Chapter 4

1506 Words
Chapter 4 Stella Matapos ang iksena namin na iyon ni Sir Emman ay agad akong tumakbo palabas ng office niya dahil sa kahihiyan na natanggap. Dali-dali akong lumabas ng building at nag-abang ng masasakyan. Nang maka-uwi ako sa amin nakita ko ang gulat sa mukha ni mama. Nagtatakang, nagtanong siya sakin kung bakit daw ang aga ko. Hindi na ako sumagot sa tanong niyang iyon, at pumasok agad ako sa kwarto ko. Kinandado ko ang pinto at nagtalukbong ng kumot. ‘Diko namalayan na nakatulog na pala ako. Nang magising ako ay alas quatro y media palang ng umaga, kaya nag-basa muna ako pampalipas oras. Laking pasasalamat ko ngayon at sa susunod pang araw dahil naka bakasyon siya sa lunes hanggang huwebes kaya hindi ko siya makikita sa mga araw na iyon. Babalik siya sa biyernes para ganapin ang welcome party na inihanda niya mismo. Araw ng sabado ngayon kaya hinga-hinga muna. Nilibang ko lang ang sarili ko sa pag-babasa ng mga pocket books maghapon, at noong linggo naman ay naglibot ako sa mall para bumili ng mga bagong pocket books, dahil paubos na ang mga binabasa ko. Noong sumapit ang lunes ay hinga-hinga lang din ako dahil nasa bakasyon siya, at wala din akong gagawin tunga-tunganga lang maghapon. Emman Nag bakasyon ako sa Mactan Island sa cebu. Pagka babang pagkababa ko ng maleta ay may tumawag agad. Nang tinignan ko ang tumawag ay si Tito Ruello pala kaya sinagot ko agad ito. "Oh... Hi Son. How's are company there?" Panimula ni Tito Ruello sa akin. "Well... It's good in my hand, Tito." I respond. Habang naglilibot ako sa buong kwarto. "That's nice Son. Oh... I forgot. How's you’re secretary? Stella Magday?" Oh... That's stupid girl. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sakin last friday at hanggang ngayon, hindi parin maalis sa isipan ko ang reaction niya. She's annoying, and the same time, Entertaining. Gustong-gusto ko siyang asarin kasi ang cute niya mag blush at pag naiinis. "Well Tito. She's Entertaining at mabait siya. Ginagawa niya lahat ng utos ko." "Im glad to hear that to you, my son. Kaya nga hindi ko siya inilipat ng pwesto kasi alam ko magkakaunawaan kayo. Well anyway, I have a meeting now. Bye. I love you Son." "I love you too, Tito." I respond. Well, Tito Ruello is not my biological father. Kapatid siya ni mama. He adopt me when I was a child. He told that my mother died a few day after I born, siya ang tumayong tatay ko mula noon. At ang totoong tatay ko naman daw ay may asawa. Tito Ruello told me that my mother is a mistress. Pero ang sinunod nilang surname ko ay ang surname ng papa ko. Nagkakilala daw sila sa bar na pinag-tratrabahuan ni mama ko dati. My father is a German, and I’m half Filipino, half German. Hindi kopa nakikita ang tatay ko ever since, si mama naman ay nakita kona sa picture, parehas kami figure ng mukha, kaso ay mas ma ganda nga lang ang akin. Umaasa parin ako na sana makita ko siya. Hindi ako kailanman nagtanim ng sama ng loob sakanya, gusto ko lang siyang tanungin kung bakit niya iniwan si mama ng ganoon-ganoon nalang, at kung bakit niya iniwan ang responsibilidad bilang ama. Laking pasasalamat ko naman at napunta ako kay Tito Ruello. Hindi ko siya matawag na Dad dahil hindi ko naman siya totoong ama. But he understand my side kung bakit Tito lang ang tawag ko sakanya. Dalawa lang silang magkapatid ni mama, kaya sa kanya ako napunta. Wala ring asawa si Tito Ruello, dahil takot na siyang magmahal ulit. Dahil ang huling minahal niya ng todo-todo ay sinaktan naman siya ng todo. Aniya'y mas gugustuhin niya pa raw ang mamatay kasya ang magpakasal. He has a tragic love way back to his teenage life, ang mahal niya ay agad namang nagmahal rin ng iba. Hinabol niya ito ngunit huli na ang lahat. And after that he accept the consequences. Masaya na raw siya sa buhay niya dahil meron naman daw ako na nagbibigay ng lakas niya. Mahal na mahal ko si Tito Ruello dahil ni minsan hindi niya pinaramdam sakin na iba ako sa kanya. Itinuring niya akong tunay na anak. Kasalukuyang nasa US si Tito para asikasuhin ang isa pa niyang business doon. Ipinamana naman niya sa akin ang kompanya niya rito sa pilipinas. Hindi parin maalis ang ngiti ko tuwing naaalala ko ang nangyari sa opisina. Actually sinadya ko talagang magkalat sa opisina para pagurin siya. Paano ba naman kasi, puro pocket book ang hawak tuwing vacant time niya, at isa pa, palaging late! Hindi na nadala, sarap ng buhay. Buti natitiis ni Tito yu’ng babaeng yu’n. Sinadya ko rin siyang pagtripan, at sinabi niya pa talagang virgin pa siya, hindi na nahiya. Ibang klase. Ayon siguro ang mga napupulot niya kababasa ng mga libro. Lumabas ako sa kwarto ko para mag relax, pumunta ako sa swimming pool ng resort na tinutuluyan ko. Maganda ang resort. Tumuloy ako sa Maribago Blue Water Beach Resort, medyo may pagka mahal ang presyo dito, pero enjoy naman. Lumabas ako ng naka topless at nagsuot ng swimwear. Nakita ko ang mga babaeng hindi magkamayaw katitingin sa akin. Sanay na ako sa ganyang reaksyon, sa US palang ay pinagkakaguluhan na ako para lang makalapit, hindi ko kasalanan iyon dahil sadyang ipinanganak lang akong may itsura. Matapos mag swimming ay tumahak na ako papasok sa suit ko. Habang naglalakad ay naalala ko ulit ang nangyari sa opisina. Napangiti nalang ako nang maalala iyon. Maganda si Stella. Maputi, sexy, matangkad, at attractive. Mahaba rin ang buhok niya na kulay brown at bahagyang kulot sa dulo-dulo. Makinis rin ang kanyang balat at makintab ang mukha. May siding rin siya sa kanyang kaliwang pisngi na siyang nagbibigay kulay sa kanyang kagandahan. Sa unang tingin ko sa kanya ay isa siyang model. Isang napaka gandang model. Despite of his beauty, she also has a unique attitude. Gusto ko iyon, natutuwa ako. Masarap pagtripan like I usually do in my classmate back when I was in high school. At mukhang may nakita akong masayang halimbawa niyon. What if pagtripan ko kaya siya? Just a trip, and I have a plan. Get ready Stella. I’m coming back in your way. Natapos ang bakasyon ko rito sa Mactan Island ay nag book na ako ng ticket para umuwi. Well na enjoy ko naman ang bakasyon ko. I enjoy the beautiful white sand beach, the resort, the food. Pero may namiss ako. Yung asarin si Stella. Magiging hobby kona ata iyon ah. Stella Noong nag biyernes na ay bigla akong kinabahan papasok sa trabaho. Kasi naman, babalik nasi Emman. Sana ay hindi na niya naalala ang nangyari noong biyernes. Nakakahiya! Wala akong idea kung saan siya nag bakasyon, Basta ang sabi niya ay mag babakasyon daw siya. And I’m thankful for that sana araw-arawin na niya. Pagpasok ko sa opisina niya ay tulad ng inaasahan, nandoon na siya naka upo sa swivel chair nang naka ngisi. Oh, that dimple. "Hmm... Virgin kapa pala huh?" Salubong niya sakin at umiling-iling. Naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. What?! Naalala niya? Naman oh... Gusto ko ng magka amnesia para hindi ko na maalala pa iyon. Nakakahiya. Hindi ako sumagot. Kundi ay napatingin nalang ako sa sahig dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko ang kanyang pag-tayo mula sa swivel chair at naramdaman ko rin ang kanyang paglalakad patungo sakin. Napapikit nalang ako. Nang dumilat ako ay Nakita ko ang black shoes niya sa sahig kaya napa angat ang tingin ko. Pagtingin ko ay naka ito ngisi ng napakalaki. Biglang tumawa nang hindi na napigilan. "Please Stella, wag muna ipaalala Yun a-ayoko na." Tawang-tawa pa niyang sinabi at pinunasan pa niya ang kaunting luha. Noong bumaling ulit siya sakin ay seryoso na ang mukha ko. Nakakunot ang noo ko at masama ang tingin sa kanya at hindi na natutuwa sa pinag-gagawa niya. Bigla ulit siyang tumawa ng malakas. Doon Kona siya pinaghahampas sa braso niya. Muli siyang tumigil sa kakatawa at tinignan ulit ang ekspresyon ng mukha ko na ganoon parin. Nakita ko ang pag pi-pigil niya uli ng tawa. Naka lagay ang mga kamay niya sa likod at kinakagat ang labi. "Sige itawa mona iyan. Kawawa ka naman baka mamatay ka pa riyan." Tinaasan ko siya ng kilay at tumalikod na. Pagtalikod ko ay narinig ko na naman ang malakas niyang tawa. Humakbang ako ng isang beses at inignora ang kanyang pagtawa nang marinig ko siyang nag salita. "S-sir wag po. V-virgin pa po ako please..." Abat, ginaya pa talaga niya yung tono ng pag-kakasabi ko! Hinarap ko siya. Pagharap ko ay nakahiga na siya sa sahig at naka baluktot pa. Pinag hahampas ko siya sa braso niya. Laking gulat ko ng biglang bumukas ang pintuan at Nakita ko ang gulat sa mukha ng empleyado. "Ay... S-sorry po. Naistorbo ko kayo..." Sabay piece sign.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD