"Bakit masama ba? Hindi pa naman kayo kasal. Kung gusto niya ako, bakit hindi puwede?" sagot niya na para akong niloloko. "Hindi ka ba nahihiya sa 'yong sarili? Nurse ka, may natapos na puwede pagmalaki sa kahit sinong lalaki, bakit mo pinababa ang sarili mo nang ganito!" pilit kong inilalagay sa kokote niya ang realidad. "Pinababa? Sa pag-ibig walang mataas at mababa. Lahat tayo ay pantay-pantay at kahit ikaw ay walang magagawa kung pinili ako ni Dane!" sagot ni Lydia sa akin na pabalang at walang bahid nang respeto. "Pinili ka nga ba niya? Magsalita ka at sabihin mo sa akin, saka ako tatahimik!" sigaw ko na parang siya ay hinahamon. Tumingin siya sa akin at bigla siya natahimik dahil alam ko na hindi siya ang pinili ni Dane na makasama kun'di ako. "Bakit ngayon ay natahimik ka? Dah

