Marami ang mga sugatan na pulis at sundalo, lumaban ang mga kaalyado ni Henry nang husto at 'di sila basta sumuko nang ganoon lamang. Matapos ang mahabang oras nang putukan, ang naghari ay katahimikan na lamang at marami sa kanila ang mga nakabulagta at ilan naman ay hindi na gumalaw dahil hawak na ng mga pulis. Ang iba ay nasa labas na at sila ay sinasakay na sa mga ambulans'ya. Nahuli na si Henry at binasa na sa kan' ya ang Miranda's rights ng pulis na may hawak ngayon dito. Hindi umiimik ang lalaki at mataas ang noo pa siyang naglakad palabas sa kuta nila na para itong inosente. Sa presinto kung saan siya dinala ay nagkagulo ang mga preso dahil nakilala siya roon. Para siyang artista na kaagad binigyan nang lugar ng mga kasamahan niyang presonero. Bago pa si Henry ay dalhin sa loob

