Dumating siya sa mansyon at ang naratnan niya ang nobya at si Albie na nakipaglaro na sa anak niyang si Altroy. Yumakap at humalik siya kay Lenna at pagkatapos ay sa anak. Saka binalingan niya naman pagkatapos si Albie at tinapik sa balikat. "Kumain na ba kayong lahat?" ang tanong nito na parang naghihintay na siya ay pansinin ni Lenna. "Hindi pa kuya, hinihintay ka namin. Ayaw pa kasi ni Ate Lenna na hindi ka kasabay kumain." "Saan ka ba nagpunta, ha?" ang sambit ni Lenna sa nobyo na siya naman nitong kinalingon. "Wala may inasikaso lamang ako sa opisina." Kumain na silang lima nang tahimik. Si Dane ay manaka-naka naman na tumitingin sa nobya at anak. Dalangin niya sana ay maging maligaya na sila ni Lenna at wala na sana pa ang sa kanila ay gumambala sa habang panahon. Naalala ni

