Chapter 3
Stella
Kinabukasan ay gumising ako ng maaga tulad ng sabi ng boss ko. Maaga rin akong nag ayos para hindi ma late. Yun nga lang ay natagalan na naman ako sa pagsakay papunta sa opisina kaya ang ending late ulit.
"Good morning sir." Bati ko sabay yuko.
"You're late again for the second time." Aniya.
"I’m sorry sir,"
Umiling-iling siya at tumayo sa kanyang swivel chair. “Buy me a coffee.”
“Okay sir, wait a minute.” Yumuko ako at agad na umalis.
Pumunta ako sa baba at naglaglag sa coffe machine. Agad naman akong umakyat nang makuha ang kape.
Ibinaba ko iyon sa mesa niya ngunit kumunot lang ang noo niya nang makita ang kape. Grabe naman. Akala mo naman lalasunin.
Bahagya akong tumawa. “Sir, don’t worry-“
"Hindi ako umiinom ng coffee galing sa tig-limang pisong machine!" Sigaw niya sakin. Natahimik ako dahil do'n "I want my favorite coffee." Aniya, sa marahan na tono.
“Okay sir, ano po ba ang favorite coffee niyo?” Mahinahon ko namang tanong.
Ginulo niya ang buhok niya. “Never mind. Bilhan mo nalang ako sa Starbucks.”
"Yes Sir," yumuko ako, bilang paalam.
Tulad ng sabi niya ay pumunta ako sa Starbucks at nag order ng kape. Matapos bumili at dumiretso agad ako sa opisina niya para iabot iyon.
“Thank you,” aniya at uminom roon.
Napatitig ako sa kagwapuhan niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapi sa tanan ng buhay ko. Tao ba talaga to? Baka naman isang angel na bumaba sa langit, napaka perpekto.
“Please call the employees ang schedule a meeting later,”
Sa sobrang pagkahuling ko sa mukha niya ay nawala na naman ako sa aking sarili. Nagising nalang ako sa kanyang sigaw.
"Hey! Are you listening to me?"
“Sir?” Nagtataka ko namang tanong.
Ginulo niya ang buhok niya at tila nawawalan na ng presensiya.
“Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig?”
Nagsasalita ba siya? Parang wala naman akong narinig ah.
"Ang sabi ko tawagan mo lahat ng empleyado at mag schedule ka ng meeting mamaya. Now, did you get it?"
"Yes Sir,” doon na ako lumabas sa office niya. May narinig akong mga halakhak galing doon.
Ako ba pinagtatawanan nun? Hayss... Kasi naman Stella mas lalo kang nag papa-distract. Tigilan mona siya, boss mo siya remember?
Agad kong kinuha ang telepono at tinawagan ang lahat ng empleyado. Nag set up narin ako ng meeting at approved iyon kay Sir Emman.
"Sir naka ready napo lahat. Kayo nalang po ang hinihintay doon." Sabi ko nang magsidatingan ang lahat.
"Oh... Okay, can you please give me some minutes." Aniya at busy na nag type sa kanyang laptop.
Lumipas ang ilang minuto ay lumabas rin siya sa office. Sumunod naman ako sa kanya papuntang conference room.
"Good afternoon, Sir" bati nila sa amin at nagsitayuan ang lahat.
"Good afternoon," Aniya ng magawang makaupo. "Take your seat." Sumunod naman ang mga empleyado. "Pinatawag ko kayo kayo dahil gusto ko ng isang welcome party, at gusto ko ay gaganapin iyon next week kaya be ready okay..."
Di kona pinansin ang iba pa niyang sinabi dahil hindi naman connected sa trabaho ko ‘yun. Lumabas nalang ako ng conference room.
Nag hintay ako ng tatlong oras sa labas ng conference room at malayang tinititigan siya. Salita siya ng salita roon, ngunit diko marinig ang sinasabi niya dahil sound proff ang salamin ng conference room.
Nang matapos siyang mag tatalak roon ay mga nasa alas sais pasado na, kaya noong unti nalang ang lumalabas sa kwartong iyon ay nilapitan kona siya. May mga kausap siyang mga tao na mataas rin ang posisyon dito sa kompanya.
Nang makita niya ako sa gilid niya ay bumaling siya sakin, at nagpaalam narin ang mga kausap niya na lalabas na. Tanging tango lamang ang sagot niya sa kanila.
"Clean my office before you go." Sabi niya at tuluyan nang lumabas sa conference room.
Yung totoo. Janitress ba ako rito o secretary? Kainis! Araw-araw niya ba ako balak paglinisin sa opisina niya? Eh kung siya kaya linisin ko at ng tumino naman kahit konti.
Sa una ay nagprotesta ako ngunit kalaunan ay wala na akong magawa nag punta nalang ako sa office niya at nang matapos ang walang kwentang kahibangang ito.
Pagpasok doon ay bumungad agad sakin ang marumi at makalat nitong office. Noong si Mr. Manzano pa ang boss ko. Hindi ganito kakalat ang office na ito. Ngayon ay parang kulungan na ng baboy sa daming mga papel na nagkalat sa sahig.
Tingin ko'y hindi na ata normal ito. Pinagtritripan na ata ako ng boss ko.
"Kung bakit ba naman kasi Stella, ay sinusunod mo ang mokong nayo'n. Kung tutuusin pang aalipusta na ito sa akin."
Magrereklamo pa sana ako ngunit naalala ko ang gwapo nitong mukha.
“Pasalamat siya boss ko siya, at kung hindi lang siya gwapo ay matagal ko ng sinira ang pagmumukha n’un!”
"Ehem," Nagulat ako nang may biglang tumikhin, napalingon ako sa likod at nakita ko ang naka halukipkip at naka ngising si Sir Emman!
“Ano ulit ang sabi mo?” aniya at nanliit ang matang tinitigan ako.
Kinabahan agad ako at nangalap ng isasagot.
“A-Ah ano po, si manong guard sabi ko ang gwapo. Sayang nga lang at medyo matanda na.”
Napakurap-kurap siya sa aking sagot. At ako naman ay todo hiling na sana maniwala siya.
Para maiwasan ang katahimikang namutawi ay humanap ako ng ibang malulusutan.
“A-Ah sir. Ba't po kayo nandito. G-Gabi na po ah…” ngumiti ako.
Humakbang siya papalapit sa akin. Kinabahan ako sa kilos niyang iyon.
“Nandito ako dahil…” putol niya at dahan-dahang humahakbang sa akin, sa kada hakbang niya ay siya namang atras ko. Tahip-tahip ang bawat atras ko, kaya naman nang matunton ko ang katapusan ay hindi kona napigilan ang makamundong pag-iisip.
Napapikit ako. "S-sir wag po. V-virgin pa po ako p-please..." Pagka-sabi ko nun ay biglang may tumakas na luha sa aking mga mata ng dahil sa hindi malamang dahilan. Ilang segundo ang lumipas ng wala akong naramdaman kahit isa kaya nagpasya akong buksan ang aking mata.
Nakita ko siyang kinuha ang suit na nakasabit pala sa gilid ko! Ngumisi siya at nagpakawala ng nakakainsultong halakhak.
Tumakbo ako at mabilis na tumakas sa kanyang opisina.