Nang maka-graduate si Lenna sa kurso na Psychology ay nagpatuloy siya nang pag-aaral ng medisina at ngayon nga ay ganap na itong doktor. Ngayon ay natanggap siya bilang residente sa isang ospital sa Manila. 'Di naman mahirap ang naging tungkulin niya dahil sa ngayon ay nasa Out Patient siya nakatalaga. 'Di pa rin siya nakakalimot na pumunta ng presinto at halos lahat doon kilala na siya. Wala pa ring balita kung nasaan na ang mahal niyang anak. Si Albie at ang girlfriend nito na si Emma ay ikinasal na muli, kasal na sila sa huwes noon pero ginusto pa rin ni Albie na mabigyan si Emma nang pinapangarap na kasal ng bawat babae, ang makasal sa simbahan. Ngayon ay kasalukuyang nasa Canada sila Albie at Emma pinadala ang kapatid doon dahil may bagong project ang kumpanya. 'Di sumama si L

