw-araw ay hinahatid ito ni Letty sa umaga at sinusundo naman ni Dane sa hapon. Ito ay nagkaroon na rin ng mga kaibigan sa paaralan na 'yon. Si Lenna naman mula nang mag-paalam kay Dr. Lagman na hindi muna papasok ay 'di pa rin bumalik sa ospital. Wala kasing oras na hindi siya nasusuka kaya minabuti na niya na huwag na muna siya magtrabaho. Ilang linggo pa ang nagdaan at ang buhay nila Lenna ay tahimik na. 'Yon ang lagi na lamang d

