Sinundan ni Dane si Lenna ngayon ay sakay ng isang taxi. Gusto niyang malaman kung kanino makikipagkita ang asawa. Nakarating na ang taxi nakita niya itong pumara sa STM mall malapit sa Pasay. Pumasok siya ng mall at huminto sa harap ng isang ATM machine. Nakita rin ni Dane na parang nag-withdraw ito ng pera at marami ito hindi lamang isa, dalawa o tatlong beses ito na kumuha ng pera. Binigyan niya ng card si Lenna pero wala pa siyang nakuhang mensahe galing sa banko kaya alam niya na sariling pera ni Lenna ang kinuha nito. Pagkatapos na makakuha ng pera si Lenna, nagmamadali na siya na pumasok sa isang restoran. Nakita nitong pumunta siya sa mesa sa may dulo at binati ang isang lalaki na nakaupo roon. Umupo na si Lenna at narinig ni Dane ang sinabi ng babae. Si Dane ay pumunta sa li

