4:56am in the morning, napag-desisyonan naman ni Floura na pumunta sa ama, kinatok niya ang kwarto nito. Nagtagal ito ng ilang secondo bago bumukas, showing her father. "Pa." "Anak, ang aga mo nagising?" "Gusto ko po sana kayo kausapin.." Sensing something is wrong, pinapasok siya ng sariling ama at isinara ang pinto ng makapasok siya. "Kapatid niyo po ba si Ralph?" Nagulat ang ama niya. "Sinong nagsabi niyan?" "Pa, kapatid niyo po ba si Ralph?" Pag-uulit niya. Tahimik na naupo sa gilid kama ang papa niya sabay tapik sa pwesto sa katabi nito. She took a sit beside her father at kinuha naman nito kamay niya at nagsimula nang magsalita. "Oo, kapatid ko si Ralph, siya ang panganay at ang natitirang pamilya ko." He exhaled deeply before continuing. "Isa din akong mafia, and just li

