Malamig ang gabi kaya si Dane ay tumabi sa asawa at magkayakap na mahimbing silang nakatulog. Dalawang araw si Lenna sa ospital at si Dane ay hindi umaalis sa tabi niya. Si Altroy ay dala naman ni Albie roon sa umaga. Bago pa si Lenna lumabas ng ospital ay sinigurado muna ni Dane na okay na ang lahat sa asawa. Nang maka-uwi na si Lenna ay gusto na sana ni Dane na bumalik ng Pilipinas pero si Lenna at Altroy ay ayaw pa. "Dada sige na pasyal muna tayo rito! Saka na tayo umuwi kapag ako ay papasok na." May dalawang linggo pa kasi bago ang pasukan nila sa eskuwelahan ni Altroy kaya gusto nito sana masulit 'yon. "Sige na nga, sabagay sayang ang pagpunta natin dito kung 'di naman tayo nag-enjoy." Ani Dane sa tuwang-tuwa na anak. "Yehey! Pumapayag na si dada. Tito Albie, samahan mo kami sa

