Pinatawag si Dane ni Lt. Col. Arthur Gonzaga para siya ay ipakilala sa mga mayor na kanilang kinausap at hiningan nang kooperasyon. Pagdating sa municipyo ay kaagad siyang pinakilala ng hepe sa mga mayor na naroon at ito pala ay inimbitahan ng hepe ng Makati at hepe ng San Carlos police. "Mga sir, ito po si Mr. Garcia na asawa ng nakidnap. Siya po ay sumama sa amin para hanapin ang asawa niya." Ani hepe sa mga mayor na nasa harap ni Dane. "Mr. Garcia, pinakikilala ko sa 'yo si Mayor Olimpo ng Dagupan , si Mayor Sanchez ng Urdaneta kasama si Mayor Urpano ng San Carlos. Sila lahat ay tutulong para kausapin ang mga kapitan sa mga barangay nila," magalang na banggit ng hepe kay Dane. "Salamat po sa inyong tulong at aking tatanawin itong malaking utang na loob. Asahan ninyo na pagkatapos

