Nang hapon na 'yon tumawag muli ang kapatid kong si Albie tinatanong kung dumating na 'yong pina-deliver niya, sabi ko wala pa baka bukas pa 'yon dumating. Taon-taon kasi nag-tatago kami ng regalo para sa anak ko para kapag dumating ang araw na mahanap namin siya ibibigay namin 'yon sa kan'ya nang malaman niya na hindi namin siya kinalimutan kahit minsan. Tinapos ko na ang pag-uusap namin dahil si Doktor Lim na naman ang naging usapan namin at paulit- ulit kong sinasabing kaibigan ko lang siya. Natutunan nga ba ang puso magmahal nang iba kung ito ay tumitibok pa rin sa isang tao na kahit matagal nang wala ay 'di nawala sa isip at puso? Buong maghapon na wala akong ginawa kun'di matulog, manood ng telebisyon at ang kumain. Kailangang ko nang lakas dahil bukas papasok na ako at tiyak

