Chapter 3

2109 Words
“HAPPY BIRTHDAY EUNYKA!” Napayuko ako dahil sa surprise ng mga kaklase ko sakin. May pa confetti pa silang pinasabog, my tarpaulin pa silang hawak.. na sa tingin ko ay nilagyan talaga nila ng effort dahil subrang ganda nito. Lahat ng mga kaklase ko ay nasa gitna ng room. Wala mang teachers pero happy na ako, dahil na surprise talaga ako sa ginawa nila. “Salamat guys... Thank you so much.” maluha luhang sabi ko. Lumapit naman si Calia sakin at niyakap ako. “Happy birthday Nyka..” bulong niya na kinangiti ko. “Happy monthsary din sainyo.” I whispered. Calia chuckled at tumingin sa mga kaklase namin. Ngumingiti ang mga kaklase ko sakin at niyakap ako isa isa. Buti nalang wala silang itlog na pinalo sa ulo ko kagaya nung last year, ang sakit kaya. Feeling ko mabibiyak ang skull ko. “I'm already twenty-one, kaya walang birthday party na mangyayari..” I smiled to them. “But... Magbabar tayong lahat mamaya. Ready na ang bar na pina close ko pa para sainyo, so dapat magready na din kayo... And! Ako bahala sa lahat ng drinks niyo!” Nagkasiyahan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ko. Kitang kita ko ang saya sa mga mukha nila.. lalo na ang mga boys, tsk, maglalandian lang naman sila doon. “Dabest ka talaga Eunyka!” “Thank you Eunyka.. dabest ka talaga!” “Oh! Linisin niyo na ang kalat niyo!” I shouted. Tumawa naman sila at kumuha ng walis tambo. Napangiti ako. Third year college na kami, accountant ang course namin.. kaya dapat lang magsaya kami no! Stress kaya ang school. Medicine naman ang kinuha ni Kurt because he wants to be a doctor. At ako naman, gusto kong maging architect. Gusto kong magpalit ng course pero.. for sure akong hindi papayag si mommy. Last subject na namin mamaya kaya I'm so excited na talaga. Ilang araw na akong hindi umiinom, so dapat lang. Marami akong iinumin mamaya. “Maganda ba?” tanong ni Calia while smiling at me. Tinaas niya din ang bag na kulay pink, ang bag na pinakita ni Kurt sakin kagabi. “Yeah..it's so cute, just like you.” I answered. Yumuko ako at kumain ng hamburger na nasa harap ko. “Binili mo yan Calia!? Ang cute!” dinig kong sabi ng isa sa mga kaklase kong babae. Kumakain kami here sa cafeteria ng mga kaklase ko. Magkaharap kaming dalawa ni Calia, hamburger din ang order niya dahil nga twins kaming dalawa. “Hindi..bigay sakin.” mahinang sagot niya. Tumingin siya sakin kaya ngumiti ako sakanya. Hindi talaga siya marunong magsinungaling. “Sino? Uy.. may secret admirer na siya.” tukso ng mga kaklase ko sakanya. Ngumiti siya at umiling. “Secret.” Palihim akong tumawa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kong bakit walang alam ang mga kaklase ko about sa boyfriend ni Calia. Duh! Nagkiss na kaya sila inside ng cafeteria. Alam ko namang nakikita ng ibang mga kaklase ko iyon, pero.. bakit parang wala silang alam sa relationship status nila Kurt at Calia? Umuwi ako sa condo unit ng mag-isa. Wala akong nadatnan na Kurt doon, for sure nagpapractice pa iyon. Humiga ako sa sofa, 4:39pm palang naman and 7:00pm kami pupunta mamaya sa bar. Nanonood ako ng movie sa Netflix, pero wala doon ang atensiyon ko. Busy ako sa pag-oonline shopping, birthday ko naman kaya okay lang. Napatigil ako sa ginagawa at napatingin sa pinto ng may mag-doorbell. Tamad akong bumangon at nagtungo sa pinto. Sumilip ako sa peephole at kumunot agad ng noo ko. Hindi naman ako nag-order ng kung ano ano.. at isa pa, sa susunod pa dadating ang BT21 cosmetics ko no. Binuksan ko ito at sinalubong ng ngiti ang delivery boy. Ngumiti din siya sakin at binigay ang limang paper bags at isang box ng chocolate. Na excite ako kaya dali dali akong nagperma at sinara ang pinto. Nilapag ko ang chocolate sa coffee table at kinuha isa isa ang mga paper bags. Gucci, Chanel, Dior, Balenciaga, and Calvin Klein. Pagkita ko palang ng mga brands, alam ko na agad kong kanino galing. Mommy! She always spoiled me sa mga ganto. She wants branded kasi kaya nag mana ako sa kanya. Inuna kong buksan ang paper bag ng Balenciaga. Mas malaki kasi ito at medyo mabigat. Gusto ko yung mga clothes nila, pero mas gusto ko ang mga shoes nila. Ang ganda kasi, tapos ang tibay.. mas matibay pa sa relationship niyong dalawa. Kidding. Nakita ko sa loob ng paper bag ang isang box ng sapatos. Kaya pala, so heavy kasi may sapatos sa loob. Black Balenciaga shoes, nice mommy. Mga clothes ang laman ng ibang paper bags. Tsk! She forgot the bag. Puro clothes lang. Nilagay ko sa loob ng kwarto ang mga paper bags, mamaya ko nalang isukat yang mga 'yan. Bumalik ako ng upo sa sofa at sinimulang buksan ang box ng chocolate na bigay ni mommy. Bakit niya ako binigyan ng ganto? Ayaw niya nga nun na tumaba ako! Tapos she give me this!? Kumain ako ng chocolate ng biglang tumunog ang phone ko. Nataranta ako ng makita ang name ni mommy sa screen. “Hi mommy!” masiglang bungad ko. Mahirap na, baka bawiin niya ang binigay niya, kapag mag taray ako. [Baby! Happy birthday! Did you enjoy the paper bags na pinadala ko 'dyan sayo?”] paper bags? Why hindi niya sinabi ang box ng chocolate? Yeah I know that mommy didn't allow me to eat chocolates, pero kanino galing 'to? [Baby?] “Ah...yes mommy. Subra subra.. thank you!” Nag-usap pa kami ni mommy at nauna na akong mag paalam sakanya ng na malayan ko ang oras. It's already six in the evening. Kaylangan ko pang mag-prepare. Hindi man lang ako tinawagan ni daddy para e greet. Wala man lang siyang birthday gift para sakin. Stop Eunyka, this is your day.. so dapat happy ka.. think positive! Namimili ako ng susuotin kong damit ng biglang tumunog ang phone ko. From: Kurt Gagabihin ako ng uwi, tambak ang activities. Pati siya hindi naalala ang birthday ko? Bakit kaylangan pa niyang gawing reason ang activities kung pwede namang 'magdedate kami ni Calia, hindi ako makakauwi.' Tsk, nakalimutan din niya. Magkasabay ba naman kasi ang birthday ko at monthsary nila. I rolled my eyes at nilapag ang phone ko sa coffee table. Umupo na ako sa sofa para isuot ang heels ko. Napalingon ako ulit sa phone ko ng bigla itong tumunog. From: Kurt Happy birthday. I smiled a little bit. Akala ko naka limutan niya. Subrang plain siya at napaka-dry. Ramdam ko iyon hanggang dito, pero anong magagawa ko? Na forced siyang pakasalan ako para sa company nila, kaya seguro minsan ramdam ko na he's so angry pag dating sakin. May nilagay akong make-up sa aking mukha, ngunit kunti lang. Natural lang. Ayukong mag mukhang clown sa birthday ko. Grey tube and ripped jeans ang suot ko. Naka lugay lang mahabang black beautiful perfect hair ko. Nagsuot din ako ng black Balenciaga jacket. Suot ko din ang black Chanel heels ko, na binili ko pa sa New York last month. Ayukong mag palda o mag short man ngayon dahil baka mabastos ako. Sabi ko kasi sa mga kaklase ko pwede silang magdala ng mga kaibigan nila basta wag lang yung marami. Three to five ay pwede na. There's so many m******s in the world pa naman. At isa pa sabi sakin ni mommy, don't drink to much beer daw dahil baka lumaki ang tummy ko. Katulad ni daddy.. parati siyang umiinom ng beer, kaya yung tummy niya ay malaki. Lumabas na ako ng condo at nagtungo sa parking lot para kunin ang car ko. Sumakay na ako dun at nagdrive na patungo ng bar. Natagalan pa akong dumating doon dahil sa traffic. Pero it's okay, think positive dahil birthday ko ngayon. Nandon na lahat ng mga kaklase ko pagpasok ko palang sa bar. Disco music ang bumangad sakin, subrang ingay, at mas lalo pa silang umingay ng masilayan ako sa entrance ng bar. Ngayon ko lang napansin na para akong businesswoman sa suot ko. Tsk, at least maganda. “Happy birthday Eunyka!” “Andito na pala ang magandang birthday girl!” “Eunyka!! Happy birthday!” Tumango lang ko sakanila at ngumiti. Nag pasalamat ako sakanila, at kinausap na din. Hinanap ng mga mata ko si Calia. Asan na kaya ang girl na iyon? Nagtext siya kanina na pupunta siya dito, dahil wala silang date ni Kurt. Dahil ba sa activities na sinasabi ni Kurt? Nakita ko agad siya sa gilid, naka upo sa couch kasama ang mga kaklase kong babae. Subrang ingay, inuman dito, inuman doon. Yung iba naghahalikan na sa gilid, at may mga sumasayaw na din sa gitna. Umiling ako at lumapit sakanila ni Calia. Ngumiti sila sakin at tumayo ng makita ako. “Nyka! Kanina kapa namin hinihintay.” Calia said. Ngumiti ako at umupo sa gilid niya. Kinalabit ko 'sya kaya napatingin siya sakin. Kumunot ang noo niya pero nakangiti parin. “Where's Kurt? Wala kayong date?” I whispered to her. Ngumiti siya sakin at mas lalong inilapit ang mouth niya sa ears ko. “Wala..” ngiti niya. “Marami silang activities ngayon, hindi niya maiwan.” Ang judgemental ko naman. May activities nga talaga siya.. tapos.. eh, I don't know ba naman kasi kung totoo ang text niya sakin. Nagjoin na ako sa inuman nila Calia. Tinanggal ko na din ang coat ko dahil nakaramdam ako ng init. Sabi ko kanina hindi ako iinom ng marami dahil baka maging big ang tummy ko, pero.. ngayon naka limang baso na ako. Naka limang bucket nadin kami. Low tolerance ako kaya naramdaman ko na ang pag-ikot ng mundo. Tumayo ako at nag paalam na sa kanila na pupunta muna ako ng banyo. Ayukong mag-vomit dito no, baka ma turn off pa sila sakin. “Nyka! Samahan na kita!” hinawakan ni Calia ang bewang ko. Mabilis kong kinuha ang kamay niya. High tolerance siya pagdating sa alak, kaya seguro hanggang ngayon hindi pa din umiikot ang mundo niya. Kay Kurt lang seguro pwedeng umikot ang mundo niya. “I'm super fine Calia.” ngumisi ako sakanya at tumayo ng tuwid. “See? I can stand up!” Napahawak ako sa sentido ko ng biglang umikot ang paligid. Babagsak na sana ako ngunit naramdaman ko ang brasong naka yakap sa bewang ko. “You okay?” bulong niya malapit sa tenga ko. Ang bango naman ng hininga niya. Tapos ang bango pa niya. Tumingin ako sakanya. Kumunot ang noo ko ng makita ang gwapong mukha ng captain nila Kurt. “Justine! Andito kadin pala!” nakangising sabi ko. “Wala kang class?” Kahit medyo blur ang paningin ko nakita ko parin kung paano siya umiling sa tanong ko. “Pasensya kana Justine.. lasing na ang birthday girl..” dinig kong sabi ni Calia. Naramdaman ko nalang na naka upo na ulit ako sa couch. Wow, magic! “I'm not drunk!” tumaas ang kilay ko. “Ikaw ang lasing Calia.” Pumikit ako ng maramdaman ang antok. “Tawagan ko si Kurt.” “Bakit si Kurt pa? Pwede namang ikaw nalang.” “Mag bestfriend ang daddy ni Kurt at daddy ni Nyka... Ayaw sakin ng mommy ni Nyka.. baka palayasin ako.” Tatayo na sana ako at sumingit sa usapan nila pero naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko ang paa ko. My heels, mahal kaya 'to! Limited edition 'to! Ayukong mawala! “Kurt! Kaylangan ko ang tulong mo!” Hindi ko na madinig ang usapan nila dahil nilamon ako ng antok. “Anong nangyari?” “Alam mo naman Kurt diba?.. ayaw sakin ng mommy ni Eunyka..” “Ako na bahala sakanya.. pero okay ka lang ba dito?” “Kurt, hindi ako lasing... I'm fine, kasama ko naman sila Nathalie...” “Okay... Happy monthsary baby, I love you so much. Babawi ako sayo bukas, pangako yan.” “I love you too.” Natutulog ako dito tapos ang cheesy ng mga words na ginagamit nila. Wala namang forever, I love you daw! hahahha magbebreak din naman. Para akong nakalutang sa langit... Ang sarap sa pakiramdam. “Inom pa.. ang bigat mo subra..” Me!? Heavy!? What the heck, ang gaan ko nga. Naramdaman ko ang malambot na bed sa likuran ko. Nakaramdam ako ng lamig kaya mabilis kong kinuha ang unan ko at niyakap ito. Isang malambot na bagay ang dumikit sa mga labi ko. Ang lambot nito.. baka unan lang.. —————— to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD