Natawa si Lenna sa sinabi ni Dane sa kan'ya. Hindi akalain na mapaniwala ang asawa sa kan'yang akting. "Paniwala ka, ano? Ang husay talaga na artista ng asawa mo!" sabi ni Lenna na masaya sa biro niya kay Dane. "Anong artista ang sinasabi mo sa akin?" nagtataka siya na tanong kay Lenna. "Nagbibiro lamang kasi ako at hindi ko talaga babawiin ang card mo kay Leon. Alam ko na masaya na 'yong tao sa mga bigay mo, ay 'di pala sa bigay natin!" wika nito na napangiti sa asawang si Dane. Inakbayan pa ni Dane ang asawa at pinagbuksan ito ng pinto ng sasakyan saka siya sumakay na rin. Kumain muna sila at dumaan sa isang parke. Nakaupo sila nang pinatong ni Dane ang ulo niya sa balikat ni Lenna at saka hinalikan siya sa buhok. Nang ito ay bumaling sa likod ng tainga ni Lenna ay parang inamoy ito

