Nawala si Alwine at ang yaya 2

1503 Words
Mula nang araw na 'yon ay pinilit ni Lenna na tumayo muli. Hanggang naisipan ni Lenna kausapin ang kapatid para hanapin si Dane. Alam niyang mayaman ang binata at marami itong mga koneksiyon at tiyak niya na madali mahahanap nito ang anak na nawawala. Pero paano siya pupunta ng London at saan sa London nakatira ang lalaki. Saka na muna niya siguro iisipin kung paano at hayaan niya ang kapatid ang magdesisyon tungkol dito. Dumating si Albie at asawang nito na si Emma, doon muna sila ngayon pansamantala na tutuloy para naman mayroon makasama ang kapatid na si Lenna. Nagpakasal kasi si Albie at Emma sa huwes lamang muna at nakatira sila ngayon sa magulang ng babae. Dahil ang ama ni Emma ay pinadala sa ibang bansa ng kumpanya kaya sumama rin ang ina nito. Senior architect kasi ang ama ni Emma na ngayon ay siyang nangangasiwa sa mga hotel na pinagagawa nang kanilang kumpanya sa ibang bansa. Dahil nga sa nangyari sa anak ay napagpasiyahan ni Albie na sila ng asawa ay samahan na lamang muna si Lenna sa dati nilang bahay. Tinanong ni Albie kung may balita na sa presinto alam kasi niya na galing doon ang kapatid, pero nakayuko lang si Lenna "Nagtatago na raw ang pamilya ni yaya kaya hindi na umuusad ang imbestigasyon. Wala pa rin daw na lumalapit at umaangkin sa bangkay ni yaya kaya talagang hirap ang mga nagiimbestiga." Sagot niya sa kapatid na si Albie. Lumapit si Emma sa hipag at tinapik ito sa balikat "Huwag kang mag-alala ate, nandito kami ni Albie. Kailangan natin sigurong kumuha ng private investigator. Mas marami mag iimbestiga, mas mabuti." ani Emma "Salamat Emma 'yon din ang nasa isip ko pero tiyak na malaking pera ang ating kakailanganin. Iniisip ko kung sabihin natin kay Dane ang lahat para siya ang kumausap sa private investigator," bigla na mungkahi ni Lenna sa kapatid. "Saan natin siya hahanapin, di nga natin siya mahanap noon ngayon pa kaya?" ang sabi ni Albie na biglang simangot. Hindi alam ni Lenna ang isasagot sa kapatid dahil totoo ang mga sinabi nito dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang narinig tungkol kay Dane "Lenna kalimutan mo na si Dane, may asawa na ito, 'di natin siya kailangan. Ako ang magproprovide ng private detective para hanapin ang pamangkin ko!" malungkot si Albie na nakatitig sa akin. Ang asawa naman nitong si Emma ang nagsalita "Wag ka nang mag-alala ate, kasi si Albie ay na-promote bilang head nang planning dept. at ako naman, next month ay magiging manager ng design dept!" (iisa lang ang kanilang pinapasukang kumpanya at ito ang Tzko architecture and design). "Totoo ba yan? Congrats sa inyong dalawa. Pero paano kayo makakaipon para sa kasal ninyo sa simbahan kung palaging ako ang lagi ninyong inuuna!" "Ate, noon hindi mo ako tinanggihan at hindi ka rin nagdamot lahat kinaya mo mapakain, mapag-aral at mabigyan mo lamang ako nang maayos na aking tutulugan. Ngayong ako ang mayroon, iiwanan ba kita. Utang ko sa 'yo ang lahat ng mayroon ako kaya hindi mo na kailangang magsabi dahil gagawin ko ito dahil ikaw ang da best ate para sa akin!" at niyakap niya ako nang mahigpit habang natutuwa naman si Emma na pinapanood kami. "Sana may kapatid din akong katulad mo!" sabi ni Emma dahil sa siya ay nag-iisang anak lamang. 'Di man kagandahan si Emma pero dahil sa busilak niyang puso lahat na yata nang 'yong makita sa kan'ya ay maganda. Sa edad niyang bente uno, ay may pagka baby face pa rin siya, mahaba ang maitim niyang buhok na lagi niyang tinatali. Ang mga mata niya ang una mong mapapansin sa kan'ya dahil ang mga pilik mata nito ay mapilantik. Balingkinitan lang ang kan'yang katawan at kahit 'di siya katangkaran hindi ito halata dahil mahahaba ang kan'yang mga biyas hindi mo akalaing mababa lang siya sa taas na 5'3. "Maligaya ako dahil nakatagpo ang aking kapatid nang tulad mo, Emma!" taos sa puso kong binigkas ang mga katagang 'yon nang may ngiti sa labi. "Ate, huwag ka nang umiyak, narito kami ni Albie para palaging nasa 'yong tabi." niyakap niya ako at napanatag ang aking loob. Buwan ang lumipas, wala pa rin akong nakuha na magandang balita ukol sa nawawala kong anak. Ang private detective na inupahan namin ay wala ring nagagawa dahil 'di pa rin makita ang mga kaanak ng yaya ni Alwine. Hinanap rin nila sa probins'ya kung saan nakatira dati ang mga ito pero 'di na raw ito nagawi doon at ni minsan 'di man lang sinisilip ang bahay nila. Sinabi sa akin ng private detective na maaaring dinala ang aking anak sa abroad at ito ay maaring pinagbili na sa mayamang pamilya na walang anak. May mga sindikato raw ng human trafficking ang sa hanggang ngayon patuloy na naghahanap nang bibiktimahin at sa ngayon 'yan ang anggulo na siya nilang tinitingnan. Ayaw kong maniwala dahil kung totoo ito 'di ko na muli makikita pa ang aking anak at 'yon ang nagpapabigat na sa aking kalooban. "Ate 'wag muna nating isipin ang mga anggulo na gan'on hanggang wala pang final na binibigay sila!" paalala sa akin ni Albie. Sige po mrs. babalitaan ko na lang po kayo kung may bago na kaming lead." Paalam ng imbestigador sa amin ni Albie. Sa isip ko bakit lagi na lang na ganoon ang aking mga naririnig na kami ay maghintay at babalitaan na lamang namin kayo. Paulit ulit at sawa na ako na marinig ito pero ano pa nga ba ang bago at aking magagawa. "Matulog ka na ate, baka ikaw ay mag kasakit sa ginagawa mo. Pagod ka na sa eskuwela tapos pagod ka pa sa 'yong pagbabantay sa presinto." "Hayaan mo na ako Albie, iyon ang nagbibigay sa akin nang sandaling kapayapaan." muli kong banggit sa kan'ya dahil 'yon ang totoo. Nang gabing iyon, hindi ko nakalimutan ang magdasal at saka pagkatapos ay kausapin ang anak ko na parang siya ay kaharap ko. Maaring sabihin nila na baliw ako pero 'yon ang ginagawa ko bago matulog. 'Yon lamang ang paraan ko para 'wag nang malungkot at saka mag-isip pa ng kung ano. Si Alwine ang patunay nang aming pagmamahalan ni Dane at kahit kailan walang ano mang halaga ang siyang makatutumbas nang aking pagmamahal kay Alwine. Lumipas man ang panahon, lalagi sa isipan ko ang itsura ng aking anak at ang mga tanda ko sa kan'ya. 'Yon ang alam ko na siyang mag-lalapit sa amin dalawa sa tamang panahon. Kapag nangyari 'yon ay ako na siguro ang pinakamasayang nanay sa buong mundo. "Alam ko anak na balang araw tadhana ang siyang maglalapit sa atin, 'wag lang sanang huli na at ikamamatay ko!" humihikbi akong dumadalangin na sana pagbigyan ako ni Lord sa aking hiling. Nagbalik na ako sa aking pag aaral at binuhos ko dito ang lungkot, galit at aking mga kabiguan sa buhay. Lahat ng ito ang nagpapalakas sa akin. Taon man ang magdaan, 'di pa rin ako nakakalimot na pumunta sa estasyon ng pulis at ako ay palagi magtatanong kung may nakita ng bata na kasing edad ng aking anak. Pero wala pa rin ako makuha na magandang balita. Alam ko na sa tagal nang panahon ay baka 'di na ako kilala ng aking anak. Sa ngayon ay pinipilit ko pa rin na maging positibo sa buhay kahit na masakit ang puso ko sa pangungulila sa aking anak. Saan ko man ibaling ang aking mga mata ay puro alaala ng aking anak ang aking nakikita. Ang mga damit nito, ang kan'yang crib, ang bote ng gatas na naiwan lahat nang iyon ay parang bato na dumadagan sa aking puso. "Dane, bakit mo ginawa sa akin ito, minahal kita ng tapat at ano ang ginanti mo?" Sana pala hindi ko na lamang siya pinayagang pumunta sa London nang sa ganoon hindi nawala ang aking anak at siguro ngayon ay maligaya kami kasama si Alwine. "Lahat siguro ay kakayanin ko huwag lang ang hindi na makita ang aking anak. Siya ang aking buhay, humihinga ako para sa kan'ya. Sana nga makita ko pa ang anak ko." Hindi ko na namalayan pa ang mga araw at taon nag-daan. Patuloy pa rin ako sa aking mga nakasanayan na gawain. Hindi pa rin nakikita ang aking anak at ang aming mga kinuhang imbestigador ay sumuko na rin pero ako kailanman ay 'di nakakalimot. "Ate, mamaya pupunta kami riyan sa bahay para tayo makapag dinner bago kami umalis ni Emma." "Sige at ako ay maghahanda nang masarap na mga pagkain sa ganoon ay lagi ninyo akong maaalala," saad ko kay Albie. "Mga seven ng gabi nariyan na kami ni Emma. Ako na ang bahala sa dessert!" Binaba ko na ang phone para pumunta sa pamilihan nang makapaghanda nang lulutuin. Hindi naman ako nagtagal dahil nasa plano ko na ang lahat. Parang normal na ang lahat sa amin, kahit hindi pa sa akin. Nasa bahay muli nila Emma silang mag-asawa at ako ay narito mag-isa na namumuhay sa bahay ng aming mga namayapang magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD