Hindi pa rin maalis ang pag aalala ni Dane sa babae na kan'yang minamahal. Sa gabi ay binabantayan niya ito bago siya matulog. Alam ni Lenna ang sakripisyo ng nobyo kaya naisip niya na baka nga na kailangan niya nang bumalik sa kan'yang trabaho. Ilang buwan na rin siyang 'di pumapasok sa paghahanda sa kasal niya at pagkatapos ay nakidnap pa siya kaya bumagsak siya sa ospital. Siguro kung babalik na siya sa trabaho ay baka magbalik sa normal ang lahat. Ang isip niya ay tiyak na mapapagod sa maghapon niyang panggagamot. Kinabukasan, sinabi niya ang plano niya kay Dane. Tutol man si Dane ay naisip din niya na baka ito nga ang solusiyon. Pumunta si Lenna kay Dr. Lagman at sinabi niya ritong gusto na niyang bumalik bilang doktor sa ospital na 'yon. "Alam ko po na pinag-paalam ako ni Dan

