Nakatayo si Dane at akma na lalapit sa akin nang bigla ko tinaas ang aking kamay at saka akin siyang pinahinto. "Mahal, mali ang nasa isip mo. Hayaan mo akong magpaliwanag!" "Pagod ako, saka ka na lamang magpaliwanag," sabi ko kay Dane na naiinis. "Mama, mama nandito ka na? Sinama ako ni papa, sorpresa raw namin sa 'yo!" "Ganoon ba anak, sige pasok na tayo at lalamigin ka rito sa labas." Pumasok na sila Lenna at anak sa loob ng bahay. Sinalubong sila ni Emma na kita na malaki nitong tiyan. "Ate kumusta ang biyahe mo? Halina kayo at kumain muna dahil kararating lamang din nila Dane at Altroy," ang sambit nito kay Lenna na may pagtataka. "Paano, bakit nauna pa yata sila sa akin?" ani Lenna na parang gulat pa rin. "Bumaba sila sa may harapan ng bahay gamit ang helikopter ni Dane. Nagu

