" Galingan mo, ha! Dapat ipanalo mo ang laban mo! " sabi ko kay Moises. Ngumiti siya sa akin, " Hinding hindi ako matatalo! " paninigurado niya. Nagsimula na siyang maglakad paakyat sa Arena at nagpunta sa gitna para humarap sa kanyang makakalaban. Seryoso silang dalawa na nagkakatinginan habang nagsasalita ang Referee kung ano ang gagawin at kung ano ang hindi dapat gawin sa laban. " Para sa huling laban mula sa Mazoria at Flair, simulan na! " anunsyo ng babaeng referee. Nagsigawan ang mga manonood. Unang nilabas ni Moises ang kanyang Arkin, isang kalasag at isang malaking espada. Pumakbo si Moises para atakehin ang kanyang kalaban. Tahimik lang na nakatingin ang lalaking kalaban ni Moises sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umilag sa bawat pagwasiwas ni Moises sa kanyang

