" Ano nang nangyari? " tanong ko sa kanya. Nagiging interesante na kasi ang kwento niya kaya hindi ko maiwasan ang mapatanong. "Makinig ka na lang, Kelvin! Ang kulit mo rin, ano?" sagot ni Moises sa akin. "Pasensya naman, excited lang!" sabi ko ......... "Hindi kaya may lumubog na parte dito na nagdahilan ng pagbitak o paggalaw ng lupa kaya nagkaroon ng anyo ng tubig?" pabalik kong tanong. "Maari. Magtanong tanong na lang tayo kung meron bang lumubog na lupa dito na naging lawa o..." hindi natuloy ni Isagani ang sasabihin nang pumasok si lola Ines na may hawak na mga kumot. "Ito pala ang mga kumot ninyo mga anak," nakangiti niyang sambit sa amin. Inilapag niya ito sa isang kama at aalis na sana siya pero pinigilan ko. "Lola Ines, meron bang lugar dito na lumubog?" tanong ko sa

