Napatingin ako kay Moises habang nasa tabi ni Noah. Kahit na hindi maalala ni Noah na kapatid niya si Moises ay hindi pa rin mawawala iyong pag-aalala niya s akanyang kuya. Ganyan naman ang pamilya, eh. Kahit na may mga hindi pagkakaunawaan, hindi sila nag-iiwanan. Mahirap ang mga pagsubok na kanilang tinatahak, darating din ang panahon na malalampasan nilang lahat ng iyon na magkahawak ng kamay. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ko sila. " Para sa ikaapat na laban, pumunta na dito ang mga kalahok! " napapitlag ako dahil s amuling pag-anunsyo ng referee. Kanina pa pala niya tinatawag ang mga manlalaro para sa ika-apat na laban! Napatingin ako sa Arena at nakita ko ang taga Flair na nakatayo na sa gitna habang nasa gilid niya ang referee. Tumingin ako kay Moises at p

