Chapter 35: Ang Kwento ni Ezekiel 1

3608 Words

"Ano ang gagawin natin ngayon,mahal? Sabi ng mga doktor ay wala na talagang lunas ang karamdaman ng ating anak," nalulungkot na tanong ng isang ginang sa kanyang asawa habang pinapanood nila ang isang walong taong gulang batang naglalaro sa kanilang bakuran habang may nakaagapay sa bata na isang nurse. Ang kanilang anak ay may karamdaman sa kanyang puso na sinabing wala nang lunas. Kahit pa na sabihing napakayaman nila ay walang magawa ang kanilang pera para lang mabuhay ang kanilang anak. "Hindi ko alam,mahal, hindi ko alam," nawawalang pag-asang sagot ng lalaki sa kanyang asawa. "Sana lang ay tumagal pa siya sa ating piling,mahal. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala siya," naiiyak na sambit ng ginang. Ang sakit ng bata ay walang kasiguraduhan kung kailan ito aatake. Kung ngayon a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD