bc

TRIANGULO (FILIPINO / TAGALOG)

book_age18+
629
FOLLOW
1.8K
READ
love-triangle
body exchange
goodgirl
tomboy
twisted
lighthearted
straight
secrets
self discover
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Gustong kalimutan ni DM ang kaniyang masamang karanasan sa taong umampon sa kanya. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon na makatakas ay ginawa niya. Nagpakalayo-layo siya at suwerteng napunta siya sa poder ng kanyang Fairy Sweet Mother na si Mama Sweet.

Kasabay sa paglimot ng kanyang nakaraan ay ang pagharap naman sa bagong buhay.

Hindi siya nakatuntong ng kolehiyo kaya kailangan niya pag-tyagaan ang ano mang trabaho na maibibigay sa kanya ng pagkakataon. Hindi na siya nag-atubiling pumasok bilang katulong para na rin sa pagbabagong buhay na nais niya nang mairekomenda siya ng kanyang Mama Sweet sa regular customer nito sa salon. 

Si Rint, guwapong arkitekto na may magandang katawan. Ngunit sa likod ng kanyang kagwapohan ay ang tinatagong nakaraan na gusto niya kalimutan.

Si Reymark, masayahin na anak at kapatid. Ngunit ang kaniyang ngiti ay isa lamang palabas dahil sa sikreto na tinatago niya sa kaniyang pamilya.

Si Red Jim, nang dahil sa isang trahedya ay napilitan ang kaniyang pamilya na lumipat sa ibang lugar para makalimutan niya ang kaniyang nakakatakot na karansan.

Apat na tao na may magkakaibang personalidad at paniniwala. Apat na tao na may malungkot at masakit na nakaraan. Pagtatagpuin ng pagkakataon. Pagtatagpuin sa magulong sitwasiyon.

Ano ang mangyayari kung magsama ang apat na nilalang na ito sa iisang bahay? Matutunan kaya nila na kalimutan ang kanilang masalimuot na nakaraan sa tulong ng bawat isa? O baka mas lalo lang lumala at gumulo sa pag-iibigan na uusbong sa loob ng bahay. Naku, tiyak na magulong trianGULO ito!

chap-preview
Free preview
ONE ❤️
- RINT - Nagising ako sa maingay na tunog na nagmumula sa cellphone ko. Pikit-matang inabot ko ito mula sa side table ng kama ko. I answered the call without looking at the screen to know who it was. "Hmmm." "Hijo, where are you?" Napadilat ang kanang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. "I'm home." "Good. I'm on my way. Wait for me." "Ma, I have an appointment later. Can you re-sched your visit today?" "Appointment? It's Sunday, hijo, and I know that today is your off. Don't you want to see your lovely mother?" Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ni mama. "Okay. If you wish. But, Ma, be prepare because it's super messy here." "Oh yes. I know and I'm always prepare. That's also the reason why I'm going there." And I finally opened both of my eyes when I heard the reason why she wants to be in my house. Ipaglilinis siguro ako ng bahay ni mama. "Okay. Walang sisihan ah. See you later." "I love you, anak." "I love you too, Ma." Nilapag ko muli sa side table ang cellphone ko after namin mag-usap. Kailangan ko na talaga bumangon at parating na pala ang mahal na reyna. Dumeretso agad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Tumingin ako sa mesa kung may natira pa akong pagkain kagabi. Mayroon pa naman carbonara na binili ko sa restaurant. Wala na kasi ako time magluto ng pagkain kaya usually ay kumakain ako sa fast food or restaurant bago umuwi. Nagtimpla na rin ako ng kape. After ko mag-breakfast ay muli akong bumalik sa kuwarto para kumuha ng towel. Maliligo na ako at sobrang maalinsangan sa pakiramdam. Hindi ko na nagawang mag-half bath kagabi dahil na rin sa sobrang pagod mula sa trabaho. Saktong katatapos ko lang maligo nang marinig ko ang doorbell. Nasa labas na ang mahal na reyna. Hindi na ako nag-abalang kumuha pa ng damit. Nakatapis lang ako ng towel sa ibabang bahagi ng katawan ko at tuluyan ko ng binuksan ang pintuan. "Oh, hijo, it's nice to see you!" hyper na bati ni mama sa akin. "Same here, Mama. How are you?" Napatingin ako sa likod niya. May kasama pala siyang dumating. "I'm fine. Very fine. I just miss my son." Pumasok na siya sa loob samantalang ang kasama niya ay nanatiling nakatayo sa labas. "Ma, kasama niyo ba iyon?" Tukoy ko sa binatang nasa labas pa rin hanggang ngayon. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil hindi ito nakaharap sa akin. "Oh yes. He's with me. Pasok ka, hijo." Tukoy niya sa kasama niya. Tuluyan ko nang nakita ang mukha ng binata. Nagkatinginan kami saglit. Tila balisang-balisa siya sa kilos niya. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin. "Ma, nag-break na ba kayo ni Tito John?" pabulong kong tanong. Nagpaikot-ikot muna si mama sa bahay ko. Samantalang ang binata na kasama niya ay pinaupo ko na. "Cool off kami." "Kaya ba nagdala kayo ng bago niyong boyfriend dito? Iyan ba ang rason kaya kayo nandito?" Napalingon sa akin si mama after namin mag-stop over sa kusina. Bahagya itong natawa bago nagsalita. "He's not my boyfriend, hijo. Hindi naman ako child abuse 'no. He may be look young but he's already 20. Baby face lang talaga kaya mapagkakamalan mong totoy. Don't you worry, hindi ako maghahanap ng mas bata pa sa 20." Napailing na lang ako sa sinabi ni mama. Ang tinutukoy kong Tito John ay ang kanyang boyfriend. Dad passed away five years ago. Tito John is the new lovelife of my mother. Pinakilala niya sa amin ang bf niya last year. Okay naman si Tito John. Mabait. Kasundo ko naman just like my father. But of course, they are still different. Wala pa rin syempre makakapalit sa father ko. Nag-iisa lang siya sa mundo. "Then why he's with you if he's not your new boyfriend?" "He will be your personal assistant,'' diretsahang sagot ni mama. Muntik ng malaglag ang towel na nakapalibot sa baywang ko nang marinig ko ang sinabi niya. "What?!" "Don't raise your voice, Rint!" Napahilamos ako sa mukha nang marinig ang totoong dahilan ng pagsugod niya sa bahay ko. "Ma, I can take care of myself." Inikot niya ang tingin sa kabuuan ng kusina ko. Yes I know, sobrang makalat sa pamamahay ko ngayon. Wala lang talaga ako time para makapaglinis. "Of course you do! Matanda ka na. You're already 25 and you can take care of yourself. DM will be your personal assistant. He will do the house chores. He will do the laundry, the cooking, cleaning this mess kitchen, your garden. He will take care of your house." "Hindi ko kailangan ng katulong, Ma." Matagal na niya ini-inssist na bigyan akong muli ng katulong para may mag-asikaso rito sa bahay. Ako lang talaga ang may ayaw dahil hindi ako komportable na may kasama sa bahay. Matagal na panahon na rin akong namumuhay mag-isa. Paminsan-minsan ay bumibisita naman ako sa bahay nila mama. Minsan ay sila naman ang papasyal dito para manggulo at pansinin lahat ng ginagawa ko. "Kailangan ng bahay mo ang kaayusan. Hindi ito bodega or tapunan ng basura. Bahay ito. At itong bahay mo ay kailangan ng general cleaning dahil para na naman itong tambakan ng basura. Tinuruan ko kayong magkakapatid na maging malinis sa bahay." "Ma, alam niyo naman na wala akong oras para pag-aksayahan ang paglilinis ng bahay." "Kaya nga nandito ako. Kaya nga nandito si DM. Para pagsilbihan ka. Pagsilbihan itong bahay mo. At para matigil na rin ang kakakain mo sa mga fast food at mga instant food na iyan. Hindi healthy iyon, anak. Maipagluluto ka ni DM. Marunong iyon." Napasilip ako sa living room. Nagulat ako nang malaman na nagsisimula na siya ─ nagsisimula na siya maghasik ng kaguluhan dito sa pamamahay ko. "What his name again?" I asked her while still looking that petite guy. I can't believe that there's such guy who could do the house chores, most especially cooking. I admit, I'm not really good in kitchen kaya madalas talaga ako kumain sa labas. Mag-iisang taon na yata ang LPG ko sa sobrang bihira na gamitin. Sila mama lang ang kumukonsumo kapag bumibisita rito para ipagluto ako. "DM." "DM? Meaning of DM?" Nakatingin pa rin ako sa binatilyong iyon. Hindi nga halata na 20 na siya. Puwede pa siyang mapagkamalan na 16 dahil na rin sa sobrang payat. Moreno ang kulay niya. Hindi siya matangkad at hindi rin naman maliit. Siguro nasa 5'3 or 5'4 lang siya kumpara naman sa height kong 6'1. "Ikaw na bahala mag-interview sa kaniya. Hindi ko na natanong kung ano ang meaning ng DM niya eh." "Saan niyo naman siya napulot?" "Hindi ko siya napulot. Recommended siya ng kaibigan ko. Kailangan din talaga ng trabaho ng batang iyan. Plano yata mag-ipon para sa pag-aaral niya." "Okay." "What do you mean okay? Okay na siya sa'yo?" "Obserbahan ko muna siya. Kapag hindi ko nagustuhan ang performance niya, ididispatsa ko siya." "Yes! Nakinig din sa akin ang pinakamabait kong anak." Lumapit sa akin si mama at hinalikan ako sa pisngi. "Ma, tigilan niyo nga iyan. Nakakahiya." Napansin kong nakatingin na sa amin si DM. Agad niyang binawi ang tingin at sinimulan ulit ang pagbabawas ng basura sa bahay ko. "Oh bueno. Maiwan ko na kayong dalawa. Ako'y aalis na. May aasikasuhin pa ako eh.Ikaw na bahala kay DM ah. Huwag mong pababayaan iyang bata na iyan. Ikaw ang magpapasahod diyan ah." Lumakad na si mama papunta sa living room. "Kita mo iyan. Dagdag gastos pa iyan, Ma eh." Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Si mama talaga oh. "Ano, anak, may kuto ka na ba? Papaliguan ka na rin ba ni DM?" Hindi pa man ako nakakasagot sa pagbibiro ni mama ay nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari. Sabay kaming napalingon ni mama sa sahig. Nagkalat ang babasagin na figurine. "So ─ sorry po. Sorry po. Hi ─ hindi ko po sinasadya.." Sumulyap ako kay mama. Nagkatinginan kaming dalawa. Binigyan ko siya ng tinging ARE-YOU-VERY-SURE-ABOUT-THIS-MA?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.8K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook