Chapter 2
Stella
Ano ba Stella, nakakahiya ka!
Kahihiyan ang bumalot sa akin sa conference room. Ni hindi ko nagawang makinig sa kung ano man ang ipinaliwanag ni Mr Manzano dahil iyon lang ang namutawi sa isip ko.
Nakaraos lang ako nang matapos ang meeting. Agad naman akong umalis upang palisin ang natitirang kahihiyan sa akin.
Matapos ang meeting ay bumalik ang lahat sa kanilang trabaho. Ang mga babae naman ay hindi magka mayaw sa katitili dahil sa bagong boss.
“Grabe, ang gwapo ni Sir Emman! Parang gusto kona magpabuntis sa kanya! ” Tili ng isa.
“Gaga!” sabi ng kasama niya.
“Good morning Sir,”
Agad bumati ang iba ng matanaw si Sir Emman.
Gulat naman akong napayuko bilang galang sa kanya.
“Good morning Sir,” bati ko.
“You’re my Secretary right?”
“Yes Sir,”
“Okay, take me to my office.”
Tulad ng sabi niya ay idinala ko siya roon.
“What’s wrong Ms. Secretary?” Aniya pagkaupo sa swivel chair.
“Sir?” Gulat ko namang tugon.
“You’re blushing,” he chuckled.
Agad naman akong napalikod dahil sa sinabi niya.
Blushing? Hindi kaya!
“O-Okay sir, I'll take my leave now,” sabi ko at umalis na. Hindi kona kaya pang magtagal sa opisina na 'yon. Feeling ko tinutusta ako sa tuwing magkikita kami!
What’s wrong with me?
Kinaumagahan ay nagising ako ng wala sa oras. Alas otso na! Late na ako!
Agad akong naligo at nagbihis, hindi kona nagawang kumain dahil sa pagmamadali. At ang mas lalong nagpatindi ang aking kaba ay nang umabot sa isang oras ang aking paghihintay bago nakakuha ng masasakyan.
Dala-dala parin ang kahihiyan kahapon ay lakas loob akong pumasok sa opisina at dumiretso sa aking desk ngunit nanlaki ang mata ko nang mamataan kung sino ang nakaupo roon.
“Good morning Ms. Secretary,” he greeted. Tinupi ang diyaryong kanina pa ata binabasa.
Nanginginig naman akong ngumiti sa kanya. “G-Good morning sir,”
Itinaas niya ang kanyang paa at nanliliit ang matang tinitigan ako.
“I waited here for almost two hours.” Tumayo siya. Lumapit sa akin. Napalunok naman ako. “What makes you late Ms. Secretary?” itinaas niya ang kanyang kilay.
“I-Im sorry sir. Tinanghali lang po ng gising…” paumanhin ko.
Nanliit ang mata niya ngunit kalaunan ay tumango-tango. “Yeah, Tito Ruello told me that you are a good secretary but…” he stop for a while. “I can’t see it though.” Nagkibit balikat siya.
“I’m sorry to disappoint you sir, but-“
“No.” putol niya.
“Ayoko sa lahat ay taong na la-late. You have your time. Kung tinatanghali ka ng gising edi agahan mo matulog. That’s simple. Mahirap bang gawin iyon Ms. Secretary?”
“Sorry po,” I pleaded.
“Okay, let’s do our work. Have a great day.” Aniya at pumasok sa kanyang opisina.
Isang malaking buntong hininga ang inilabas ko pagkaalis niya.
Pagka gwapo-gwapong lalaki napaka sungit! Nakakainis! Hindi ba siya marunong umintindi? Ang hirap kaya mag comute. Kahit agahan mong gumising pagdating sa sakayan wala na. Biruin mo, isang oras akong naghintay para lang may masakyan! Ano ang gusto niyang gawin ko? Gumising ng maaga at mag jogging papunta rito? Nakakainis!
Natapos ang araw at naging maayos naman ang trabaho ko. Ngunit madalas ay naririnig ko si Sir Emman na sumigaw sa kanyang mga empleyado. Normal lang iyon dahil noong si Mr. Manzano pa ang boss ay madalas niya rin kaming pagalitan kung kami man ay nagkakamali.
Nakauwi na halos lahat ng employee at ako nalang ang naiwan. Naghahanda na ako sa aking paglisan nang tawagin ako ni Sir Emman.
"Ms. Secretary, linisin mo ang office ko bago ka umuwi." Aniya.
"Po?” Gulat kong reaksyon. “May mga janitor naman po ah? Bakit ako pa ang maglilinis?"
"Nagrereklamo ka?" Aniya.
"H-Hindi po." Sabi ko nga, pupunta na. Pilit akong ngumiti at 'tyaka pumasok sa opisina niya.
Laking gulat ko nang makita ang loob. Napakaraming kalat! Naka kalat ang mga bond paper sa sahig pati ang mga folder na tupi-tupi! Pati lamesa niya ay punong-puno ng kalat!
Tingin ko'y sinadya niya ito para maparusahan ako at mapagod ng husto.
Ang lalaking yon talaga, nakakainis! Hindi ko lang siya boss matagal kona siyang sinapak.
Sinimulan kong pulutin ang mga kalat sa sahig, tapos ay sa lamesa niya, at inayos ang mga folders sa lalagyanan. Ang akala ko'y mabilis lang akong matatapos pero inabot na ako ng alas otso sa paglilinis!
Nang matapos ako ay wala ng tao. Ang tanging bumungad nalang sa akin ay si manong guard na naglilibot sa paligid. Nang makita niya ako ay lumapit siya sakin.
"Ma'am anong oras napo ba’t ngayon lang kayo uuwi?" Tanong ni manong guard sakin.
Syempre dahil sa lintik na Emman nayon!
Ngumiti ako kay manong. "Pasensya napo overtime lang. ‘Tyaka pauwi narin naman po ako." Simpleng tugon ko kay manong. Tumango naman siya at nag patuloy siya sa pag lilibot. Ako naman ay umalis na.
Pagkalabas ko ay wala ng tao, wala na rin akong masakyan mabuti nalang at agad naman akong sinundo ni kuya.
Pagbaba ko ng van ay bumungad agad sakin sila mama at papa.
"Stella! Saang lupalok ka nangling at bakit ngayon ka lang ha?" Bungad agad sa akin ni mama nakita ko pa ang kamay ni papa na hinahagod ang likod niya.
"Ma. Nag Overtime lang po ako, pasensiya napo." Mahinahon kong sagot sa kanila at nag bless kay papa. Humalik naman ako sa pisngi ni mama.
"May boyfriend kana ba ha? Sabihin mo nga." Aniya matapos ‘kong humalik.
"Ma, wala po.” Pa simple naman akong tumawa.
"Siguraduhin mo lang, at ‘wag na ‘wag kong malalaman na buntis ka. Maliwanag?”
“Opo,” sabi ko at ngumiti sa kanya.