NAKAHIGA sa kama si Floura habbang walang malay na nakatitig sa kisami. Patuloy na bumabalik sa isipan niya ang tanong ni Janela. 'Natatakot ka ba sa kaniya?' Minsan Hindi... Pero minsan din oo... Napahinga siya ng malalim at tumayo mula sa kama, para lumabas ng balcony. Sa baba ng balcony ay merong swimming pool kung saan naka-reflect ang bilog na buwan. Pero, Hindi lang basta ito ang napansin niya. Sa gilid nito ay merong taong nakatayo, na may sout na blackhood. Pinagmasdan niya ito ng mabuti na kasalukuyan din nakatitig sa kaniya. Laking gulat ni Floura ng makilala niya ito. ".... Triven?" Tumakbo siya papalabas ng kwarto papunta sa backyard Kung nasaan ang swimming pool. Dahan-dahan niya itong linapitan, Tama siya, si Triven nga! "Ano ginagawa mo dito?" "Waiting for you." "Pe

