Si Dane naman ay lakad nang lakad. Hindi niya malaman ang gagawin. Sila ay nasa isang presinto sa may San Carlos, Pangasinan. Dito na minabuti ng hepe na pumunta dahil kakilala niya ang hepe rito. Lumabas si Lt. Col. Arthur Gonzaga at ito ay lumapit kay Dane. Malaking lalaki ito, bata pa at medyo singkit. Siya ay matangkad rin at may maliit na pilat sa kaliwang bahagi ng pisngi. Maliit lamang na pilat ito at hindi nito nabawasan ang mukha nitong astig at ang pagiging seryoso niya. Kung titingnan mo siya para pa nga na lalo mong gusto makilala siya para malaman ang lihim nitong pilat na ito. "Mr. Garcia, magpahinga sana muna kayo habang kinukuha nila ang CCTV ng mga kalye papunta rito sa Pangasinan." "Sana po ay malaman natin kung saan sila papunta. Ako ay nag-aalala dahil babae siya

