"Heh, lumayo ka nga sa akin. Nasa harap tayo nang anak mo!" pairap kong sabi kay Dane pero hindi pa rin ito tumitigil sa kalandian niya. Nanonood kami sa salang tatlo, nakahiga si Altroy sa hita ko at ako naman ay nasa harap ni Dane. Nagyaya kasi si Altroy na manood kami ng pelikula. Hinayaan ko na siya ang mamili ng aming panonoorin. Ang napili niya ay Shrek kaya medyo nakita ko ang paghikab ni Dane na nasa likod ko at nakayakap sa akin. "Dane matulog ka na kaya at ako na lang ang sasama sa anak mong manood. Bukas hindi ko na siya masamahan na manood dahil may pasok na ako." "Hay, kung ako nga lamang ang masusunod 'di na kita papayagan na pumasok pa. Pati ang kasal natin 'di na natin naasikaso," "Oo nga pala, 'di ko na tinuloy ang pagpunta kay Mina dahil naisip ko na imbitahan na

