Si Vera at ang anak

1655 Words
Nang araw na makauwi si Vera sa Pilipinas, tumawag kaagad si Don Lucio sa kan'yang kakilala. Gusto kasi niyang pasubaybayan si Vera. Ayaw niyang may mangyaring masama dito dahil reputasyon nila ang nakasalalay. "Hayaan po ninyo Don Lucio, at hindi po kami magpapakita sa kan'ya pero kayo ay makakaasa na susundan namin siya." Sabi ng tauhan na kinausap ni Don Lucio. Araw-araw nagbibigay ng report ang kan'yang tauhan pero laking gulat ng don nang sabihin nitong nasa hospital ang babae at para raw nanganganak. "Paano nga ba nangyari 'yon, 'di ko alam na buntis ito akala ko ay malusog lang siya?" anas ng don na pabulong sa sarili at nag-iisip. Nang malaman ni Dane ang tungkol sa panganganak ni Vera ay 'di rin ito naniwala kaagad. Ang alam niya ay hindi niya kailanman ginalaw si Vera. "Ni halik ay 'di ko magawang gawin kay Vera, ang buntisin pa kaya ito!" sambit ni Dane sa ama na galit at hindi pa rin makapaniwala. Sinabi niya sa ama na aalamin niya ang katotohanan tungkol dito. Kaagad pina-imbestigahan niya ang babae pero gan'on pa din ang naging resulta. "Papa, kahit ako ay nabigla man pero kailangan natin na maghintay hanggang sa siya ay makabalik dito sa London!" "Oo anak, dahil hindi ako papayag na madungisan ang ating pangalan!" Natatawa si Dane sa salita ng ama. "Ano ba itong nagyayari sa akin? 'Di ko na alam kung biro ba ito, kalokohan o isang masamang panaginip lamang?" Napaupo si Dane at saka siya nagbuntong-hininga. Ano pa nga ba ang mas sasaklap sa mga nangyayari sa kan'ya. Pagkaraan ng isang buwan bumalik si Vera dala ang isang bata. 'Di niya kaagad dinala sa mans'yon ng mga Garcia ang bata bagkus sa isang hotel pansamantalang tumuloy. Nalaman ng Don ang pagtira ni Vera sa hotel kaya kaagad niyang pinasundo ito. Parang preso na tinatanong ni Don Lucio si Vera. Sino ang ama nang batang iyan?" "Si Dane po sa maniwala kayo o hindi!" "Pero akala ko malusog ka lang paano mo naitago ang pagbubuntis mo sa amin?" "Oo, Buntis na po ako nang una ninyo pa lamang akong makita, nalaman ko po ito isang araw bago ako humarap sa anak ninyo. Inipit ko lang ang aking tiyan gamit ang binder para 'di ito mahalata habang lumalaki ang aking tiyan!" paliwanag na bigkas ni Vera sa don. "Ano ang sinabi mong ginawa mo sa apo ko? Inipit mo siya ng binder! Anong klase kang ina, buti at walang nangyari sa apo ko dahil baka hindi ka na nasikatan pa ng araw at ikaw ay ilalagay ko sa ataul kasama ng aking apo kung namatay ito. Pasalamat ka sa mga anito mo at nabuhay ang bata." Mahabang litanya ng ama ni Dane. "Alam kong marami kayong tanong at maaari pa kayong magdududa kaya nga po 'di ko muna ipinagtapat. Balak ko po talaga na pagkapanganak ko na lamang po sana sasabihin itong magandang balita bago dalhin ang bata sa inyo." Nakayuko si Vera pero ang mga ngiti niya ay parang nanalo na siya sa jackpot ng lotto. Nang malaman ni Dane ang tungkol sa bata ay hindi ito naniwala kaagad kaya pina DNA niya ito at nang lumabas ang resulta ng DNA, positive 99.9% anak nga niya ito. 'Di na siya nakatutol pa nang sabihin ng ama na kailangan na niyang magpakasal kay Vera para sa bata kahit 'di pa niya maalala ang lahat. Ikinasal sila ni Vera pero hindi inaasahan ng babae na magiging malamig pa rin si Dane sa kan'ya pagkatapos ng kasal. Naging mailap sa kan'ya lalo ang binata. Ni minsan man lamang ay hindi niya nahawakan sa kamay ang lalaki kaya nga inaliw niya ang sarili sa labas para sana pagselosin si Dane. Pero nagkamali siya dahil parang 'di sila nito mag kakilala sa loob ng bahay. Napamahal naman kay Dane at sa don ang bata. Binigyan niya ito ng pangalang Troy. Lumaki si Troy na mabait kabaligtaran nang ugali ng ama noong maliit pa pero katulad ng ibang mga bata napakalikot nito na siya namang kinakainis ng ina. Pagkaraan ng limang taon, 'Di pa rin bumabalik ang alaala ni Dane pero kailangan siyang bumalik dito sa Pilipinas. "Kailangan nating umuwi ng Pilipinas. May sakit ang tao na siyang iniwanan ko ng aking kumpanya." Sabi ni Dane sa asawang si Vera na hindi makatutol. Bumalik sila ng Pilipinas, si Dane at asawa niyang si Vera dala ang anak nilang si troy. 'Di maikakaila na namana ng bata ang kaguwapuhan at tangkad ng ama. "Puwede ba Vera, ngayon na nandito na tayo sa Pilipinas sana iwas- iwasan mo na ang 'yong pagpunta kung saan- saan at saka asikasuhin mo na lamang ang anak mo!"galit na bigkas ng asawang si Dane. "My dear husband, ano ba ang ginagawa ng mga yaya niya. Sila ay binabayaran mong lahat para alagaan ang anak mo kaya 'di na kailangang na ako ang mag asikaso sa kan'ya!" Galit at saka pabalibag naman na pumanhik si Dane sa kuwarto "Kung hindi lamang kay Troy matagal na tayong hiwalay, walang kuwentang babae!" Palagi silang nag aaway ni Vera dahil mas gusto pa ng babae na nasa labas siya kasama ng mga kaibigan kaysa ang manatili sa loob ng mans'yon at alagaan ang anak. Si Vera ay anak ng kan'yang ina sa British na amo pero may asawa ito kaya hindi nito nagawa na pakasalan ang ina. Umuwi sila ng Pilipinas dahil na rin sa tunay na asawa ng briton. Dahil sa hirap nang buhay, ang kan'yang Nanay Gilda ay nag-kasakit at ito ay namatay. Wala silang kamag-anak at bata pa siya kaya kinuha siya ng mga taga DSWD at dinala sa isang orphanage. Ang ama niyang briton ay hindi na nagka-anak sa tunay niyang asawa kaya pinahanap niya sa embassy ng Pilipinas ang mag-ina pero huli na ang lahat dahil patay na ang ina ni Vera. Limang taon ang inabot bago siya nakuha ng british na ama at nadala sa London. Hiwalay na ang ama sa asawa nito kaya ang laki nang hinayang ni Vera. Maaring naging spoiled si Vera sa ama at ito ay naging arogante pero sa tuwing naaalala ang ina ay bigla itong tatahimik. "Ano ka ba naman Vera, narito tayo sa bar upang mag-saya pero bakit gan'yan ang 'yong pagmumukha?" saad nang kausap ni Vera na lalaki. "Huwag ninyo akong pansinin, medyo malungkot lamang ako ngayon." Ani Vera "Huwag ka nang malungkot at ikaw ay ngingiti rin mamaya lamang sa kaligayahan!" "Sinabi mo 'yan kaya dapat na 'yong totohanin!" sambit ni Vera na ngayon ay kinikilig pa. Tumuloy si Vera sa condo ng lalaki. Ilang araw siya nasa piling nito at hindi niya man lamang naisip ang anak dahil alam niya na hindi ito pababayaan ni Dane. Sa isang banda ay tahimik at parang hindi alintana nila Dane at Troy na 'di pa umuuwi si Vera. Mas gusto pa nila ito dahil tahimik ang buhay nila. Sabado kaya naisip ni Dane na ipasyal ang anak sa may Enchanted Kingdom. Malapit na sila at kita ni Dane ang tuwangtuwa na mga ngiti ng anak. "Papa, ikaw ba ay nakapunta na rito sa Enchanted Kingdom?" "Hindi ko alam anak, bakit mo ba naitanong sa akin 'yan?" "Wala po naman, kasi kanina pa kayo na parang balisa at may iniisip!" sagot nito kay Dane. Talagang malalim ang iniisip ni Dane dahil para ba siyang nagawi na sa lugar na ito kahit na sa palagay niya ay unang punta nila rito. "Papa, sakay tayo roon. Gusto ko sa rides na 'yon!" yaya nito kay Dane na hila hila. "Anak, teka at dahan-dahan baka ikaw ay madapa. Lahat ay atin ding susubukan kaya 'wag ka magmadali!" banggit niya kay Troy na parang inip na talaga na makasakay sa mga rides na nakita. Parang may bigla na pumasok sa isipan ni Dane. May isang babae na pilit siyang dinadala sa isa sa mga rides pero bigla ring nawala ito. Hindi niya maaninag kung sino ang babae pero malinaw na siya ang lalaki at parang kay saya niya habang hawak ang babae. "Papa, ano ang nangyayari sa yo', bakit nakatulala ka riyan?" "Hah! May sinasabi ka ba sa akin, anak?" tanong ni Dane na nabigla sa pagyugyog sa kan'ya ni Troy. "Wala po papa, upo ka muna rito kasi para po kayong hindi okay." Nag-aalalang saad sa ama. "Sige anak, medyo mainit kasi kaya siguro sumama ang pakiramdam ko. Pahinga lamang ako sandali tapos saka tayo maglilibot na muli." Buti na lamang at may anak siyang mabait kahit alam niya na gusto na nito makasakay sa mga nakitang rides ay siya pa rin ang inuuna nito. Aakalain mo na matanda na ito pero nasa apat na taon pa lamang ito. Talagang mana nga sa kan'ya ang anak. Maya maya ay nag-umpisa na muli silang naglibot. Marami silang mga rides na sinakyan at 'di mapigilan ang hiyaw ng anak sa tuwa. "Hindi ka pa ba nagugutom, anak?" tanong nito kay Troy. "Sige po papa, kain na po muna tayo. Gusto ko po sana ng fried chicken at spaghetti!" Pumunta sila sa isang kainan at umorder si Dane nang bigla na naman na may nakita siya pero hindi malinaw kaya nga lamang sumakit ang ulo niya. "Papa, papa! masama na naman ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Troy habang nakatingin ito sa kan'ya na nag aalala pa rin. "Wala ito anak, kumain ka na lamang diyan at mayroon lamang tatawagan si Papa!" Tumawag si Dane ng isang tao para magmamaneho sa kanila pauwi. Ayaw niyang mayroon na mangyari sa kanila ni Troy kaya hinintay nila ang kausap niyang dumating. Gusto lamang sana niya ang mapasaya ang anak pero sa ngayon ang kaligtasan nila ang mahalaga. Magaling na siya at matagal na hindi siya nakaramdam ng mga senyales na ganito. 'Pag balik nila ay magpapatingin siyang muli sa doktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD