Chapter 11: Win Back

3261 Words
“KUNG may nasabi man akong hindi mo nagustuhan, I’m sorry. Patawarin mo na ako.” Humigpit ang pagkakahawak ni Zigfreid sa kamay niya. “Kung tungkol kay Ruth... hindi mo siya kailangang pagselosan. May asawa na siya, Mary. And she's bearing her husband's child. I-iyong nakita mo... wala lang 'yon. I was just helping her tie the knot of her shoes.” Nag-iwas ng tingin si Mary Ann. She refuses to stare at the intense longing evident in his eyes. Hindi niya kasi sigurado kung tunay iyon o iyon lang ang hinahangad niyang makita. “Wala ka man lang bang sasabihin? Magsalita ka naman, oh,” natutulirong pagmamakaawa pa nito. Buntis din ako, Zig. I'm now bearing our child, gusto niya sanang sabihin pero pinigilan niya ang sarili. Kung kanina ay excited siyang ibahagi kay Zigfreid ang magandang balitang natanggap, matapos ang mga narinig ay nawalan na siya ng gana. “Aba, hija! May tagos ka!” Huminto siya sa paghakbang at nagtatakang nilingon ang ginang. “Ano hong tagos? Eh, wala naman akong---” Wala pa siyang buwanang dalaw. Kailan nga ba siya huling dinatnan? Two months ago? Ilang sandaling napaisip siya bago pinagpawisan nang malamig. Hindi naman ako nade-delay, ah? Hindi kaya... buntis ako? Agad siyang kumonsulta sa pinakamalapit na obstetrician, hindi lamang para matiyak ang hinala kundi upang malaman ang dahilan ng pagdurugo niya. Natakot siyang baka may masamang nangyari sa bata sakali ngang nagdadalang-tao siya. Mabuti na lang at good news ang sinabi ng doktora. Kinumpirma nitong buntis nga siya, at wala naman daw dapat ikabahala sa bahagyang pagdurugo na bunga lang ng mga pagbabagong nagaganap sa loob ng katawan niya. Pagkagaling sa clinic ay wala siyang inaksayang oras at agad na sinadya si Zigfreid sa bahay nito. Bagama't hindi pa sila nagkakaayos, hindi maaaring ilihim niya rito ang kalagayan niya. Gusto niyang ito ang unang makaalam. Siguradong gaya niya ay ikatutuwa rin nito nang sobra ang blessing na natanggap nila. Magkakaayos sila nang 'di oras. “Oh, hi, hija! Nandito ka rin,” bati ni Tita Marissa na agad na yumakap sa kaniya nang magkasalubong sila sa may pinto. Hindi yata ito aware na kasalukuyan silang magkaaway ng anak nito. “Opo, Tita. Bakit, may iba po bang bisita si Zig?” tanong niya nang maghiwalay sila. “Sino pa, eh 'di si James,” pakibit-balikat na tugon nito. “O siya, I have to go, hija. Zig's in his room. Puntahan mo na lang ha?” Saka lang niya napansing bihis na bihis nga ito. “Okay, Tita. Ingat po sa lakad n'yo.” Nagpalitan sila ng ngiti bago ito tuluyang umalis. Nang mawala ito sa paningin niya ay sinadya na niya si Zigfreid sa kuwarto nito. Hindi nakasara ang pinto roon kaya hindi na siya kumatok bago pumasok. Pero nasa bungad pa lang siya ay rinig na rinig na niya ang boses ni James. "Kinukulit ako ni Thea na kumustahin ka tungkol sa inyo ni Mary. It's been three weeks since your cool-off, yet hindi pa rin kayo nagkakaayos. My wife's worried to death about her cousin. Ano nga bang plano mo?" "Ang totoo Pare, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Mary. Apat na taon na ang relasyon namin, pero pakiramdam ko, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakukuha nang buo ang tiwala niya. Hindi pa rin siya naniniwalang talagang mahal ko siya." Naghalo ang guilt at pagkahabag sa kalooban ni Mary Ann dulot ng narinig na hinaing ni Zigfreid. Hindi niya masisisi ang lalaki kung ganoon ang nararamdaman nito dahil aminado siyang may malaking pagkukulang. Dapat sana ay ipinadama niya ritong wala na itong kailangan pang patunayan sa kaniya, ngunit kabaliktaran ang ginawa niya. Sa kabila ng lahat ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Buo ang loob niyang hindi siya makakayang tuluyang tikisin ng minamahal. Marahil ay nabigla lang ito sa init ng huling pagdidiskusyon nila kaya hindi nagawang umangal nang makipaghiwalay siya. Umaasa siyang kapag humingi siya nang tawad ay muli pang tatanggapin nito lalo na ngayong magkakaanak sila, pero sa takbo ng pananalita nito ay mukhang umaasa siya sa wala. "So you mean, pababayaan mo na lang? Talagang hindi ka na makikipagbalikan sa kaniya?" "Siguro nga, 'yon ang mas makabubuti para sa amin. Isa pa, siya rin naman ang may gusto nito, hindi ba? Ni hindi nga niya 'ko kino-contact. Kung talagang ayaw na niya sa 'kin, wala na rin namang mangyayari kahit habulin ko pa siya." Hindi man lang niya nahimigan ng kahit na kaunting sakit ang boses ni Zigfreid. Bakit ganoon? Sa pagkakaalam niya, kapag nagmamahal nang lubos ang isang tao ay magiging napakahirap at napakasakit para dito ang magpalaya. Pero bakit parang napakadali naman kay Zigfreid na ikonsiderang pabayaan na lamang siya? Siguro, nagpapakatotoo lang ito sa sarili. Talagang pagod at sawa na ito sa kaniya, taliwas sa pinilit niyang paniwalaan na nabigla lang ito sa pagtatalo nila. Marahil, nalamangan na ng kapagurang iyon ang pag-ibig na mayroon ito para sa kaniya, kaya nasasabi nitong mas makabubuting hindi na sila magkabalikan pa. Hindi na niya tinapos ang pakikinig sa usapan ng dalawa. Hindi na rin siya nagtagal pa sa lugar na iyon. Para saan pa, gayong hindi na naman kailangang makarating pa kay Zigfreid ang balitang dala-dala niya? “Pinagbigyan na kitang makipag-usap, Zig. Pinakinggan ko ang lahat ng gusto mong sabihin. Pero hindi pa rin nagbabago ang isip ko. A-ayoko pa ring ituloy ang kasal.” Saglit niyang tinigilan ang pagsasalita dahil halos manginig ang kaniyang labi. “Gusto ko nang magpahinga. Ngayon, ako naman ang pagbigyan mo.” Wala nang nagawa si Zigfreid kundi paraanin siya. “WHAT is it that you want us to talk about, Mary? Hindi ko inasahang tatawag ka, to be honest,” walang patumpik-tumpik na tanong ng nangingiting si Geoff matapos itong humigop ng kape. Sa isang coffee shop nito napiling makipagkita nang sabihin niyang may nais siyang pag-usapan nila. Gusto nga sana niyang tumanggi at i-suggest na sa ibang lugar na lang sila mag-meet, kaso ay naisip niyang baka magtanong pa ito at humaba pa ang usapan. Ayaw rin niyang makahalata pa ito sa kondisyon niya at ito pa ang unang makadiskubre. Hindi nagtapos sa pag-alis niya sa Zambales ang ugnayan nila ni Geoff. Ini-add kasi siya nito sa f*******: at dahil kaibigan ito ni Zigfreid ay naisip niyang i-accept ito. Mabait ang lalaki, may sense kausap at tulad noong unang pagkikita nila ay maraming ikinukuwento tungkol kay Zigfreid sa iilang pagkakataong nakakadaupang-palad niya ito. Madali itong makapalagayan ng loob, kaya sa pagtagal ay itinuring na rin niya itong malapit na kaibigan. Nitong nakaraang buwan ay nag-alok si Geoff na i-resell ang mga paninda niyang kakanin sa delicacy shop na minana pa sa Lola niya kaya napapadalas ang pagkikita nila. Iyon marahil ang pinagbabasehan ng mga kaibigan niyang nag-iisip na may kung anong namamagitan sa kanila ng lalaki. Tinantiya muna niya ang mood ng binata bago ibuka ang bibig para diretsahin ito. “Aware ka namang nilalagyan ng malisya ng mga kakilala natin ‘yung pagpo-post mo ng pictures natin na magkasama sa social media, ‘di ba? Pero bakit mo pa rin ginagawa?” Kumunot ang noo nito, halatang nagulat sa sinabi niya. “Those are photos with my friend, at nagandahan ako. Anong masama?” “Ayokong pag-isipan ako nang mali ng iba. Ayokong... ” Ayokong isipin ni Zig na ganoon kadali ko siyang maipagpapalit. “Ayaw mong isipin nilang nililigawan kita?” pagpapatuloy ni Geoff sa naputol na pangungusap niya. “I hope not. Kasi sa totoo lang, talagang gusto kong gawin 'yon... especially now that you and Zig are over. I may appear to be an opportunist, pero ayoko lang talagang sayangin ang chance na 'to.” Bahagya niyang ikinagulat ang pagtatapat nito. Palagi naman kasing tungkol sa negosyo o kay Zigfreid ang topic nila sa tuwing nagkakausap, at ni minsan ay hindi ito tuwirang nagpahayag ng paghanga sa kaniya. Hindi rin siya nag-assume na may gusto ito sa kaniya dahil mula nang magkanobyo ay hindi na niya nilalagyan ng malisya ang kaugnayan niya sa ibang lalaki. Ngunit sa kabila ng pagkabigla ay nanindigan pa rin siya. “Wala na nga kami ni Zig, pero hindi ibig sabihin no’n na ibibigay ko pa ang puso ko sa iba.” Nakita niya ang pagdaan ng sakit at pagkabigla sa mga mata ni Geoff kaya namasa ang mga mata niya. “I'm so sorry, Geoff. Dapat siguro nung una pa lang, hindi ko na tinanggap ang pakikipagkaibigan mo. Para sa gano'n, hindi kita napaasa. Dahil wala akong chance na maibibigay sa 'yo.” “B-baka puwedeng huwag ka munang magsalita nang tapos. Look, I’m willing to wait for you.” Puno ng pag-asam ang tinig ni Geoff. “Before, my life only revolves around the farm, around our family business. Pero mula nang nakilala kita, as corny as it may seem, na-love at first sight ako sa iyo. Mahirap sigurong paniwalaan lalo't hindi naman tayo laging nagkikita, pero Mary... ikaw ang gumising sa puso ko para magmahal. Ikaw ang nagturo sa aking mangarap na makabuo ng sarili kong pamilya balang-araw. Ikaw lang, Mary.” Malinaw na naririnig ni Mary Ann ang lahat ng sinasabi ni Geoff ngunit hindi na iyon magawang iproseso pa ng utak niya. Gusto pa sana niyang sumagot at kahit paano ay i-comfort ito pero walang salitang pumapasok sa isip niya. Hindi na kasi siya mapakali dulot ng biglang paghilab ng kaniyang tiyan. Huwag ngayon, please. Napansin iyon ng lalaki at agad siyang kinumusta. “Are you okay? Meron bang masakit sa 'yo?” “H-huwag mo 'kong intindihin.” Pilit siyang ngumiti. “Magiging ayos din ako mayamaya.” Bagama't mukhang hindi pa rin napapalagay ay tumahimik na si Geoff. Akala niya ay hindi na ito mang-uusisa pa ngunit mayamaya lang ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kaharap na tasa ng kape, sa kinakain niyang cake, maging sa kamay niyang nakatago sa ilalim ng mesa at nakasuporta sa kaniyang tiyan. “Buntis ka?” Natigilan siya sa hindi makapaniwalang tanong nito at hindi nakaimik. Gustuhin mang magsalita ay hindi rin siya sigurado kung dapat bang umamin dito o hindi. “Buntis ka nga,” ulit nito sa mas sigurado at dismayadong tono. “Is that the reason kung bakit ka iniwan ni Zig---” “Hindi pa alam ni Zig ang tungkol dito,” maagap na pagputol niya sa sinasabi nito. “At isa pa, ako ang nakipaghiwalay sa kaniya kaya huwag mo siyang pag-isipan nang masama. Desisyon ko itong lahat.” Hindi inasahan ni Geoff ang pagtataas niya ng boses. Natameme ito ngunit nang tila makapag-isip-isip ay malungkot na napangiti. “Kung gano’n, kahit ano ngang pangungumbinsi ang gawin ko sa ‘yo ay imposible kong mapalitan si Zig sa buhay mo. I realized it from the way you tried to protect him.” Bagama’t bakas ang pagkabigo sa maamong mukha ay nangongonsolang hinawakan ng lalaki ang kamay niyang nakapatong sa mesa. “Dapat kang magsabi sa kaniya, Mary. Tell my friend just how lucky he was. I wish both of you well.” “Salamat, Geoff. Ipagdarasal kong mahanap mo agad ang babaeng nararapat para sa ‘yo.” Bahagya lamang itong tumango. “Ang mabuti pa, ihahatid na kita pauwi. Please don't say no, dahil huli na ito.” “A-ANONG ginagawa mo rito?” Nakahinga nang maluwag si Zigfreid nang sa wakas ay makauwi na si Mary Ann. Hindi na muna niya ininda ang pagkawala ng pamilyar na nagniningning na ngiting palaging sumasalubong sa kaniya sa tuwing nakikita siya ng babae. Mas importante sa kaniya ngayon na makausap niya ito nang masinsinan, dahil kung hindi ay hindi siya tuluyang mapakakalma. Kanina pa parang sinisilihan ang puwit niya mula nang mag-send si James ng isang litrato kung saan nakahawak si Geoff sa kamay ni Mary Ann. Malayo ang pagkakakuha niyon pero kilala niya ang mukha ng dalawa kaya't hindi siya maaaring magkamali. May caption pa ang picture na, “Mukhang nakabubuti nga kay Mary ang ‘di mo pakikipagbalikan, p’re.” na mas ikinataranta ng sistema niya. Agad niyang pinuntahan ang ipinadala ni James na location kung nasaan ang mga ito, ngunit nang makarating doon ay nag-aksaya lang siya ng oras dahil hindi na niya inabutan ang mga hinahanap. Sa huli ay nagpasya siyang hintayin na lamang na makauwi si Mary Ann. Mabuti at mayroon siyang duplicate key ng bahay nito kaya madali siyang nakapasok. “Sinong kasama mo? Si Geoff? Siya ba ang naghatid sa 'yo?” sa halip ay balik-tanong niya. Saglit itong natigilan bago nag-aalangang tumango. “Oo. May pinag-usapan lang kami tungkol sa... tungkol sa negosyo.” Hindi niya pinakinggan ang paliwanag nito. To hell with those excuses! Kahit anumang dahilan ang ibigay nito sa kaniya, hindi na niya makakayang tiising hayaan itong makipagkita nang madalas sa ibang lalaki maliban sa kaniya. Lalo na sa isang lalaking batid niyang may pagtatangi rito. Lalo na ngayong nasa bingit ng kamatayan ang relasyon nila. “Hindi ko alam kung bakit ayaw mo pang ituloy ang kasal natin. Hindi rin ako maniniwala kung sasabihin mo sa 'king dahil pa rin 'yon sa nagseselos ka kay Ruth. Pero kung anuman ang hindi natin pinagkakasunduan, hindi ako aalis dito hangga't hindi natin iyon naaayos,” dire-diretsong sabi niya, bawat pangungusap kasabay ng bawat isang hakbang palapit sa babae. “Don't do this to me, Mary. Please. Kung galit ka sa akin, sabihin mo kung bakit, para alam ko kung paano ko aayusin ang gulo. Okay lang din kung gusto mo akong sampalin o pagsalitaan nang masakit. Just please... please don't scare me like this.” Nang nasa mismong harapan na siya ni Mary Ann ay hinawakan niya nang ubod-higpit ang kaliwang kamay nito. He sighed before pulling out something from his jeans’ pocket. Ikinuyom niya ang kamay pagkatapos upang pansamantalang itago sa kaniyang palad ang bagay na iyon. “Sinabi mong pag-isipan ko kung ang isang babaeng tulad mo talaga ang gusto kong pakasalan. Ginawa ko na iyon, Mary. At sa totoo lang, may mga nahanap akong rason para hindi ka na ipaglaban. Para pumayag sa gusto mong huwag nang magpakasal.” Pigil-hiningang umiwas ng tingin at tumingala ang babae. Ganoon ito sa tuwing nagpipigil ng pagtulo ng luha. “But you know what's funny?” he continued. “Just when I thought I can still live without you... noong naisip kong ipaubaya ka na lang sa iba, nakarating sa akin ang balita tungkol kay Geoff. Napatunayan kong merong mga lalaking tulad niya na handang samantalahin ang pagkakataong walang nakaharang sa landas nila papunta sa 'yo. Na kung gugustuhin mo, hindi magiging mahirap para sa 'yo ang kalimutan ako at humanap na lang talaga ng ibang mamahalin.” Nagtagis ang mga ngipin ni Zigfreid. Pakiramdam niya ay may kumukulong kung anong likido sa puso niya habang unti-unting nadudurog iyon. Ganoon ang epekto sa kaniya isipin pa lang niyang mapupunta si Mary Ann sa iba. Just the thought of it drives him crazy. “Hindi ko puwedeng payagan 'yon, Mary. Hindi ko kakayanin 'yon. Kaya please...” Inilantad niya ang laman ng kanang palad sa harapan nito. “... please take this back. Angkinin mo ulit ako, gaya ng dati. I beg you, sweetheart.” KULANG na lang ay bumigay ang mga tuhod ni Mary Ann. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang pinanghihina ng bawat salitang lumalabas sa bibig ni Zigfreid. Nang mga sandaling iyon, he let her see once again just how vulnerable he was. Isang katangiang hindi nito ipinakikita sa iba; tanging sa kaniya lang. Waring tumatagos ang pagmamakaawa nito hindi lamang sa kaniyang puso kundi maging hanggang sa kaniyang kaluluwa. Napasinghap siya nang ilahad nito ang palad sa harapan niya at tumambad sa kaniyang paningin ang isang singsing: their engagement ring. Nakuha pa pala nito iyon. Kaya pala hindi na niya nahanap nang balikan niya matapos mahimasmasan nang gabing inaway niya ito. “Kung hindi ka pa handang mag-asawa, puwede naman nating i-postpone muna ang kasal. Basta huwag lang tayong maghiwalay.” Hindi na kinakaya ng puso niya ang pakikipagmatigas kay Zigfreid. Hindi na niya matiis na hindi pagbigyan ang pakiusap nito. Gusto na lang niyang yakapin at hagkan ito at sabihing wala itong dapat na ipangamba. Gusto rin niyang ipakilala na rito ang munting anghel na nabubuo sa kaniyang sinapupunan. Gustung-gusto niya, ngunit hindi niya magawa. Dahil sa tuwing susubukan niya, isang multo ng nakaraan ang mahigpit na pumipigil sa kaniya. “Ayoko na, Luisa. Pagod na akong magpanggap sa harap ng bata na masaya tayong pamilya kahit hindi naman talaga. Para din ito sa ikabubuti niya.” Pinanginigan ng kamay si Mary Ann sa naalaala. Bago pa iyon mapansin ni Zigfreid ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili saka ito hinarap. “Hindi mo kailangang magmakaawa o humingi ng tawad sa 'kin, dahil wala naman sa 'yo ang problema. Nasa akin, Zig.” Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng lalaki nang umangat ang kamay niya para pahirin ang luha sa pisngi nito, na hindi pala nito namalayang pumatak. “Hindi lang ikaw ang maraming napagtanto habang magkalayo tayo. Ako rin. Ako pa pala ang dapat humingi ng tawad sa 'yo. Napag-isip-isip ko kasi, wala naman talaga akong masyadong nagawang mabuti para sa 'yo noong tayo pa.” Namuo ang tila malaking bara sa lalamunan niya. “N-naging pabigat lang ako, alagain at sakit ng ulo, h-habang ikaw, ginagawa mo ang lahat para mapasaya ako at iparamdam ang importansya ko. Ang unfair, hindi ba?” Bumuka ang bibig nito para magsalita pero hindi niya ito binigyan ng pagkakataon. “Kaya 'wag mo na akong kulitin. Hindi naman ako kawalan sa iyo, eh. Hindi mo kawalan ang isang babaeng laging ipararamdam sa 'yong may pagkukulang ang pagmamahal mo kahit na sobra-sobra pa 'yon. Pinalalaya na kita, Zig. I'm setting you free from our toxic relationship.” Doon na tuluyang nagbagsakan ang masaganang luha mula sa kaniyang mga mata. Hindi na niya magawang kimkimin ang hinanakit na dinadala. “Mahal mo pa ba 'ko?” walang kaemo-emosyong tanong ni Zigfreid matapos ang matagal na pananahimik. Bagama't nananatiling luhaan ay nakipagtitigan siya rito. Noon niya malinaw na nabanaag sa mga mata nito ang pinaghalu-halong sakit, pagkalito at sama ng loob. Hindi niya iyon matagalan kaya sa huli'y nagpasya siyang tumango. “Mahal pa rin kita.” Mahal na mahal. “But this is not the way you love me. Hindi ganito, Mary! Where's the girl who made me promise na hindi ko siya iiwan? 'Yung hindi mapakali kapag hindi ako nagpaparamdam? 'Yung nagsasabi sa 'king wala akong dapat ipag-alala dahil ako lang ang mamahalin niya?” Unti-unting nanghina ang boses nito. “That's my Mary. Siya ang gusto ko; ang hinahanap ko. Hindi ang Mary na pilit akong itinutulak palayo.” “Ayoko lang hintaying masaid ang pagmamahal mo dahil sa kapraningan ko. Ikasisira ko k-kapag dumating 'yung araw na nawala na ang ningning sa mga mata mo t'wing titingnan ako. Kaya maghiwalay na lang tayo, habang maganda pa ang pagtingin natin sa isa't isa.” Tumalikod na siya. Kinailangan niyang takpan ng kamay ang kaniyang bibig para hindi gumawa ng ingay ang paghagulhol niya. Pero muntik na siyang mapaharap muli sa narinig na sumunod na sinabi ni Zigfreid. “Iyon ba talaga ang dahilan, o nagsisinungaling ka lang? Baka naman meron ka nang iba?” Gusto niyang padapuin ang palad sa pisngi ng lalaki. Hindi niya matanggap na ganoon kababa ang tingin nito sa pag-ibig niya para dito. Gayunman ay pinigilan niya ang sarili. Mas mabuti nga sigurong gan'yan na lang ang isipin mo sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD