bc

My New Boss Is A Bully

book_age16+
23
FOLLOW
1K
READ
comedy
bxg
evil
first love
slice of life
cruel
love at the first sight
lusty
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Simple, mabait, at matulungin na anak si Stella, wala siyang hinangad kundi ang maihaon ang kanyang pamilya kaya naman ng magkaroon ng oppurtunidad ay nagpasya siyang pumasok bilang secretary sa isang kompanya. Sa una naging maayos ang kanyang pagtratrabaho, madalas siyang pinupuri at kinaiinggitan dahil sa angking galing at kasipagan dito. Ngunit isang araw ng magpasyang mag resign ang kanyang boss na si Ruello Manzano at pumalit naman ang uniko hiyo nitong si Emman Rowver at tyaka naman nagulo ang buhay niya.

Hindi niya lubos maintindihan kung bakit laging mainit ang ulo ng kanyang boss pagdating sa kanya kahit pa pinagbubutihan naman nito ang kanyang trabaho. Iyon ay dahil ginagawa lamang ni Emman ang lahat para mapasaya ang sarili.

Gwapo at mayaman na lalaki si Emman ngunit hindi maiaalis sa kanya ang pagiging bully. Hindi naiwasan ni Stella na hindi mahulog kay Emman kahit pa pinagtritripan siya nito, at kasabay nun, ay siya ring pagkahulog niya sa inihandang bitag nito para sa kanya. Isang tuso at habulin ng babae si Emman kaya naman hindi naging mahirap para sa kanya na pa-ibigin si Stella.

Ginawa niya ang lahat para lamang mapasaya ang sarili. Ngunit, ang hindi niya lubos akalain na ang ginawang bitag na dapat ay katuwaan lang, ay nauwi sa walang hanggang pagsisisi.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Stella "Anak gising na, ma la-late ka na naman!" Sigaw ni mama. "Ma. Diba day-off ko ngayon?" Tamad kong sabi. Tinalukbong ko nalang ang kumot para wala akong marinig. "Hay nako Stella, anung day-off day-off ang pinagsasabi mo diyan sa susunod pa na araw ang day-off mo kaya bumangon kana riyan." Walang akong ganang bumangon at wala ring nagawa ng makita ang oras. Dumiretso ako sa banyo at naghanda sa aking pagpasok. Ang buong akala ko ay day-off kona ngayon. Mali ata ang na set ko sa kalendaryo ko. Mabuti nalang at meron si mama. Isang buwan palang akong secretary sa RPLM Corp. So far ay maayos naman ang naging trabaho ko. Mabait ang boss ko kaya siguro magtatagal ako roon. Matapos maligo at maghanda ay bumaba na ako para kumain. Humalik ako sa pisngi ni mama ng makita siyang naghahanda sa lamesa. "Siya nga pala kinausap ko si kuya mo na sumabay kana sa kanya." Aniya. "Ha! Ayoko! Mag co-comute nalang ako." Sabi ko. "Kung mag co-comute ka ay ma la-late kana, mas mabuti pang sumabay kana sa kanya. Mabuti nga at napapayag ko ang kuya mo, kaya bilisan mona at nag hihintay pa sa labas ang kuya mo." Napabuntong-hininga nalang ako ng mapagtantong tama siya. Umupo nalang ako at kumain nang walang magawa. Sa totoo lang, ayokong sumakay sa van namin dahil sira-sira na. Pamana pa iyon ni lolo kay papa na ngayon ay hawak naman ni kuya. Hindi ko alam kung ilang taon nayon katagal at napagtya-tyagaan pang gamitin ni kuya. Dalawa lang kaming magkapatid, limang taon ang agwatan namin. Hindi nakakuha ng magandang kurso si kuya kaya napadpad siya sa isang repairing shop. Ako naman ay hindi na nakatungtong sa college dahil sa kawalan ng pera. Hindi sapat ang kita ng mga magulang ko para pag-aralin ako sa kursong nais ko. Gustohin ko man, kaso hindi ko ginawa dahil sa una't sa huli, ang mga magulang ko lang din ang mahihirapan. Kaya naman isang blessing para sa akin na matanggap sa RPLM Corporation bilang isang secretary. Ginagawa ko ito hindi para sa akin, ngunit sa ikaaayos ng aking pamilya. Pangarap kong makapaglibot sa ibang bansa at mabigyan ng maayos na tahanan ang aking mga magulang. Pagkatapos kumain ay lumabas na ako, nahagilap ko si kuya na mayroong inaayos sa harap ng van ngunit nang makita ako ay agad niya iyong isinara. "Oh, Stella, nandito kana pala, halika sumabay kana sakin para hindi ka ma late." Aniya, at 'tyaka ako pinagbuksan ng pintuan sa front seat. Pagkapasok na pagkapasok ko sa office ay nakita ko si Mr. Manzano, ang boss ko natila ba'y nag-mamadali at may inaayos na mga papeles. Nang makita niya ako ay natigilan siya ngunit ng makabawi ay ‘tyaka niya ako kina usap. He chuckled. "I’m sorry Ms. Magday I forgot to tell you that I’m going to state by next week. Biglaan iyon kaya hindi ako agad nakapagsabi.” “Kung ganoon po ay magbo-book na ako ng ticket niyo papunta roon.” Mabilis ko namang presenta. He smiled. “I would like to, but I already book a ticket last night.” He said. Hindi na ako umimik. “Anyway, Your new boss will be out soon so treat him nicely okay?” Aniya ng wala na akong masabi. “Po?” Gulat kong sambit. He smiled again. “Im sorry, mag re-resign na ako.” Naghimig malungkot ito. “I have a lot of things and businesses in the US so my son will be manage this company.” Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Manzano ngunit naka bawi rin kalaunan. “Im sorry Ms. Magday. I need to go now, see you tomorrow.” ngumiti siyang muli bago kinuha ang kanyang mga gamit. Tumango lang ako at ngumiti rin bilang ganti. Kinabukasan ay kabado akong pumasok ngunit napukaw ang aking atensyon ng mga babaeng nag tsi-tsismisan at nagsisigawan sa hallway. "Ah miss anong meron?" Tanong ko sa babaeng nagmamadali papunta sa conference room. "Dumating na daw po ang bagong boss Ms. Secretary,” aniya. “Ganoon ba? Sige, Salamat.” Ngumiti ako sa kanya. Agad akong pumunta sa conference room upang alamin ang nangyayari. Pagkarating ko roon ay pinagkumpulan ang buong conference room ng mga babaeng sumisilip sa kung ano man ang naroon sa loob. Pumasok ako at nakisingit sa mga babae. Nang makarating ako sa loob ay doon ko nakita si Mr. Manzano na ipinakikilala ang lalaking katabi nito sa mga board members. Tumingin sa akin ang lalaki. Agad naman akong kinabahan dahil sa titig na iyon. Doon ko rin na realized kung bakit nagkukumpulan ang mga babae sa labas. Matangos ang kanyang ilong at may makakapal na kilay. May kulay rin ang kanyang mata na siyang nagbibigay ng tensyon sa 'tuwing tititigan ka nito. Maybe he has a foreigner blood. Mas maganda ang features ng mukha niya kumpara sa karaniwan. He’s like a Hollywood actor na madalas pagkaguluhan dahil sa kagwapuhan. Ngumiti ito at nag wave sa mga tao. Nagsigawan ang mga babae dahil lang sa galaw na iyon. Or maybe because of his angelic smile and his damn distracting dimple. Bigla akong nawala sa sarili ng dahil roon. Nagulat nalang ako ng bigla akong sigawan ni Mr. Manzano sa harap. "Ms. Magday!!! What are you doing! Kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig!” Nagsitawanan ang lahat, ako naman ay napayuko dahil sa kahihiyan Nang tumingin ako sa lalaki ay nakangisi ito at tila'y pinagtatawanan ang ginawa ko kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate

read
1.5M
bc

Sold to the Billionaire Alpha

read
1.7M
bc

Chosen by the Alpha (#1 of the Denali pack)

read
675.7K
bc

Sienna, The Alpha's Daughter (#3 of the Denali pack)

read
137.9K
bc

His Unsuspecting Mate

read
769.4K
bc

Broken Mate

read
902.9K
bc

Lady Dhampir

read
4.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook